Chapter 73 (Part 2)

149 5 0
                                    

Chapter 73
(Part 2)

HALOS magkanda-tisod-tisod ako sa pag-akyat ng hagdan nitong abandonadong building marating ko lang ang kinaroroonan nina Lovely. Naghumerentado sa kaba ang puso ko nang marinig namin ang malakas na pagputok ng baril mula roon, alam ko ring tili ni Lovely ang narinig namin kanina kasabay n'on.

Napahinto ako nang marating na namin ni Jessica ang kinaroroonan nila. Nabungaran namin na nakapalibot ang mga tao ni Becka sa kaniya at nakatutok ang baril niya kay Lovely. Nakaupo si Lovely sa harap nila habang mariing nakapikit ang mga mata nito at halatang takot na takot. Hindi siya tinamaan ng bala.

"L-LOVELY!" Kinakabahang tawag ko na sa asawa ko, kaya naagaw ko ang atensiyon nilang lahat dahil sa pagsigaw kong 'yon. Lalapit na sana ako kay Lovely nang bigla naman akong harangan ng mga tauhan ni Becka at itinutok agad ng mga ito ang hawak na baril sa akin. Kaya agad akong napahinto.

"K-Kristoff!" Takot na takot na tawag din sa akin ni Lovely. Nakatayo na siya ngayon habang nakatali ang kaniyang mga kamay sa likuran niya, mukhang hindi siya makapaniwala na makita ako rito ngayon.

Nabalik lang ang pansin namin kay Becka nang bigla itong tumawa ng malakas habang pumapalakpak pa. "Wow! What a great scene, right? Tignan mo nga naman, parang fairy tale lang, eh 'no? Heto na ang taga-pagligtas ng prinsesa!" Sarcastic sabi nito. She looked at me. "Mabuti naman at nandito ka na. Hindi na pala kita kailangan pang tawagan, eh. Muntik mo nang hindi makita ang pagpatay ko sa asawa mo." She said, then smirked.

Napatitig ako sa mukha niya, kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. I can't believe this, mukhang pursigido siyang gawin kay Lovely ang sinabi niyang 'yon at doon ako hindi makapaniwala. Hindi ganitong Becka ang nakilala ko noon, alam kong hindi niya kayang umakto ng ganito. Pero ibang-ibang Becka ang nakikita ko sa kaniya ngayon.

Nalipat naman ang tingin niya kay Jessica na nasa bandang likuran ko pa rin. "Kita mo nga naman, o. Talagang kayo pa ang nagsama papunta rito? Well, bagay naman, magkasama ang dalawang tao na magaling manloko." Ani nito. "Hay, mahal kong pinsan, tuluyan ka na talagang naduwag, eh 'no? Talagang trinaydor mo na ako."

"No, Ate Becka. Kahit kailan hindi kita trinaydor, kahit kailan hindi kita tinalikuran. Pero sobra na 'to! Oo, sabihin na nating naduwag na nga ako. Hindi ko na kasi kaya pa 'tong ginagawa mo, nandadamay ka na ng buhay ng ibang tao!" Giit naman ni Jessica rito. They're cousins? Hindi ko 'to alam at hindi ko inaakala 'to. Kaya ba alam ni Jessica ang planong 'to ni Becka?

"Tsh, puro ka ka-dramahan! Wala ka namang silbi! Ang dali-dali lang ng mga ipinapagawa ko sa 'yo noon, hindi mo pa nagawa ng maayos!" Becka tend to looked at me again. "Naguguluhan ka ba sa mga sinasabi ko, Kristoff? 'Yong about sa pagiging magpinsan namin, for sure, ikinagulat mo 'yon. Oo, tama ka ng dinig, magpinsan kaming dalawa at ginamit ko siya noon pa. Mula roon sa pakikipagrelasyon niya sa 'yo, hanggang doon sa ginawa niyang eksena sa office mo, lahat 'yon pagpapanggap lang! Kaso ang tanga, hindi man lang nagawa ng maayos ang lahat ng 'yon kahit na ang laki-laki ng nagawa kong tungkol sa nanay niya!" Pagkukwento ni Becka sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Lahat pala 'yon ay nakaplano lang? Napalingon ako sa gawi ni Jessica, he immediately gave me an apologizing look. Then he whispered "I'm sorry" to me.

"Pero alam mo ba kung ano ang dahilan ko para planuhin ang lahat ng 'yon?" Muling salita ni Becka, kaya nabalik ang atensiyon ko rito. "Simple lang, gusto ko lang naman na makita kang masaktan at gusto kong maranasan mo rin ang iwan at paglaruan din, tulad ng ginawa mo sa akin noon!" She said.

"Becka..." I call her name in so much disbelief after I heard all of her reasons why is she doing all of this to me now. Nangunot ang noo ko. "I thought... I thought we already settled this. Nanghingi na ako ng tawad sa 'yo, di ba? And you said, okay na, kalimutan na lang natin ang nangyari noon at pwede rin nating ibalik ulit ang pagkakaibigan natin, that's why I gave you my full trust again and I hold on to that. But now... why, Becka? Bakit ibinabalik mo ulit ang lahat ng 'to?" I asked her.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon