August 24, 2009
Dear Diary,
Isang bouquet ng pink roses ang naabutan kong nakalapag sa mesa ko pagpasok ko sa office namin. Bakit parang lately lagi na lang akong may naaabutang bulaklak sa mesa ko? And who is this time kaya?
"Ang sweet talaga ni Sir Euseph, wala ka pa bang balak sagutin?" ani Kara. Si Euseph din talaga ang unang pumasok sa isip ko. Pero nakakapanibago lang na puro pink roses ngayon. Sa mga nakalipas na araw kase assorted lagi eh.
"Hindi ko pa naisip ýan," sagot ko na lang at dinampot ko ang bulaklak. Tiningnan ko ýung nakasingit na maliit na card sa loob at binasa. 'It's always been you, My Empress'
Kumabog na naman ang dibdib ko pagkabasa ko sa note. It's not Euseph. I think it's Iñigo again. Sya lang ang tumatawag sa akin ng My Empress...
'It's always been you, My Empress' Anong ibig sabihin nito? Totoong minahal ako ni Iñigo? At hanggang ngayon mahal pa rin niya ako?
"Nakow girl, kung ako saýo hindi ko na pakakawalan ýang si Sir Euseph. Full package na, gwapo, matalino, mayaman. Ano pang hanap mo girl?"
Wala sa loob na nilingon ko si Kara at pilit na nginitian. 'Spark'. Ýun ang wala sa kanya, ýun ang hindi ko maramdaman. Ni hindi ako kinakabahan 'pag nakikita ko sya, hindi ako nagiging abnormal na gaya nang nararamdaman ko kay Iñigo.
"Nga pala girl," sabay abot niya sa akin sa isang papel na tinanggap ko agad at binasa.
Isang memorandum galing sa HR regarding sa bagong uniform namin. Nakasaad dito na papalitan ng slacks pants ang skirt namin. At ang free-style blouse namin ay dapat hindi manipis, hindi mababa ang neckline, 'kung de butones dapat ay naka-close hanggang leeg. Papalitan din ang haba ng blazer namin mula waist i-extend hanggang hips.
"Grabe, wala sa looks ni President na conservative sya ha. Kainis, ayoko pa naman ng naka-pants. At ngayon pa lang pinutol na niya ang goal kong akitin sya gamit ang cleavage ko, my gosh!" napatirik pa ng mga mata si Kara.
"At hahabaan ang blazer natin para hindi obvious ang mga pwet natin, gosh! Hindi kaya bakla si President? Baka naiinsecure sa mga katawan natin?" sabad naman ni Gretchen na nakatayo sa kabilang cubicle.
Komontra naman dito si Kara. "Sayang naman kung bakla sya ha. Masamang biro ýan girl, mamahalin ko pa si President. Di sya pwedeng maging baklush."
"Ang arte nýong dal'wa," singit naman ni Ate Winnie. "Tingnan nyo si Meg walang reklamo. Nasa work naman kase tayo. Baka napansin ni President noong Thursday na ang hahalay ng suot nyo kaya ayan pinapalitan ang mga uniform natin."
"Ang harsh mo Ate Win, palibhasa kase nakita mo na ang the one mo," kunwaring nasaktan na sabi ni Kara.
"Chos! May the one ka na rin naman di ba? Tigilan mo na ang pagpapa-cute sa mga executives. Napaka-unfaithful mo sa boyfriend mo. Magpasukat na lang tayo, tara na. Baka wala nang nakapila sa sastre."
Napangiti na lang ako sa kanila at sumunod palabas. Kung alam lang nila, kasalanan ko kung bakit biglang papalitan ang uniform namin.
***
"Hi Meg!" Maganda ang ngiting salubong sa akin ni Euseph nang sunduin niya ako sa labas ng office namin para mag-lunch.
"Sa cafeteria na lang tayo maglunch?" sabi ko. "Nagtatampo na kase ang mga kasama ko eh, hindi na daw ako sumasabay sa kanila."
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...