18 - His POV #2

88 4 0
                                    

Iñigo's POV


Nagising ako sa mahinang pag-alog sa aking balikat. Marahan akong tumunghay nang di binibitiwan ang kamay niya at nilingon ko ang sinumang gumising sa akin.



Si Sophie!



Matagal na rin ng huli kaming magkita at magkausap at ang laki ng ipinagbago niya physically. Nanaba siya kumpara dati. Mas pumuti siya at nangangasul pa ang mata dala ng contact lens. Ang buhok niyang dating kulay mahogany ay blonde na ngayon at alon-alon. Mukhang malaki ang naging impluwensya sa kanya ng pagtira niya sa Canada.



Ngumiti siya pero hindi noon natakpan ang lungkot na nakaguhit sa kanyang mga mata. Alam kong nakikisimpatya siya sa pinagdadaanan ko.



"Long time no see. At dito pa talaga kita makikita, of all places," medyo sarcastic na aniya. She's still the Maria Sophia Alvarez that I've known. Maldita pa rin siyang magsalita at taklesa.



Nginitian ko siya ng pilit. Marahan kong binitiwan ang kamay niya at inayos sa kanyang gilid bago ako tumayo para batiin si Sophie.



"Sophie!" Biglang bumuhos ang luha ko pagharap ko sa kanya kaya binuka niya ang mga mga braso at niyakap ako. Hindi ko alam kung dala ng sobrang sakit na nararamdaman ko kaya basta na lang ako bumigay sa harap niya. Pero kahit noon pa ay si Sophie lang ang nakakakita ng kahinaan ko. Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko, siya lang ang tanging nakakasaksi sa pagluha ko.



Nang mapayapa ako sa pag-iyak ay inaya niya ako sa labas para magpahangin. Humantong kami sa may garden ng ospital.



"You look too thin. Aren't you eating? What are you doing to yourself, Iñigo? Magpapakamatay ka ba? Abah baka sa ginagawa mo mauna ka pa sa asawa mo!" talak niya sa akin. Para talaga siyang Nanay magsermon. Ang malas lang ng lalaking mapapangasawa niya, mabuti na lang at hindi ako ýun.



Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at dinako ko lang ang tingin ko sa malayo. Iniwasan kong mahuli niya ang mga mata ko.



"Iñigo, you're still alive. At maraming nagmamahal saýo. If you continue doing this, paano naman kaming mga nag-aalala saýo?" mababa na ang tono niya sa pagkakataong iyon pero nanatili akong tahimik. Wala akong maisasagot sa kanya. Alam ko mababading na naman ako at iiyak kapag sinubukan kong ibuka ang bibig ko.



"Seph was asking about you and Megan. But I don't know what to say. He's still sick and weak, it won't help him if he finds the truth kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya."



Noon ako tumingin sa kanya. Matagal na ang sakit ni Seph. Ang akala ko pagkatapos ng chemo nya gagaling na siya. Para ko na siyang kapatid at nalulungkot akong malaman na hanggang ngayon hindi pa rin maganda ang kundisyon niya. "May maitutulong ba ako para mapabilis ang pag galing nya?"

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon