Chapter 73 (Part 1)

137 6 2
                                    

Chapter 73
(Part 1)

"B-BECKA...?" Hindi makapaniwalang bigkas ko na sa pangalan niya nang makita ko na isa siya sa mga taong nasa harap ko ngayon. Bakit siya nandito? Anong kinalaman niya sa pagdala sa akin dito?

"Yes, dear, ako nga ito. Si Rebecca Olivarez! Business partner ng company niyo at... ex ng asawa mo. So, hi! Masaya akong makita ka ngayon dito." Wika pa niya na para bang natutuwa pa siya sa nangyayari sa akin ngayon.

Tutal, malaya naman ang mga paa ko, pinilit kong tumayo para harapin siya ng maayos. Nang makatayo ako ay pumalibot naman sa akin ang mga lalaking kasama niya. Pinasadahan ko muna ang mga ito ng tingin bago ko ibinalik ulit sa kaniya ang pansin ko. "B-Becka, ano 'to? B-Bakit ako nandito? B-Bakit ka nandito? A-Anong ibig sabihin nito?!" Kinakabahang tanong ko na sa kaniya.

Ngumisi siya na parang ewan sabay hakbang papalapit sa akin. "Hindi mo pa rin ba naiintindihin ang ibig sabihin nito? Ang hina naman pala ng ulo mo, Ms. Supermodel!" Ani niya sabay ngisi ulit. "Nandito ka dahil ipinadukot kita sa mga tauhan ko na kasama ko ngayon! Nandito ka dahil trip ko nang kunin kay Kristoff ang isang tao na gumagawa ng ikasasaya niya sa buhay. Eh, ayoko pa naman n'on! Kaya napilitan na akong gawin 'to sa 'yo." Dagdag pa niya.

Dahil sa mga sinabi niya, hindi ko na magawa pang alisin ang pagkakatig ko sa kaniya. Naguguluhan ako, kukunin na niya ang tao na ikinasasaya ni Kristoff sa buhay? Ako ba ang tinutukoy niya?

Ilang sandali akong napaisip, hanggang sa lumiwanag sa akin ang lahat. Bumalik sa isip ko 'yong misteryosong tao na nag-iiwan ng note sa sasakyan ko at 'yong misteryosong tao rin na nanakot kay Kristoff sa mga text.

'Wag ka masiyadong nagpapaniwala sa mga sinasabi at pinapakita niya. Mag-ingat ka! Magaling siyang manlinlang!

To: unknown

May katapusan din ang kaligayahan. Lalo na kung hindi naman karapat-dapat na mangyari 'yon sa isang taong tulad mo.

Nang maalala ko ang mga 'yon ay mas lalo akong napatitig kay Becka ng halos manlaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa ideya na biglang pumasok sa isip ko. Hindi kaya...?

"Ikaw... tell me, ikaw ba 'yong naglalagay ng note sa kotse ko at nagbabanta kay Kristoff sa text messages?" I asked while I'm still confused. Pinagmamasdan ko ang bawat bahagi ng mukha niya, hanggang sa sumilay na naman ang isang nakakakabang ngiti sa labi niya.

"Wow!" She said at napapalakpak pa siya. "Ang galing mo, ah! Nahulaan mo 'yon? Ahmm, but actually, hindi ako 'yong personal na naglalagay sa kotse mo n'on at hindi rin ako 'yong nagse-send ng mga message na 'yon kay Kristoff, kundi 'yong tauhan ko. 'Yan, o." Ani niya pa sabay turo d'on sa lalaki sa tabi niya. Ngumisi rin sa akin 'yong lalaki.

Napasinghap ako sa sinabi niya. S-Siya 'yon? My God... ni minsan hindi ko inakalang siya ang gagawa ng lahat ng 'yon. Ako, I didn't trust her that fast pero... santa santita siya sa harap namin palagi!

"O, ano? Nagulat ka ba? Ang galing kong manloko 'no? Pero 'wag kang mag-alala, mas magaling pa rin manloko ang asawa mo kaysa sa akin." Salita niya ulit. "O, ano? May mga itatanong ka pa ba? Hayaan mo, willing akong sagutin ang lahat ng 'yan. Marami ka pa rin kasing dapat malaman mula sa akin na ikagugulat mo pang lalo." She added.

Dahil sa sinabi niya, may isang ideya pa nga na pumasok sa isip ko na posibleng siya rin ang may pakana. "Eh, 'yong sa sadyang pagtanggal sa preno ng kotse ko para sadyaing maaksidente ako? Ikaw rin ba ang may gawa?" I asked again.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon