40 - My Girlfriend

46 2 0
                                    

September 14, 2009

Dear Diary,

"You still have that?" hindi makapaniwalang tanong ni Iñigo nang makita niyang suot ko na ulit ang kwintas na niregalo niya sa akin noong first monthsary namin.

Nginitian ko naman siya. "Itinago ko."

"I'm touched," parang kinikilig na teenager na sabi niya. Dumukwang siya palapit sa akin at tangkang hahalikan ako pero mabilis kong napigilan.

"Naka-lipstick ako, baka lumipat saýo."

Umasim ang mukha niya. "Dati hindi ka nagli-lipstick. You've changed. Nagsusuot ka pa no'ng mga labas ang balikat. Ayoko nang maulit ýon ha."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Nagta-trabaho na po kase ako. Hindi na ako estudyante. Ayoko naman na hindi ako presentable kapag pumapasok ako sa office. And besides noong birthday lang ni Euseph ako nakapagsuot ng off shoulder 'no. Ang conservative mo Sir ha. Kaya ka napagkakamalang bakla eh."

"Ayoko lang ng may ibang naaakit saýo. Ýung wala ka ngang makeup eh ang dami ko nang kaagaw, ano pa ngayon?"

Nangigigil na pinisil ko ang pisngi niya. "Seloso pa rin ang Mahal ko. Samantalang kahit noong ang alam ko eh niloko mo lang ako hindi ko pa rin nagawang ipagpalit ka sa iba."

Bigla siyang ngumiti sa sinabi ko. "And I'm so thankful for that," aniya sabay dampi ng mabilis na halik sa labi ko. "I love you, Mahal."

"Mag-drive ka na. Male-late na ako," nag-iinit ang pisnging sabi ko.

"You're really cute when you blushed," tudyo niya at pinisil pa ang pisngi ko bago niya ini-start ang kotse niya at pinaandar.

Pagkarating namin sa parking ng building ay mabilis akong nagtanggal ng seatbelt. "Mauna na ako sa elevator ha, baka may makakita sa'ten na magkasabay tayo eh," sabi ko. Inilapag ko din ang bulaklak na ibinigay niya kanina sa gitna namin kaya mas nangunot ang noo niya.

"Iiwan mo 'to?"

Tumango ako. "Naiilang akong irampa paakyat eh. Isa pa naiinis si Ms. Gail kapag palagi akong may bulaklak sa mesa ko. Nagmumukha daw kaming flower shop."

"That Ms. Gail must know her place in the office," sabi niya na nakatiimbagang kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Ba't nga ba nabanggit ko pa ýon eh sabi nga nya kagabi lahat nang babangga sa akin dito ipa-fire nya. Mabilis akong ngumiti para makabawi.

"Mabait naman si Ms. Gail. Baka allergic sa bulaklak. 'Wag mo nang pag-initan."

Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido pero ipinagpasalamat kong hindi na siya nagkomento. At labag man sa kaniyang loob ay wala siyang nagawa kundi humiwalay ng elevator. Doon siya sumakay sa private elevator niya na derecho lang hanggang sa kaniyang office.

"Parang may nagbago saýo girl," puna sa akin ni Kara nang nasa office na ako. Kasalukuyan akong nagpa-file ng mga documents sa ring binder.

"Nagbago?" inirapan ko siya bagaman napapangiti pa rin ako.

"Yes, may nag-iba sayo," giit pa niya habang tinititigan akong mabuti na para bang may ina-analyze sa mukha ko.

Bigla tuloy akong na-conscious at kinunutan siya ng noo. Nabahala ako na baka may kumalat na lipstick sa labi ko. Hinalikan kasi ako ni Iñigo kanina bago bumaba sa kotse. "May mali sa ayos ko?"

Nanunukso siyang umiling at tinawag pa si Ate Winnie. "In love ang Baby Meg natin Ate!"

"True! Sobrang blooming mo ngayon girl," sabad naman ni Gretchen. "Kayo na ba ni Sir Euseph?"

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon