Chapter 16
KAAGAD na akong bumangon ng maalimpungatan ako.
Actually, hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, siguro dahil naninibago pa ako. Ganito kasi talaga ako, eh. Sa tuwing maiiba ang tutulugan ko, sa unang gabi, hindi ako nakakatulog ng maayos. Ano na nga bang tawag do'n? Namamahay ba? Basta, 'yun! Pero kapag first night lang naman ako ganito.
Pumasok naman kaagad ako sa CR to take morning rituals. Then pagkatapos, lumabas na ako ng kwarto at bumaba.
Dumiretso ako sa kitchen. Maghahanap sana ako ng breakfast, kaso naalala ko na wala pa nga pala kaming maids na magsisilbi. Kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. So, ako ang magluluto ngayon?
Tinignan ko ang laman ng ref. Thanks god, may mga laman naman na pala! Sa bagay, lahat nga pala ng nandito sa bahay na 'to ini-ready na nila para sa'min. Kaya, okay.
Nag-isip ako sandali kung ano bang pwede kong lutuin for breakfast. Hanggang sa maisipan kong simple na lang, para sa'kin lang naman, eh——Ay, wait pala.
Napatingin ako sa taas, do'n sa may bandang kwarto namin. Oo, nga pala may kasama na nga pala ako sa bahay ngayon.
Pumunta ako sa sala at sinilip mula sa bintana kung nando'n pa ba 'yung sasakyan namin. Nakita ko naman na nando'n pa rin. So, nandito pa ang lalaking 'yun at tulog pa rin?
Napatingin ako sa wall clock na nakakabit, malamang sa dingding. 8:30 na, ah. Tulog pa rin siya? Aba!
Kaya, kunot-noo akong umaakyat ulit ng hagdan papunta sa kwarto nito.
Kaagad akong kumatok nung nasa harap na ako ng pinto ng kwarto niya. Kaso, wala. Nang maisipan ko namang pihitin ang doorknob, aba bukas! Hindi pala marunong mag-lock ng pinto ang taong 'to?
Pagpasok ko, bumungad naman kaagad sa'kin ang natutulog na si Kristoff. Lumapit ako sa kama nito kaya mas nakita ko ang hitsura niya habang natutulog. Mukhang sarap na sarap pa sa pagtulog 'tong lalaking 'to, ah. Bahagya pang nakanganga ang bibig, eh. Halatang nahihimbing pa.
Pero hindi pwede 'yan. Kaya inumpisahan ko siyang yugyugin. "Hoy, Kristoff! Wake up!" Panggigising ko na nga rito. Kaso, parang wala lang, eh.
Kaya inulit ko. "Hoy, Kristoff! Gumising ka na nga!" Hinintay ko na mag-respond ito. Kaso, gosh! Sarap na sarap pa rin siya sa pagtulog. Anong klase ba matulog ang taong 'to? Tulog mantika, eh!
Napabuntong hininga na ko at nagpameywang. Saka naman may pumasok na idea sa utak ko. Napangiti ako at napatango-tango. Tignan lang natin kung hindi ka pa magising dito sa gagawin ko.
Kaya umayos na ako ng tayo and I also cleared my throat. Okay, ready!
"OOH, HOO!~ OHH, HOO!~ WHY DO YOU BUILD ME UP
BUTTERCUP, BABY
JUST TO LET ME DOWN
AND MESS ME AROUND
AND THEN WORST OF ALL
YOU NEVER CALL, BABY
WHEN YOU SAY YOU WILL BUT I
LOVE YOU STILL
I NEED YOU! WOOO~ MORE THAN ANYONE, DARLIN'
YOU KNOW THAT I HAVE FROM THE START!
SO BUILD ME——""Hey, hey, hey! Ano ba? Ano ba?! Okay, I'm awake! I'm awake! Argh!" Biglang pagpapatigil na nito sa'kin. Halatang naiirita ito habang nakatakip pa ang mga kamay sa tenga at nakaupo na ito sa kama.
Oh? Gising na pala siya? Tsk, nag-eenjoy pa ako sa pagkanta, eh! Hahaha, paano nga bang hindi siya atubiling magigising? Eh, pasigaw ko ba namang kinanta 'yon para nga tuluyan na siyang magising. And see? It works!
I look at him while smiling and my arms are crossed. "Hello, Good Morning!" Sarcastic na bati ko pa sa kanya.
Nakakunot ang noo niya ng tignan ako. "What is your problem? Bakit ka nanggigising?! Ang aga-aga mong nambubulahaw, eh! Kanta ka nang kanta, sintunado ka naman!" Reklamo naman niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...