50 - Sorry...

37 2 0
                                    


March 17, 2012



Dear Diary,





Kung paanong nasaktan ako ng iwan ako ni Iñigo at mawala ang baby namin, mas masakit pa rin ang makita ko siyang ikakasal sa iba.



Alam kong hindi niya ito gusto pero kailangan niyang gawin para tuluyan na niya akong makalimutan.




Nasa may bungad pa lang ng simbahan si Iñigo ay tanaw ko na ang kanang kamay niyang nakabenda. Parang may humiwa sa puso ko sa isiping ako ang dahilan ng kung anumang nangyari sa kamay niyang ýon. Habang nagma-martsa siya palapit sa altar ay nakatingin ang malamig niyang mata sa akin. Para bang sinasabi ng mga matang iyon na humihingi siya ng sorry sa akin. Na kailangan ko siyang unawain at kailangan ko na siyang tuluyang kalimutan.




"Ngayon lang ako nakakita ng groom na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa," dinig kong bulong ni Ate Quey.




Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Marga sa likod ko kaya tinapunan ko siya ng tingin. "Sabihin mo lang kung hindi mo kaya," bulong niya sa akin.




Tumango lang ako at pilit ngumiti. Sinulyapan ko muli si Iñigo na katabi si Mr. Ken, ang tumatayong ama niya sa kasal. Ni wala ang lolo niya rito at wala yata ni isang kakilala niyang dumalo dito sa kasal kundi si Ate Helen.




Nang pumasok sa simbahan si Jasmin ay inalis ko na ang tingin ko kay Iñigo at kahit binabayo sa sakit ang puso ko pinilit kong kumanta para sa pinsan ko.




Ang ganda-ganda niya habang naglalakad sa gitna ng simbahan, kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa araw na ito na ikakasal siya sa lalaking mahal niya at nagkataong mahal ko rin.




Nang tuluyang makalapit siya kay Iñigo at kunin nito ang kamay niya para sabay silang humarap sa altar ay namigat na ng husto ang pakiramdam ko. Ipinagpasalamat ko nang saluhin ni Marga ang kantang dapat ay sa akin. Humakbang siya sa harapan ko at piping lumuha ako sa kaniyang likuran hanggang sa hindi ko na kinaya ang sakit at napilitan akong pasimpleng lumabas ng simbahan.




Napatakip ako ng bibig habang humagulhol ako ng iyak sa labas ng simbahan.




Dapat ako ýon Diary, dapat ako ýung bride ni Iñigo. Dapat ako ýung nakasuot ng bridal gown at masayang naglalakad sa gitna ng simbahan habang hinihintay ni Iñigo.



Siguro nga, wala talagang kami. Baka nga hindi siya ang itinadhana para sa akin. Wala na akong dahilan pa ngayon para ipaglaban ang nararamdaman ko.



Tama siya, sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan kong ituring na isang panaginip na lang lahat ng pinagdaanan namin.



Masakit mang tanggapin, pero hanggang dito na lang Diary... hanggang dito na lang kami... at hanggang dito na lang ako makakapagsulat.



Lahat ng pinagsamahan namin ni Iñigo ay mananatili na lang ala-ala sa Diary na ito.







***




Iñigo's POV




Luhaan ako matapos kong mabasa ang huling pahina ng Diary ni Megan. Kahit matagal ng tapos ang lahat ng ito ay hindi ko pa rin maalis ang hindi masaktan. Alam ko kung gaano ko siya nasaktan noon, pero habang binabasa ko ang Diary, doon ko napatunayan na higit pa pala sa alam ko ang pinagdaanan niya.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon