Special Chapter ♡2
Six years ago…
NAPAANGAT ako ng ulo mula sa pagkakatalungko ko rito sa kama ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Tinatamad na tinignan ko ang kung sino man na nag-text na 'yon.
I sighed when I saw my brother's name registered there.
[From: Kuya
Hi, li'l sis! Sorry kung ngayon na lang ulit ako nagkaisip na mag-text sa 'yo. Busy si Kuya rito, eh. Anyway, I just want to greet you an advance happy birthday! Inagahan ko na dahil baka hindi na naman ako makapag-text sa 'yo. Sana, wag ka nang magtampo kay Kuya. I love you, Lovely! :))]Matapos kong mabasa 'yon, hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak. Wow, naaalala pa pala ako ng kapatid ko. Naisipan pa talaga niya akong batiin. Ngayon na lang kasi ulit nangyari ito.
Magdadalawang taon na siyang wala rito sa amin, nasa Europe na siya dahil kinuha siya ng grandparents namin doon at doon na siya nagpatuloy ng pag-aaral.
Siyempre noong una, ayoko siyang payagan na umalis dahil siya na nga lang ang natitirang kakampi ko rito sa bahay, mawawala pa siya. Pero wala, hindi siya nagpapigil. He assured me that he will be back here again for me. Wala rin naman akong nagawa dahil 'yon ang gusto niya, eh.
Pero ang ikinalulungkot ko, simula noong umalis siya rito at pumunta roon, madalang pa sa patak ng ulan kung tawagan or i-text niya ako. Tulad nga ng sabi ko, ngayon na lang ulit nangyari na batiin niya ako at hindi ko na matandaan kung kailan ang huli.
Malungkot na nga ang buhay ko noon, mas lumungkot pa ngayong nag-college ako. Wala, eh. Wala nang natira sa buhay ko na kakampi. Pati 'yong kaisa-isahang tao na nangangako rin sa akin puwera kay Kuya na hindi niya ako pababayaan, nawala na rin. Hindi ko na alam kung nasaan siya.
Five days before, 18th birthday ko na. Tulad ng sabi ng iba, patuntong na ako sa legal age ko, adult na ako. Pero hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate ng masaya ang araw ko na 'yon dahil wala akong makitang dahilan para maging masaya ako.
Tuluyan na akong naging alone. Walang kumakausap, ilag sa tao, at walang mapaglabasan ng sama ng loob. Wala na rin kasi dito si Manang Rosy, na isa pang laging umaalalay sa akin. Mag-iisang buwan na mula noong bumalik siya roon sa probinsiya nila dahil sa nagkasakit niyang anak. Wala, wala na talaga ni kahit isa ang natira.
Yes, kasa-kasama ko ang parents namin pero parang wala lang din naman ako sa mga 'yon, sanay na ko na lagi silang malayo sa akin. Gusto ko nang sumuko sa pag-asang dadamayan at kakamustahin din nila ako.
Napayuko na lang ulit ako at ipinagpatuloy ko ang paghagulgol. Kahit man lang sa ganitong paraan, mapagaan ko ang bigat ng nararamdaman ko. Dadaanin ko na lang sa iyak ang lahat. Tutal, luha na lang naman lagi ang karamay ko mula ngayon.
——
NAPATITIG lang ako sa pagkaing nakahain na sa harap ko. Kasama ko sina Papa at Mama ngayon dito sa harap ng hapag-kainan. Kauuwi lang nila galing Canada dahil sa business trip.
Katulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing kaharap ko sila, hindi na lang ako kumikibo. Hinayaan ko na lang silang mag-usap ng mga bagay na hindi ko rin naman maunawaan.
I closed my eyes and took a sighed before saying a thing. Pagdilat ko, saka ako nag-angat ng tingin sa kanila.
"Ma… Pa…" Pagtawag ko sa pansin nila. Kaagad naman silang napatigil sa pag-uusap at nalipat ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...