Chapter 39

134 5 0
                                    

Chapter 39

NAPA-STRETCH pa ako ng arms habang nakangiti nang mapahinto na ako sa dalampasigan. Napatanaw ako sa kaluwangan ng dagat, ang sarap tignan! Idagdag mo pa 'yong napakagandang scenery ng Mt. Taal.

Mas napangiti ako nang maramdaman ko ang ihip ng hangin sa balat ko kahit pa katirikan na ng araw ngayong oras. Hindi rin naman kasi masiyadong ramdam ang init kaya wow!

Tuluyan ko nang inihakbang ang mga paa ko sa tubig. Pang-apat na araw na namin dito pero ngayon pa lang ako finally makakaligo sa magandang beach nitong Taal.

I am wearing a two piece red bikini right now, pero pinatungan ko ito ng see through top na hanggang hita ko. Feel na feel ko iyong moment ko ngayon. Ganito talaga dapat, dapat ine-enjoy mo iyong ganito kagandang lugar!

May mangilan-ngilan na ding mga bakasyunista ang naliligo ngayon dito. Ang perfect kasi talaga ng panahon ngayong araw, talagang magkakaroon ka ng mood para maligo, eh.

Patalikod na sana ako para tanawin ulit ang dagat, nang bigla namang mahagilap ng mga mata ko si Kristoff na papalapit na pala ngayon sa akin.

He is looking only at me while he's still walking near me. Nakatitig lang din ako sa kaniya habang papalapit siya sa akin.

"Hey," Bati ko sa kaniya ng huminto na siya sa harap ko. Ngiti lang ang ibinalik niya sa akin. "Are you going to swim too?" I asked.

Hindi siya sumagot kaagad. Napatanaw muna siya sa dagat bago tuluyang nagsalita. "Oo, sana. Ikaw rin?" Ani niya. I gave him a nod. "Pareho lang pala tayo ng plano, bakit hindi ka man lang nagyaya?"

Napaismid ako sa kaniya. "Malay ko ba? Actually, plinano ko naman talaga na yayain ka kanina, kaso hindi ko na tinuloy. Nakita kasi kita na may kausap sa phone kanina, nakakahiya namang mangdistorbo." Wika ko.

"Ah, baka n'ong kausap ko si Rachel sa phone." Sagot niya.

Napakunot ang noo ko. "Rachel?"

He nodded. "Yes, si Rachel. Secretary ni Papa. May in-inform lang sa akin kaya tumawag." Ani niya.

"Ah..." saka ako napatango-tango. 'Yon naman pala, secretary pala ng Papa niya si Rachel! Kaya pala may tumawag sa kaniya kanina kasi may in-inform lang sa kaniya!

O, eh bakit, Lovely? Sino ba kasi sa akala mo si RACHEL?

Wala! Wala naman. Ano lang... Ahmm... malay ko ba kung sino 'yong Rachel na 'yon! Tsh.

Weh? Eh, bakit parang iba 'yong pagkaka-"Ah..." mo n'ong sabihin niyang secretary lang ng Papa niya 'yong Rachel?

Akala ko kasi higit sa iniisip ko sa kanila ni Jessica Tan 'yong Rachel, eh! Akala ko talagang may ibang babae na ang loko, eh.

Eh, ano kung meron? Wala lang naman sa 'yo 'yon, di ba? Big deal ba sa 'yo 'yon, ha? Naaapektuhan ka 'no? Jelly?

WHAT THE FUDGE?! ANO?!

"Come here." At doon na ako natigil sa pakikipagtalo sa isip ko nang magsalita ulit si Kristoff. And now, nakahawak na siya sa wrist ko at hinihila na niya ako palayo. Problema nito?

Ilang sandali lang, huminto na kami sa paglalakad at sa pagkakahila niya sa akin. Bigla siyang lumingon doon sa kaninang pwesto namin at doon na napakunot ang noo ko.

"What's wrong? Bakit mo ko hinila papunta rito?" Nagtatakhang tanong ko na sa kaniya. Malayo na kasi kami talaga ngayon doon sa karamihan.

Napalingon na siya sa akin. Tinignan pa niya ang kabuuan ko bago nagsalita. "Para ka kasing kakainin na n'ong mga lalaki roon kanina. Ibang klase ang titig nila sa 'yo." Ani niya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon