Final Chapter
LOVELY
"BILISAN na natin, loves! Baka hindi na natin maabutan 'yon!" Pagmamadali ko na kay Kristoff nang matapos akong makapag-ayos. Nasa sala na ako at hinihintay na lang siya rito, nasa kwarto pa rin kasi siya at nagbibihis pa.
Daig pa niya kasi ako sa kabagalan ngayon, ewan ko ba d'yan, tinatamad daw kasi siya kahapon pa. Pero hindi pwede 'yon dahil may kailangan kaming puntahan na importante ngayong umaga!
"Easy, loves! Heto na, o! 'Wag mo naman akong nadaliin!" Ani niya pa na ngayo'y lumabas na rin ng kwarto. Nakangisi pa siya sa akin, simple lang naman pala ang isusuot pero ang tagal-tagal doon sa loob.
I crossed my arms at sinamaan ko siya ng tingin nang makalapit na siya sa akin. "Ang bagal-bagal mo kasi, eh! Baka hindi na natin maabutan 'yon!" Ungot ko naman sa kaniya.
Inakbayan niya ako agad. "Hindi 'yon! Ikaw naman, sinusungitan mo na naman ako, eh. Kiss mo na nga lang ako para madagdagan energy ko!" Ani niya pa sabay nguso. Ilalapit na sana niya ang mukha niya sa akin nang mag-iwas ako bigla, hinila ko na lang siya palabas.
"Puro ka talaga kalokohan! Kagabi ka pa hirit nang hirit ng ganyan! Naiinis na ko sa 'yo, Kristoff, ah!" Sita ko nga sa kaniya habang hila-hila ko na nga siya palabas. Ang dami kasing pataan ng taong 'to! Narinig ko pa siyang may binubulong-bulong pagkasabi ko n'on sa kaniya, kaya muli ko nga siyang nilingon at sinamaan ng tingin. "May sinasabi ka d'yan, Mister?" I asked ng may diin.
"Ha? Wala, loves, wala! Sabi ko nga aalis na tayo, o!" Pagdadahilan naman niya. And this time, siya na ang humihila sa akin palabas ng bahay.
Nang marating namin ang garahe para sumakay na sa sasakyan, naabutan agad namin doon sina Manang Fel at Manang Lourdes na nakaabang. Binuksan na kaagad nila ang gate para sa amin.
"Mga Manang, alis po muna kami, ha? Kayo na po muna ulit ang bahala rito sa bahay." Paalam ko na sa mga ito. Muli ko namang binalingan si Kristoff sa tabi ko. "Dali na! Sumakay na tayo ng hindi tayo mahuli ng dating!" Muli ko namang pagmamadali sa kaniya.
"A-Ah, oo nga po, loves. Heto na nga, o!" Pinagbuksan na nga niya ako ng pinto ng kotse. "Sakay na po!" Ani niya pa. Sumakay na nga agad ako sa passenger seat. Bago pa man siya umikot papunta sa driver's seat ay nahuli ko pa na may nilabi siya kina Manang Fel na ikinatawa ng mga ito, napa-thumbs up pa nga si Manang Fel sa kaniya, eh. Napailing na lang ako sa kanila, gets ko na kasi kung ano ang ibig nilang sabihin. About na naman siguro 'yon sa pagsusungit ko. Balik mood swings na naman kasi ako nitong mga nakakaraang araw.
Nang paandarin na niya paalis ang sasakyan, kumaway na lang ako kina Manang. Siya naman, hindi pa rin niya ako tinigilan. Nang mailabas na kasi niya ang sasakyan sa gate, mabilis niya akong ninakawan ng halik sa pisngi. Pinanlakihan ko na lang siya ng mata dahil doon, nginisihan lang naman niya ako. Actually, kahapon ko pa kasi siya pinagdadamutan sa bagay na 'yon.
Matapos ang isang linggo, nabalik na ulit sa maayos ang lahat. Lumuwag na ang dibdib ko knowing na wala na talagang masama pang nangyari sa lumipas na isang linggo matapos mangyari ang naging engkwentro namin kay Becka.
Lahat ng nangyari n'ong araw na 'yon ay hindi ko makakalimutan. 'Yong pakiramdam na nasa kapahamakan ang buhay niyo, 'yong maranasan mong mapaghigantihan, at 'yong malaman mo ang hinanakit sa 'yo ng isang tao sa 'yo sa loob ng maraming taon, lahat ng pakiramdam na 'yon ay alam kong napakabigat sa loob. At alam ko na mas mabigat ang dating n'on kay Kristoff nang malaman niya ang lahat ng 'yon kay Becka noong araw na 'yon.
Dalawang araw lang naman ang itinagal ko sa ospital, hindi kasi ako kaagad pinalabas ng doktor dahil kinailangan pa nila akong i-check. Si Phil, inabot siya ng halos apat na araw dahil hindi biro ang natamo niya, kinailangan din niya kasing mag-undergo ng tests kaya ganoon.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...