53 - Sino ka sa buhay ko

54 2 0
                                    



Three years later…



Papalabas na ako sa lobby ng Global nang may mamataan akong babaeng nakatayo ilang metro ang layo sa building. Nakaharap siya rito at nakatingala na tingin ko ay binabasa ang pangalan ng building. Naka-simpeng pantalon at t-shirt siya at may nakasukbit na bag ng gitara sa likod habang may isa pang hindi kalakihang sling bag sa gilid. Naka-shades siya at nakasombrero kaya hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya pero parang pamilyar ang kaniyang tindig. I have a strong feeling that I’ve seen her before.

Kumaway siya sa akin mula sa labas kaya naipilig ko na lang ang ulo ko at inalis ang tingin sa babae. Nilabas ko si Ken at tinanggap ang susi ng kotse na agad niyang iniabot sa akin. Sumakay din ako agad at pinaandar iyon. Nadaanan ko pa ang babae sa gilid ng kalsada na ngayon ay naglalakad na patungo sa kapareho kong direksyon.


Hindi ko mawari kung ano ang mayroon sa babae at nabuhay ang interes ko sa kanya. Sinulyapan ko pa siya sa side mirror at mula roon ay nakita ko nang may lalaking humablot sa kaniyang sling bag. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para biglang itigil sa isang gilid ang kotse. Lumagpas na sa akin ang lalaking humablot ng bag nito at kita ko sa side mirror na tumatakbo din ang babae para habulin ang snatcher.

Mabilis na lumabas ako ng kotse at hinarangan ko ang babae. Bumangga sa akin ang katawan niya dahil hindi siya agad nakapag menor sa pagtakbo.

“Ano ba?!” bulyaw niya sabay tulak sa akin palayo. Tatakbo sana siya ulit para sundan ýung snatcher pero pinigilan ko siya sa braso kaya nilingon niya ako. At hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib  ko nang mapagmasdan ko siya sa malapitan. Nakasuot siya ng shades pero hindi noon natakpan ng husto ang kaniyang mukha.

“Ano bang problema mo, kuya? Badtrip naman oh!”

Nanlamig ako sa boses niya at hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. How can I ever forget Megan’s voice? Even the shape of this girl’s face is very much alike to my beloved wife. Her nose… her lips… the heat of her skin…


Dahan-dahan kong tinanggal ang suot niyang shades at nanlaki ang mata ko nang mabistahan ko nang husto ang mukha niya.


Megan…!

“Ano ba kuya?!” bulyaw niya ulit sa akin sabay hablot ng shades niya sa kamay ko. Nilingon niya ang lalaking hinahabol niya at inis na piniksi ang kamay ko sabay napapadyak.


“Ayan wala na ýung snatcher! Kaasar ka naman eh. Anong gagawin ko ngayon?”



“M-Megan?” hindi makapaniwalang sambit ko. Hindi alintana ang pagmamaktol niya.


Frustrated na tumingin siya sa akin. “Megan na naman? Kamukha ko ba talaga ang babaeng ýon at halos lahat na lang kayo tinatawag akong Megan?”

Tama, paano siyang magiging si Megan eh tatlong taon nang patay ang asawa ko? Pero sino ang babaeng ito? Bakit kamukhang kamukha siya ng asawa ko?


Napahawak siya sa noo at muling tiningnan ang direksyon kung saan tumakbo ang snatcher at halos mangiyak-ngiyak sa inis ng muling magsalita.


“Kasalanan mo ‘to Kuya. Nando’n ang wallet ko. Nando’n ang cellphone ko. Nando’n ýung address ng pupuntahan ko dito. Ba’t ka kase humarang? Kainis ka naman eh.”

“I’ll help you,” sabi ko na lang. Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko dahil sa inaasal ko. Alam kong imposibleng siya si Megan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matalikuran ngayon.


Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwala. “You’ll help me? Bakit bibigyan mo ako nang matutuluyan?” sarcastic na tanong niya.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon