Chapter 51

129 6 0
                                    

Chapter 51

"MANANG Fel, Manang Lourdes, alis na po ako." Paalam ni Kristoff kina Manang nang pumasok siya ulit dito sa dining at ngayo'y bihis na bihis na. Pinagmamasdan ko lang naman siya habang nandito ako ngayon at kasalukuyang kumakain. Nanguna na naman kasi siya sa aking kumain ng breakfast, hindi tulad noon na sinabayan niya ako.

Actually, parang balik na naman nga kami sa dati, eh. Halos isang linggo na kaming ganito. Kapag naaabutan ko siya, hindi na siya magtatapon ng tingin sa akin, ni hindi na nga rin kami nagkakakwentuhan. At ang pinakamalungkot sa lahat, kahit ni ngiti ay hindi na niya ako binibigyan kung saan nasanay na ako.

At nagsimula siyang maging ganyan noong gabing nag-kasagutan na naman kami. Na kahit hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman ang dahilan niya kung bakit siya nagkaganoon n'ong araw na 'yon.

"O sige, Hijo. Ingat ka na lang!" Tugon ni Manang Fel sa kaniya. Nakita ko ang pagngiti niya kay Manang. Oo, ngumiti siya pero hindi na sa akin. Dahil ng mapalingon siya sa gawi ko, seryoso at walang ka-emo-emosyon na tinanguan niya lang ako at saka siya tuluyan nang umalis. Wala naman na akong ibang nagawa kundi ang tanawin na lang siya paalis.

Tuloy, hindi ko na maituloy pa ang pagkain ko. Pakiramdam ko kasi bigla na lang akong nawalan ng gana. Napatanga na lang ako sabay pakawala ng isang malalim na hininga.

Shit! Kung alam ko lang na panandalian lang pala ang mga lahat ng ipinakita at ipinaramdam niya sa akin, eh, di sana hindi ko na lang sinanay pa kaagad ang sarili ko sa lahat ng mga simpleng ipinakita niya!

Napahilot ako sa noo ko. Hindi naman kasi ako talagang ganito noon, eh! Hindi ko kahit kailan hiniling na maging maayos siya sa akin! Pero dahil bago nga sa akin ang lahat ng 'yon, kaya ganoon niya lang din kadaling nakuha ang damdamin ko hanggang sa hindi ko na nga mapigilan ito at hanggang sa masanay na ako.

"Lovely, Hija, ayos ka lang ba?" Napaangat ulit ang tingin ko sa nagsalitang si Manang Fel sa harapan ko. Umayos ako ng upo, saka ko ito binigyan ng isang pilit na ngiti at saka ako tumango.

Mas lalo naman itong lumapit sa akin at saka ako pinakatitigan pa. "Pansin ko, Hija. Nitong mga nakakaraang araw, mukhang may nagbago sa inyong mag-asawa. Para bang nabalik na naman kayo sa pag-iiwasan. May problema ba kayo?" Ani nito. Pinilit ko na lang 'wag sumagot. "Dahil ba 'yan sa pag-aaway niyo na naman noong nakaraang linggo?" Dagdag pa nito. Napapansin din pala nila kami.

Napatingin ulit ako kay Manang Fel sabay kibit-balikat. "Hindi ko po alam sa taong 'yon, Manang Fel. Pinagsabihan niya akong malabo, eh siya nga 'tong mas malabo! Ang hirap niyang intindihin, Manang!" Paglalabas ko na ng saloobin dito.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito malaunan. "Hindi naman sa pinapabayaan ko lang kayo sa pag-aaway niyong 'yan, ha? Pero hindi na lang ako makikialam sa inyong dalawa dahil wala rin naman akong karapatan na manghimasok sa inyo. Pero payo ko lang, kung pareho naman pala kayong nalalabuan sa bawat ipinapakita niyo sa isa't isa, bakit hindi niyo na lang 'yan i-daan sa maayos na usapan nang magkalinawan na kayo? Hindi 'yong tinitiis niyo ang isa't isa!" Lumayo si Manang Fel sa akin at muling lumapit sa sink. "Ewan ko ba naman kasi sa inyo! Kung bakit ba kasi ayaw niyo pang mag-aminan nang mas maging maayos na kayong dalawa?" Dagdag pa nito.

Biglang nangunot ang noo ko dahil sa sinabing nito. "Paano pong mag-aminan kami? Ano pong aaminin ko sa kaniya? Na may mali ako? Huh! Wala po akong ginagawang mali sa kaniya! Siya nga 'tong bigla-bigla na namang magagalit sa akin saka ako aawayin!" Naiinis na giit ko nga. Di ba? Bakit ako aaminin sa isang bagay na wala naman akong ibang ginagawang mali? Eh, di bahala na nga siya sa buhay niya kung 'yon ang gusto niya! Psh.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon