Chapter 65

137 6 1
                                    

Chapter 65

KRISTOFF

HINDI ko na mabilang simula pa kahapon kung nakaka-ilang beses na ba akong napabuntong-hininga. Wala akong magawa, eh. Naiinis ako kay Jessica, naiinis ako sa nangyari kahapon… naiinis ako lalo na sa sarili ko. Laging rumerehistro sa isip ko ang galit at nasasaktan niyang mga mata na nakatitig sa amin kahapon.

Tuluyan ko na lang ibinaba sa table ang cellphone ko dahil hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang sagutin ang mga tawag ko. Kaya nanghihina na napadukdok na lang ako sa mesa.

Iniisip ko rin kung nakatulog ba siya ng maayos kagabi habang hindi niya ako katabi? Ako kasi, hindi. Nakayakap lang ako buong gabi sa unan niya at nakatanga sa naiwan niyang space na hinihigaan niya katabi ko sa kama. Nakakalungkot, kasi isang gabi pa lang kaming hindi magkatabing natulog at hindi nagkakausap, sobra ko na siyang na-mi-miss. Kasalanan ko rin naman kasi kung bakit kami nagkaganito ngayon.

Nang maisip ko si Icee ay muli akong napaangat mula sa pagkakadukdok at kinuha ko ang cellphone ko para i-dial ang number nito. Sa kaniya ko na lang itatanong kung kumusta na ang asawa ko. Mabuti pa si Icee, naintindihan kaagad ako.

Hindi naman nagtagal ay sinagot na kaagad nito ang tawag ko, napaayos pa ako ng upo nang marinig ko ang 'hello?' nito.

"Kumusta naman si Lovely kagabi? Lumabas na ba siya ng kwarto? Kumain ba naman siya ng maayos kagabi? At… nakatulog naman ba siya ng maayos?" Sunod-sunod na tanong ko kaagad dito.

('Wag kang mag-alala, ayos na ayos lang naman ang babaeng 'yon. Lumabas naman siya kaagad ng kwarto kahapon pagka-alis na pagka-alis mo. At ang pagkain niya? Sus! Halos ubusin nga ang lahat ng pagkain sa fridge ko, eh! Doon niya raw kasi ibinaling ang inis niya sa 'yo kahapon. Pero 'yong pagtulog niya… hindi ko alam, eh. Hindi ko na kasi siya chi-neck pagpasok niya ulit sa kwarto.) Pagsagot naman niya kaagad sa mga tanong ko. Mas napasimangot na lang ako dahil sa mga sinabi nito. Masama nga talaga ang loob sa akin ni loves.

(Pero, Kristoff… may bago kang problema ngayon.) Ilang sandali ay salita ulit niya.

Agad namang napakunot ang noo ko. Bigla naman akong kinabahan sa problemang tinutukoy niya. "Problema? A-Anong problema?" Kinakabahang tanong ko ulit sa kaniya.

I heard her took a sigh before finally spoke again. (Dahil tumawag ka naman na ngayon, sasabihin ko na sa 'yo. Actually  ayaw niya sanang ipasabi sa 'yo, pero hindi ko siya susundin dahil inaalala rin naman kita. 'Yong asawa mo kasi, umalis kanina, eh. Ayaw papigil!)

"Umalis? S-Saan naman daw siya pupunta?"

(Sa New York. Inalok na kasi ulit siya ng panibagong modelling contract ng manager niya roon kahapon. Actually, 'yon daw ang dahilan kung bakit ka niya pinuntahan sa office mo kahapon, para raw mapag-usapan niyo 'yong tungkol doon. Pero dahil na-bwisit siya sa 'yo, hindi na siya nag-paalam. Ahmm, two hours ago na siguro mula nang umalis siya. Sorry, ha? Kung ngayon ko lang nasabi sa 'yo.)

Muli na lang akong napapikit ng mariin dahil sa mga sinabi ni Icee. She left me at hindi man lang talaga siya nagpaalam sa akin? Ganoon ba talaga kalalim ang galit niya sa akin? Nagagawa niya agad akong balewalain? At panibagong modelling contract? So, ilang buwan ang itatagal niya roon?

Napatiim-bagang ako malaunan dahil sa isiping 'yon. No! Hindi pwedeng mangyari 'yon! Hindi ako papayag na maghintay lang ako sa wala sa kaniya rito.

"Thank you sa pagsasabi sa akin, Icee. Ahmm, may contact number ka ba ng manager niya sa New York?" Muli kong tanong sa kaniya.

(Ah… wait. Meron akong contact number ni Celina! Nandito sa profile ni Lovely. Gusto mo bang makuha?)

"Yes, please? Send it to me immediately, Icee."

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon