Hi! Ngayon pa lang po ay nanghihingi na ako ng tawad sa wrong grammars na naisusulat ko rito sa TLHOL, ha? Hindi po ako bihasa, eh. Mianhae! 'Yon po. :)) Thanks for understanding! Keep on reading! Saranghae. :*
——
Chapter 5
"YOUNG lady, pwede na po kayong bumaba." pagpukaw ni Mang Felix sa atensyon ko pagbukas niya ng car door for me.
Hindi ko nga namalayan na naihinto na pala niya yong sasakyan. Buong biyahe kasi, ang iniisip ko lang ay kung ano nga ba ang dahilan kung bakit nila ako gustong makita ngayon.
Sa paglipas kasi ng ilang taon since no'ng umalis ako sa poder nila, hindi nila ako sinasadya para sa ganito. Hindi ako nagparamdam sa kanila sa lugar na 'to, hindi rin sila nagparamdam sakin mula noon. Kaya, nakakapanibago.
Napatingin na nga ako rito. Bahagya na lang akong tumango at lumabas na nga ng kotse.
Pinagmasdan ko ang napakalaking gate na bakal na nasa harapan ko ngayon. Gabi na, pero siyempre, naiilawan ang buong paligid ng mga poste ng ilaw na nakakalat sa paligid.
Papasukin ko na naman pala 'to."Tara na po sa loob, young lady. Kanina pa po sila naghihintay sa pagdating niyo." yaya ulit sakin ni Mang Felix.
I smirked. Hinihintay raw nila ko. Psh. Wow! As if naman seryoso sila do'n.
Napailing na lang ako at sumunod na nga kay Mang Felix papasok sa loob.
When we finally reached the main door, I stopped. Then, Mang Felix, too. He opened the door at minostra niya ang pagpasok ko. I took a deep sigh then shrugged my shoulders. It's been a very long time mula nong huling pagtapak ko sa pamamahay na 'to.
Automatic na iginala ko ang paningin ko sa loob ng mansion pagpasok namin. Halatang mas ipinaayos pa nila 'to, mas pinaganda. Para siguro mas maipagmalaki pa nila. Napakatanda na nitong mansion, pero hindi mo mahahalata ang katagalan na nito dahil sa patuloy nga nilang ipinapa-renovate ito.
"Na-miss mo ang mansion 'no?"
Agad na nalipat ang tingin ko sa taong nagsalita na yon. Napangiti ako. "Hindi naman... slight lang." mapang-uyam na sagot.
Napangisi naman siya. Bahagya pa siyang lumapit sakin. "It's been a very long time since no'ng huli kitang makita. I missed you, li'l sis, and welcome back home!" he said, then he wrapped me in his hug.
I rolled my eyes. "Psh. Stop calling me li'l, Kuya! Mukha pa ba kong bata?" unti-unti akong kumawala sa yakap niya. "And sorry, hindi kita na-miss!" naiinis na sagot ko sa kanya. Pero siyempre, joke lang yon. Kahit paano naman, naging close kami noon.
Natawa ulit siya at bigla akong pinitik sa noo. Napa-ouch ako dahil do'n pero wala lang sa kanya. "Nagbago ka na talaga, Lovely." he said.
Inirapan ko siya. Matagal na akong nagbago, ngayon lang niya napansin yon dahil ngayon na lang niya ulit ako nakita.
Nagpalakad-lakad ako at ipinagpatuloy ko ang paglibot ng tingin sa paligid. Naalala ko na hanggang ngayon pala, hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ako pinapunta ulit dito.
"Ano nga palang meron at pinasundo nila ako kay Mang Felix? Pati ikaw nandito." tanong ko.
Pero hindi na niya nasagot pa ang tanong ko dahil parehong nalipat ang tingin namin sa taong nagsalita na ngayon ay pababa ng hagdan.
"Nandito ka na pala, anak." she said. Napahinto siya sa harapan ko nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan ng nakangiti at saka ako niyakap. Pero sandaling yakap lang yon. "Welcome back home, Lovely!" patuloy niya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...