Chapter 50
(Part 1)"ANO 'to? Bakit dito mo ko dinala?" Nakakunot ang noo na tanong ko kay Phil nang mapagtanto ko kung nasaan kami ngayon.
Napatanaw ako sa labas ng sasakyan niya. Nasa amusement park kasi kami at dito nga niya ako dinala. Mula rito sa loob ng sasakyan ay natatanaw ko na ang dami ng tao rito ngayon, hindi naman kami natatanaw ng mga ito dahil high-tinted ang kotse niya. Mula pa naman noon, lagi nang maraming tao rito, eh.
"Di ba, sabi ko sa 'yo, isasama kita sa lugar kung saan mapapatawad mo na ko? Well, ito 'yon. Alam ko kasi perfect ang lugar na ito para mangyari 'yon. Bigla ko kasing naalala noong una kitang dinala rito, 'yong todo thank you ka pa sa akin dahil sabi mo, n'on ka lang nakapunta sa lugar na ito, tapos niyakap mo pa ko sa tuwa mo." Ani niya na talagang nakangiti pa habang pinapaalala sa akin 'yon.
Napatitig naman ako sa mukha niya dahil doon. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi maalala ang panahon na 'yon. Yes, ganoon nga ako kasaya noong araw na 'yon nang una niya akong dalhin dito.
Pero nang mapagtanto ko na ka-dramahan na naman ang naiisip ko, kaagad kong ipinilig ang ulo ko para mawala kaagad 'yon sa isip ko. Ibinalik ko ang taray look ko sa kaniya.
"Are you serious? Babalandra tayo d'yan ng ganyan karaming tao? Phil, hindi na tayo mga ordinaryong tao ngayon sa karamihan!" Sita ko sa kaniya. Gusto ba niyang pagkaguluhan kami ng wala sa oras sa lugar 'to?
Naguluhan ako nang sa halip na mapaisip siya sa sinabi ko ay napangiti pa siya lalo. Malaunan ay dumukwang siya sa backseat at may kinuha roon. "Anong silbi at dinala ko ito?" At nakangiting ipinakita niya ang mga hawak niyang 'yon sa akin. 'Yon ay mga dark shades, caps, at jackets. Yes, with "s" kasi dala-dalawa 'yon.
Hindi makapaniwalang napangisi ako sa kaniya. "Grabe! Planadong-planado, ah?" React ko.
Nginisihan niya rin ako. "I told you. Hindi kita dadalhin dito ng basta-basta lang na hindi ko iniisip ang ikabubuti natin, lalo ka na. Hindi ko hahayaan na masaktan ka." Ani niya.
Ilang sandali akong napatitig ulit sa mukha niya. At malaunan, hinablot ko na lang sa kamay niya 'yong ipapagamit niya sa aking dark shades, cap, at jacket at kaagad ko ring isinuot na ang mga 'yon. "O, eh di, tara na kung ganoon!"
Hindi na talaga nawala ang ngiti niya lalo na nang makita niya ako na sumunod nga ako sa gusto niya. Hindi rin nagtagal ay isinuot na rin niya ang kaniya. Tama, hindi na nga kami madaling makikilala nito dahil halos balot na balot na kami ngayon.
Nanguna siya sa akin na bumaba ng kotse niya at umikot siya sa side ko at saka ako pinagbuksan ng pinto. "Let's go! Let's start to have some fun now!" Masiglang anyaya niya pa sa akin sabay lahad ng kamay niya.
Tsh, kung ano-anong sinasabi! Inismiran ko nga siya at napipilitang tinanggap ko na nga ang kamay niya para makababa na rin ako.
Kaagad na nilibot ko ng tingin ang paligid nitong amusement park. Palihim akong napangiti nang mapagtanto ko na kaunti lang ang ipinagbago nito, mukhang pinalitan lang ang mga pintura at inayos 'yong ibang rides.
Mas ngayon ko napansin ang dami ng tao rito ngayon. Ano bang araw ngayon? Sabado? Ah, kaya siguro maraming lumilibot dito ngayon kasi weekends, family bonding ng karamihan.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...