Chapter 60 (Part 2)

136 5 1
                                    

Chapter 60
(Part 2)

KRISTOFF

KINAKABAHAN na naman ako at hindi mapakali rito sa bahay namin ngayon. Muli akong napalingon sa wall clock dito sa sala namin, 11:30 PM na pero wala pa rin si Lovely.

Kanina, pagkauwi na pagkauwi ko rito sa bahay namin, akala ko ay sasalubungin ako niya ako rito, but I'm wrong. Dahil pagdating ko ay wala pa rin siya, wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kaniya na nakauwi na siya. Naisip ko na lang na baka nalibang lang sila ni Icee ngayong araw habang magkasama. Kaya nag-text na lang ako sa kaniya na nandito na ako sa bahay. At hinintay ko na lang ang pag-reply niya. Kaya nagtungo na lang ako sa kusina para magluto na ng dinner namin.

Pero ang lubos na ipinagtataka ko ngayon, natapos na ako't lahat sa pagluluto pero wala pa rin siyang reply. Hindi naman siya ganito lately.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko 'yong napansin ko sa kaniya kaninang umaga. 'Yong ang lalim-lalim ng iniisip niya kanina na hindi ko naman alam ang dahilan. Kaya mas lalo akong nag-alala dahil doon kaya tinawagan ko na lang siya agad. Pero agad din na nangunot ang noo ko nang kaagad na sumagot sa tawag ko ay ang operator, nakapatay ang phone niya.

Naisip ko na ring tawagan si Icee, itinanong ko agad dito kung kasama pa ba nito si Lovely. Pero ang sagot sa akin nito ay hindi na, kanina pa raw alas siyete sila nagkahiwalay para umuwi na. Nakasabay pa nga raw niya itong mag-abang ng taxi pero mas nauna siyang nakasakay dahil may lakad daw siya.

Mas lalo akong binundol ng kaba dahil doon, saan naman kaya maaaring pumunta si Lovely ngayon? Imposible naman kasing si Phil na naman ang kasama niya dahil ang alam ko ay nakabalik na ito sa Australia.

Naisipan ko na ring tawagan si Leonard, baka kasi roon sa kanila nagpunta si Lovely. Pero same answer lang ang natanggap ko rito, wala rin daw si Lovely doon.

Naghintay pa ako ng ilang minuto para hintayin siya, baka kasi may dinaanan lang siya na iba at nakaligtaan niya lang ang oras. Pero sa paghihintay ko, mas lalo lang akong kinakabahan sa paglipas ng mga oras na wala pa siya. Inabot na ako ng ganitong oras kakahintay sa kaniya, pero wala pa rin siya. Ayokong mag-isip ng negative thoughts, pero hindi ko mapigilan. Paano kung...? Hay...

Until may bigla na lang akong na-receive na text. Excited kong binuksan ang phone ko dahil baka siya na 'yon, but I'm wrong. Dahil from unknown number ang nag-text.

Kahit nahihiwagaan ako sa nag-text na 'yon sa akin ay tinignan ko pa rin kung ano ba ang laman ng message na 'yon. Ang hindi ko rin maintindihan ay ang isa pang kaba na naramdaman ko about sa message na ito. Parang may something, eh.

At ganoon na lang din ang pagbagsak ng mga balikat ko ng makita ko na ang laman ng message na 'yon. Hindi pala text message ang isi-nend sa akin, kundi mga pictures na kaagad na nagpagimbal sa mundo ko.

Kaagad din na napaigting ang panga ko sa sobrang inis. Mahigpit na naiyukom ko na lang din ang mga kamao ko habang hindi ko mai-alis ang mga mata ko sa mga litrato na nasa cellphone ko ngayon.

Nang mabalik ako sa huwisyo ay dali-dali akong tumayo at nagtungo sa labas para kunin ang sasakyan ko. Sakto pa na nag-beep ulit ang phone ko at isang address naman ang isi-nend sa akin ng unknown number na 'yon.

Nang mailabas ko ang sasakyan ay kaagad kong pinatakbo ito ng mabilis dahil sa nag-uumapaw na galit na nararamdaman ko ngayon.

Anong ibig sabihin nito?!

——

LOVELY

NANG maalimpungatan ako, kaagad na bumungad sa akin ang pagsakit na naman ng ulo ko.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon