Prologue

787 12 2
                                    

"MISSING PIECE"

(Written by Leeyaniee)

Note: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no any relation to anyone having the same name/s. And ALL incidents on every part of this story are merely invention. ;)

Annyeong haseyo! Plagiarism is a crime. Kaya kung may balak ka? Wag na, ha? :))

——

P R O L O G U E

"WOW! Napakaganda niya pala talaga sa personal, 'no?"

"Is that her? God, pare! Even in personal, she looks so hot! Shit!"

"My gosh! Nakaka-insecure ang ganda niya? Natural pa kaya yan? Wala kayang pinabago o pinaretoke?"

I rolled my eyes when I heard those murmur around me here inside the airplane at alam ko na ako ang pinag-uusapan nila dahil kanina pa sila nakatingin sakin. Akala siguro nila di ko sila napapansin dahil naka-shades ako ngayon. Kahit business class na 'tong sinakyan ko at alam kong mga mayayaman din 'tong mga nakasakay ko, tsismisan pa rin sila nang tsismisan at patuloy ang pag-uusap na ako lang naman ang topic nila, about sa kagandahan ko! Well, dyosa, eh.

I just closed my eyes and try to ignore them para di ako mairita. Sanay na ko sa kanila. Psh.

Few minutes later, we heard a stewardess' announced that the airplane was already landed. Hay, sa wakas naman. Gusto ko ng umuwi at ilapat ang napakaganda kong katawan sa napakalambot na mattress!

With full poise, I stopped when I reach the airplane's door at tinanaw ko sa baba if nandon na ba ang mga susundo at aalalay sakin dito. And nandon naman na pala, kaya bumaba na ko. At hanggang don nga, ang mga nadadaanan ko ay patuloy ang paghabol ng tingin sakin. Duh!

"Welcome back to the Philippines, Ms. Lovely Lopez! By the way, kami ang inatasan ng agency na sumundo at umalalay sa inyo." said the man na unang lumapit sakin pagkababang-pagkababa ko.

Tinanguan ko lang siya. "Be careful with my things, carry all of it with full of care. Ayokong madungisan ang mga gamit ko." I just said.

"Okay, Ma'am." di ko na sila pinansin at nauna na kong maglakad.

"At eto na nga po, nakabalik na sa Pilipinas ang sikat na super model in America, even here in the Philippines! Ms. Lovely Lopez! Nakikita na nga po natin siya ngayon na palabas na ng airport!"

"Ms. Lovely Lopez, nakabalik na ng Pilipinas!"

Di ko na pinagpapansin ang mga fans and reporters na naglisawan ngayon dito sa airport at sumasalubong sakin. Maya't maya ang pagtama ng flash ng mga camera sakin. Ayokong magsayang ng oras ngayon sa kanila lalo na kapag ganitong pagod ako.

Sa dating unit ko ako nagpahatid kaagad. Bahala na ang agency at manager ko ngayon dahil nakabalik na ako ulit, pagod ako at kailangan muna ng beauty ko ng tulog. Dahil konti lang naman ang baggage na dala ko, hindi ko na pinasunod pa sa taas ang mga taong sumundo sakin, ako na ang bumitbit no'n.

"Hay.. I miss you so much, my dearest unit!" I said as I finally laid my body on my couch and closed my eyes.

Napakatagal ko nang nakatira sa unit na 'to at marami na 'tong na-witness na nangyari sa buhay ko. Kaya di ko 'to maiwan o maibenta man lang, kahit pa na sa mga sponsors ko pa lang, kaya akong bigyan ng bago.

Ilang sandali lang, narinig kong tumunog ang door bell. Iritadong napatingin ako sa pinto. Kay agang istorbo naman ng kung sino mang bwisit na 'to ngayon! Haist!

Tumayo na ko at lumapit sa pinto dahil walang tigil ang pagtunog ng door bell. Bwisit!

"What the hell do you—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil saktong pagbukas na pagbukas ko ng pinto, bigla na lang akong hinila at hinapit sa bewang ng siraulong nasa harap ko ngayon.

"Hi, baby.. You don't have any idea how much I miss you. Nang mabalitaan kong nakabalik ka na, dumiretso na ko dito." malanding bulong sakin ng baliw sakin na nasa harap ko.

Napangisi ako at masuyong pinalandas ko ang napakaganda kong mga daliri sa pisngi ni Lloyd. "Well, sorry, baby. But I didn't miss you." umalis ako sa pagkakayapos niya sakin at lumayo ako ng bahagya sa kanya. "Alam mo ba kung gaano mo naiistorbo ang tulad kong napakahalaga ng oras?" mataray na sita ko sa kanya.

He sighed. "Sorry, na-miss lang talaga kita, baby. Lahat ng text at tawag ko, in-ignore mo. Ni talagang di ka nagparamdam sakin. Wala ka ba talagang paki sakin?" pagda-drama niya.

Natawa ako dahil don. "Poor you, Lloyd. Bakit ka ba ganyan? Di ba habulin ka ng mga babae, kinababaliwan ka nga kamo ng karamihan? Pero bakit pilit mo pa ring ipinipilit ang sarili mo sakin kahit wala ka namang ibang mapapala pa sakin? We were just playing around, baby. Kaso, nagsawa na ko. So, chupi!" maarteng pagtataboy ko sa kanya. I rolled my eyes because of irritation. Duh! Ano bang akala niya? Seseryosohin ko ang gaya niya? Eh, isa lang naman siya sa mga na-tripan kong ipang-past time. Di ko na kasalanan na nahulog siya sa napakabangis kong alindog!

"Playing around?! Pero ako hindi! Listen, please back to me, baby. Alam kong nagustuhan mo rin ako, right? Kahit isang linggo lang yon. I do love you, you know? So—" pagpupumilit niya.

Inilapit ko ulit ang sarili ko sa kanya. Hinaplos-haplos ko ang kwelyo ng polo shirt niya at tinitigan siya. Hay, ang kawawa ng mga 'to. Bakit ba kasi ang dali nilang mahulog sa ganda ko?

Yes, one week ko lang kalandian 'tong si Lloyd, bago pa ko pumunta ulit sa America, and then I dumped him after that dahil napansin ko na ngang unti-unti na siyang nababaliw sakin. Ni hindi ko natandaan na pumayag ako na maging kami.

At ito nga, kahit ilang months na ang nakaraan, he keeps on pestering me at pinagpipilitan ang kabaliwan niya! Di ko alam kung paano ko ba mapapatigil ang gagong 'to. Over maka-react!

Well, marami na rin naman akong na-encounter na tulad niya. Nakakasawa. Ang dami ko na ngang nakalandian sa America, eh.

Inilapit ko ng konti ang bibig ko sa tenga niya. "Well, sorry again, baby. But, I don't know how to love back. Laro lang talaga ang pinaiiral ko, di po ako marunong magmahal.." bulong ko at lumayo ulit ako sa kanya at tinignan ang reaksyon niya. Haha! Aww, nakakaawa!

Iniwan ko na siyang nakamaang pa rin don. Pumasok na ulit ako sa loob ng unit ko. Pero bago ko sinarado ang pinto, ngumisi pa ko at kinindatan siya.

Si Lovely Alezandra Lopez, aasahan nila sa pagmamahal? Huh! They must be fooling their selves.

Ipinanganak ako sa mundong 'to with a loveless heart. Bear it in mind.

A/N: Yoohoo! New story again, baby! XD Di ko na natiis na ilabas yung story na nabubuo sa isip ko, at ito nga po yon. Sana nagustuhan niyo yung Prologue. Comment naman kayo kung okay, ah. :))

Hay, sana lang po suportahan nyo 'to, samahan niyo po ako sa pagpapatuloy nito hanggang huli, ha? Kung nagsimula ka na ngayon, ' til the end po sana! Hahaha, ansabe!

— Leeyaniee

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon