Chapter 60 (Part 1)

142 5 0
                                    

Chapter 60
(Part 1)

MULA sa malalim na pag-iisip ay napukaw ang pansin ko nang biglang hawakan ni Kristoff ang kamay ko. Kasalukuyan kaming nakasakay na sa sasakyan namin at siyempre, siya ang nagmamaneho. Naisipan kasi namin ngayong araw na magsabay na lang ulit na umalis ng bahay. Kaya naiwan na naman si Georgia ko sa bahay.

Agad na nalipat ang tingin ko sa kaniya dahil doon. Panandalian niya akong sinulyapan at ibinalik niya agad ang pansin niya sa daan. "Ayos ka lang ba, loves? Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo, eh. Ang tahimik mo pa." Tanong niya sa akin na may himig-pag-aalala.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Ah, oo. Okay lang ako, loves." I assured him. At saka ako umayos ulit ng upo.

Actually, okay lang naman talaga ako. Ahmm, medyo bothered lang dahil nakatanggap na naman kasi ako ng isang note sa kotse ko kagabi bago ako umuwi. Pangalawang beses na 'yon. Hindi ko na lang pinansin 'yong una dahil baka may nanti-trip lang sa akin. Pero nitong pangalawa, parang tinutukoy na talaga nito si Kristoff, eh. Kaya hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako sa taong posibleng gumawa n'on.

Nilingon ko ulit si Kristoff, naka-focus na ulit ang pansin niya sa daan. Kagabi, nag-attempt ako na magtanong sa kaniya about doon, pero hindi ko na lang tinuloy dahil sinubukan ko na lang ulit na isa-walang bahala 'yon. Eh, kaso ngayon binabagabag na talaga ako ng curiosity ko sa simpleng note na 'yon! Para kasing kilalang-kilala ng taong 'yon si Kristoff at parang may galit din ito sa asawa ko? Aish! I don't know!

"Kristoff," this time, ako naman ang pumukaw sa pansin niya.

Naglipat naman ulit siya ng pansin sa akin. "Bakit, loves?" He asked.

Medyo bumwelo pa muna ako bago magtanong sa kaniya, naghintay muna ako ng ilang segundo bago tuluyang nagsalita. "May nakaaway ka ba nitong mga nakakaraang araw?"

Kaagad kong napansin ang pagkunot ng noo niya dahil sa klase ng tanong ko. "Nakaaway? Wala naman. Bakit mo nai-tanong 'yan?" Ani niya.

"A-Ah, ganoon ba?" Napakamot ako sa noo ko. Sabi ko nga wala, eh. "Wala lang, nai-tanong ko lang naman. Ahmm, 'wag mo na lang pansinin 'yon." I said. Then, kaagad ko rin siyang nginitian para makumbinsi ko siya. Ayoko na talaga kasing banggitin pa sa kaniya 'yong about sa note na 'yon dahil baka magulo ko lang siya.

Hindi niya ako nginitian pabalik. Base sa tingin na ipinupukol niya sa akin ngayon, para hindi siya kumbinsido sa dahilan ko. Bahagya pa siyang nagpakawala ng malalim na hininga sabay hawak ulit sa kamay ko. "'Yong totoo? May gumugulo ba sa 'yo ngayon? Tell me."

I gave him an assuring smile again saka ako umiling. Mahina ko ring tinapik ang pisngi niya. "Wala nga! 'Wag mo na lang isipin pa 'yong tinanong ko sa 'yo, hmm?" I tilted his head para i-tuon niya na lang ulit pansin niya sa pagmamaneho. "Focus ka na d'yan." Pinal na komento ko na lang sa kaniya at tumahimik na lang ako pagkatapos.

Pero muli na naman niya akong nilingon sandali. Nakangiting tinanguan ko na lang siya saka siya nag-focus na nga lang ng tingin sa daan.

Ilang minuto lang din ang lumipas, nakarating na kami sa studio ni Icee. Kaagad na niyang inihinto ang sasakyan sa tapat n'on.

"I'll pick you up here at lunch, ha? Sabay ulit tayo." He said after a while.

Nakangiting tinanguan ko siya. "Okay. Tawagan mo na lang ako, ha?" I answered. Then, I leaned towards him to give him a quick kiss on his lips. Then after, I smiled at him again. "I love you."

He immediately smiled back. "I love you, too." Then, he answered.

Hindi rin nagtagal ay bumaba na ako sa sasakyan. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng studio, nilingon ko siya ulit at nakita ko na nakatitig pa rin siya sa akin. Simple ko na lang siyang tinanguan at hudyat na nga 'yon para tuluyan na siyang umalis.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon