Chapter 15
LOVELY
GABI na nang tuluyan kaming makaalis doon sa reception. Kami pa kasi ang pinaghintay nila roon hanggang sa makaalis na ang lahat ng bisita.
Ayoko na nga sanang magtagal doon, eh. Plano ko sana na pagkatapos na pagkatapos ng kasal, umuwi na kaagad. Kaso, pinigilan nila kami. Tuloy ayun, napilitan pa akong ngumiti nang ngumiti ng plastik sa mga bisitang inimbita nila.
Tapos, sinabayan pa ako nina Kuya at Icee sa kakabati ng 'Congratulations! Hindi ka na dalaga!' Lakas maka-bad trip, eh. Nakakainis!
At heto nga ngayon, lulan kami ng isang sasakyan na ibinigay ni Papa sa'min kanina lang. Syempre, si Kristoff ang nagda-drive dahil kami lang namang dalawa ang magkasama ngayon. Nagbigay rin sila sa'min kanina ng isang susi ng isang bahay na para rin daw sa aming dalawa. Hay, talagang binilhan pa talaga nila kami, eh 'no?
Mula pa nung makasakay kami ng sasakyan, pinili ko na lang na wag nang kumibo. Alam ko rin naman kasi na wala naman kaming matinong pag-uusapan ng lalaking 'yan, eh.
Actually, wala akong kinikibo ng maayos ngayong araw. Mula pa nga rin kanina nung ikinakasal kami, hanggang ngayon, hindi ko kinakausap ang lalaking 'yan.
Ilang sandali, namalayan ko na lang na naihinto na pala niya ang sasakyan. At ang walanjo, inunahan pa akong lumabas ng sasakyan. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto?! Jusmeyo! Napaka-ungentleman! Argh!
Lumabas na rin ako ng sasakyan, at padabog kong isinarado ang pinto nito. Naiinis na sinundan ko na nga rin ito papasok sa hinintuan naming bahay. Na hula ko, ito na 'yung bahay na tinutukoy nina Papa.
"So, ito na 'yung house na tinutukoy nila?" Tanong ko, pero hindi ko direct na itinanong sa kanya 'yon, nung pareho na kaming nasa loob ng bahay.
"Yeah, I think ito na nga. Ito na 'yung nasa address na binigay nila, eh." He said.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nitong bahay. Bahagya pa akong napalakad-lakad sa paligid para sipatin ang mga furnitures and appliances na nandito. Napatango-tango ako. Hmm, ang galing talaga nilang mamili basta pang-sosyal. Based kasi sa nakikita ko ngayon, hindi basta-basta itong bahay na 'to na ipinagawa pa nila. Well, better na nga naman ito, pabor naman sa'kin.
Kaso, naisip ko 'yung unit ko. Huhuhu, for the past 6 years, ngayon ko lang siya iiwan. Hay... mamimiss ko siya, sobra!
Paglingon ko naman sa kinatatayuan lang kanina ni Kristoff, wala naman na ang lalaking 'yon doon. Eh, nasaan naman na kaya ang taong 'yon?
Napakibit balikat na lang ako. Hmp, ano bang paki ko kung nasaan 'yung taong 'yon? Bahala na siya, 'no!
Kaya naisipan ko nang umakyat na sa taas para hanapin na ang kwarto ko.
Dalawang pinto naman ang kaagad na nakita ko rito. Syempre, natural na sa isang bahay na may isang spare na kwarto, and that is the guest room. At nakakasiguro rin ako na ang other one is the Master's bedroom. Alam ko naman na sinadya nila 'to, eh. Dahil gusto nila na hanggang pagtulog, magkatabi kami ni Kristoff. Tulad na lang ng sa kotse, isa lang din ang ibinigay nila sa'min para raw maghahatid-sundo na lang kami araw-araw. Mag-asawa na nga raw kasi kami, eh! Psh!
Pero, doon sila nagkakamali. Siguro sa kotse payag ako. Pero ang mag-share kami sa iisang kwarto? Huh! It's NO NO! Nasanay na akong pagmamay-ari ko lang ang kwartong tutulugan ko, eh. Ayoko ko ng may kasama, ayoko ng may kahati! Kaya, ipaglalaban ko 'yon! Saka, hindi na rin naman na nila malalaman 'yon, kami lang naman ang titira rito, eh.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...