Chapter 20
LOVELY
FOR the past week, mas lalong 'parang hindi kami nakatira sa iisang bahay' ang turingan namin ni Kristoff. MAS iniwasan at inignora ko pa siya, yung parang sina Manang Fel at Manang Lourdes na lang ang kasa-kasama ko sa bahay? Ganoon ang ginawa ko.
Dahil mula noong gabing nag-aminan kami ng pagkamuhi namin sa isa't-isa, naisip ko na kailangan ko na lang siyang i-ignore para iwas gulo na, di ba? Ayoko nang sirain pa ang araw ko ng dahil sa kanya.
"Ma'am, aalis na po kayo?" I heard Manang Fel asked me from behind.
Nilingon ko ito. "Yes, Manang. I have to go. Kayo na po ang bahala rito sa bahay." I said.
Nakangiting tumango naman ito. "Osige po, Ma'am." Then, I smiled too because of that. Sa isang linggo mahigit na pananatili na rito nina Manang Fel at Manang Lourdes as our maids, nagawa ko naman na silang makapalagayan ng loob kaagad because they really good and nice to me, sa way na hindi rin naman nila nakakalimutan na amo nila ako. At sa tuwing makakauwi ako ng maaga dito sa bahay at hindi pagod, nakakakwentuhan ko pa sila.
Nagawi naman ang tingin ko sa stairway at nakita ko ang taong pababa roon ngayon, its Kristoff. I just gave him a very quick glance and look again to Manang Fel dahil nga talagang hindi ko na siya binibigyan pa ng pansin.
I finally fixed and carried my handbag. Sinuot ko na rin ang sunglasses na hawak ko. "Alis na po ako." Paalam ko ulit kay Manang Fel.
"Siya sige po, mag-iingat kayo sa pagmamaneho!" Paala pa nito sakin.
I smiled. "Yeah, I will po." Then, tuluyan na akong lumabas ng bahay para puntahan na sa parking lot ang kotse ko. Pinagbuksan naman ako ni Manang Lourdes ng gate at nang mailabas ko na ang sasakyan ko, I mouthed 'thanks' to her. Saka ako tuluyan na ngang umalis.
Mga kalahating oras lang siguro ang binyahe ko, nakarating na ako sa location kung saan gaganapin ang photoshoot namin for magazine cover. And yeah, 'yon ang collaboration namin ni Jessica. Makakasama ko siya sa isang magazine cover.
"Good Morning, Ms. Lovely!" Bati sakin ng karamihan nang makita ako ng mga ito na dumating na. Mukhang nakahanda na ang lahat ngayon dito sa location ng photoshoot namin, which is isang exclusive na hotel and resort, base sa nakikita ko ngayon.
Napadako ang tingin ko sa isang babaeng napalingon rin sakin, its Jessica. Siguro, na-recognize na rin niya ang pagdating ko. She's smiling at me right now habang papalapit ako sa kanila. At napatayo pa ito nang nasa harap na nila ako to give me a beso-beso.
"Hi, Ms. Lovely! I'm so excited na talaga na finally, makakasama kita sa photoshoot at magazine cover!" Masiglang bati nito sakin.
I smiled, a forced one. "Me, too." Sagot ko na lang. Hinubad ko naman na ang suot kong sunglasses. "Excited din ako sa araw na ito na makakasama kita sa isang photoshoot." Dagdag ko pa. Sinuklian niya lang ng isang joyful na ngiti ang sinabi ko.
Naupo na ako sa isang upuan na mare-relax ako at saka tahimik na nagbasa na lang ng magazine, na malamang magazine rin ng company na kumuha sa amin. Hindi ko kasama si Icee today dahil sa isa pa niyang talent niya siya sumama ngayon, may kailangan daw kasi siyang ayusin na problema sa model na 'yon. Kaya ayon, kunsumido na naman ang manager kong ewan. Tutal, kaya ko naman ang sarili ko ngayon dito kaya hinayaan ko na lang siyang gawin 'yon.
Hindi rin naman nagtagal, sinimulan na kaming ayusan. Sa gitna noon, sinusubukan akong kausapin at makakwentuhan ni Jessica. Hindi ko naman ini-snob ang pagkukwento niyang 'yon pero idinadaan ko na lang sa isang simpleng ngiti, tango, pekeng ngisi, at sagot na 'ah,' ang itinutugon ko sa kanya. Well, masisisi niyo ba ko? Hindi naman kami close, eh. To be honest, hindi nga ako komportable sa pagitan namin ngayon, eh. Pero trabaho 'to kaya kailangan kong gawin.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...