09 - Lifetime Captive

193 5 2
                                    



June 08, 2007

Dear Diary...



Class org election. Nakakainis! Na-nominate lang naman ako as secretary versus Gladys and Camille. Sa dami ng makakatapat ko sila pang dalawa. Kainis kasi si Carol eh, in-nominate ba naman ako?



"Miss Gonzales," nakangiting tawag sa akin ni Khalil na siyang na-elect as President.



Napilitan akong tumayo para isulat din 'yung pangalan ko sa board. Kapag kasi secretary laging ganito 'yung paraan ng nomination, sa sulat ibinabase ng mga boboto 'yung pipiliin nila. And three years na akong secretary ng klase namin, hindi ba ako pwedeng makapagpahinga ngayong taon? Sa totoo lang hindi ako active sa kahit anong organizations dito sa school, kasi nga working student ako. Masyado akong busy. Enough na 'yung class org and department org, mabigat na responsibility na 'yon sa'ken.



Habang nagsusulat ako ng pangalan ko naghiyawan pa 'yung mga lalaki kong classmates.



"Huwag mo ng isulat Em! Panalo na 'yan!" kantyaw nila.



Pagtapos kong magsulat pinagpag ko lang 'yung chalk sa kamay ko at humarap na rin ako sa kanila. Nasa tabi ko si Camille, while sa kabila ni Camille si Gladys na nakahalukipkip at kuntodo irap kay Camille. Deadma naman itong isa na ang ganda pa ng ngiti.



Napatingin ako kay Iñigo, nagtama pa 'yung mga mata namin dahil nakatingin din siya sa'ken-uhm...assumption ko lang siguro 'yon. Nasa tabi ko si Camille, baka feeling ko lang sa'ken sya nakatingin... Hay Megan! Please get rid that stupid feelings for him kung ayaw mong mapabilang sa may mga title ng Casanova's Victim. Oo victim talaga. At ako lang naman ang gumawa ng title na 'yon at kanina ko lang 'yon naisip after ko makasabay si Bianca sa tricycle, si Jenny sa jeep at si Gladys sa CR. All of them have similar problem-IÑIGO. Ayan ang problema nila.



Flashback: Sa tricycle with Bianca...



"Di ba neighbor mo si Iñigo?" feeling close na tanong niya. Tumango naman ako. "Sa school nyo rin siya nag-aaral eh, nakikita mo ba sya don?"



"Classmates ko sya," I answered as a-matter-of-factly.



"Talaga?" parang di pa sya makapaniwala. "Meg, baka pwede akong humingi ng favor sa'yo."



"Ano naman?" nagbabait-baitang tanong ko. Di kaya kami close. Arteng-arte ng babaeng 'to. Ni hindi nga namamansin dati kahit lagi kami nagkakasabay sa sasakyan. Ngayon lang talaga niya ako naisipang kausapin, at dahil lang kay Iñigo.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon