Chapter 37

143 6 0
                                    

Chapter 37

KAAGAD akong napaangat ng tingin sa pinto nitong suite ko nang biglang may kumatok. Sakto, katatapos ko lang magbihis. Kaliligo ko lang kasi.

Nagulat ako kanina, pagbukas ko ng closet dito sa loob ng suite ko, nandito na iyong ilang damit ko. Naisip ko, siguro, pinaghandaan niya talaga ang pagdala sa akin dito. Siguro kinuhanan muna niya ako ng damit sa bahay bago tuluyang pumunta rito. Ayoko naman nang tanungin pa siya about doon.

Inayos ko lang muna ang pagkakalagay ng tuwalya sa buhok ko at saka ako tuluyang lumapit sa pinto para pagbuksan na ang taong kumakatok doon.

Bumungad sa akin ang mukha ni Kristoff. And take note, nakangiti na naman siya sa akin ngayon. Akala ko kanina niya lang gagawin sa akin iyon, eh
Ang nginitian ako. Pero heto siya ngayon, talagang confident na siyang ngitian ako ng ngitian kahit hindi ko naman sinusuklian. Nakakapanibago kasi talaga. Pero trip niya iyon, kaya hindi ko na lang babasagin. Tutal, mas gusto ko rin namang nakikita sa kaniya iyon kaysa iyong nakakunot ang noo niya at sinusupladuhan ako parati.

"Tara na sa baba, lunch is ready." Ani niya.

"Okay, wait lang. Magsusuklay lang muna ko." Tugon ko naman sa kaniya.

He nodded. "Okay, I'll wait you here." Iyon na lang ang sinabi niya at pumasok na lang ulit ako sa loob para makapagsuklay na nga. Hinayaan ko na lang din na nakabukas ang pinto dahil lalabas na rin naman ako.

Lumapit na lang ako sa salamin at kinuha ko iyong hair brush doon. Tinanggal ko na lang ang pagkakabuhol ng tuwalya sa buhok ko at sinimulan ko nang suklayin ang buhok ko. Hindi naman na ako nagtagal pa, binalikan ko na ulit siya sa labas.

Nang balikan ko siya, nakita kong tahimik lang siyang nakasandal sa gilid ng suite ko at hinihintay niya nga ako. Naagaw ko lang ang pansin niya nang tuluyan na akong lumabas at isinarado ko na ang pinto ng suite ko.

Iyong katapat nga lang pala na pinto ko ang room suite na tinutuluyan niya. At ngayon, alam ko na kung nasa anong floor kami ngayon. Nasa 2nd floor lang pala kami nitong hotel ng beach resort nila at ang room suite number ko ay twenty five at ang kaniya ay twenty six. Oh, ayan, ha? Inalam ko na talaga. Kanina kasi, nawalan ako ng pakialam sa paligid ko dahil sa pagkamangha ko sa dagat.

"Let's go?" Pagyaya ko na sa kaniya.

Hindi naman siya nakahuma. Napansin ko pa na ilang sandali niya akong pinagmasdan. Iyong suot ko yata ang tinitignan niya. Why? Anong mali sa suot ko? Naka-maong short shorts lang naman ako at hanging blouse ang suot kong tops at naka-feet flops lang din ako. Ang simple nga lang, eh. Pero ang komportable. Parang pambahay lang pero alam kong bagay ang gayak ko rito sa beach. Mamaya na ako poporma ng todo.

"Oo, tara na sa baba." Pagsang-ayon naman na niya sa akin malaunan. Marahan na lang akong tumango at nagsimula na kaming lumakad paalis. Nang makarating kami sa elevator, pinauna pa niya ako na sumakay roon.

Actually, mula kanina noong tanggapin ko na iyong offer na 'deal' niya sa akin at tutal pinapakitaan naman na niya ako ng mabait side niya, pina-practice ko na rin ngayon ang pakikitungo sa kaniya in a nice way.

Mukhang seryoso nga siya talaga sa sinabi niyang hahayaan  niya akong maging masaya sa lugar na ito ngayon. Sinisimulan na kasi talaga niya ang pagiging nice sa akin, eh. Kaya kahit nakakapanibago dahil hindi naman talaga kami ganito, hahayaan ko na lang. Kakagat na lang ako sa gusto niyang ito. Mukha naman kasing mag-eenjoy talaga ako. Iyon ang importante.

Lumabas kami ng hotel. Siya na ang nangunguna ngayon sa paglalakad at sinusundan ko na lang siya dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan niya ako dadalhin ngayon. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa cottage area dito sa resort.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon