Chapter 3
NANATILI pa rin na nakatayo si Mr. Wagas Makapangaral ('yon na lang ang naisip kong ipangalan sa kanya, saka totoo naman, eh.) sa harap ng unit no'ng babae kanina na kausap nito—Ah, no. Mas bagay sabihin na "ka-LQ" nito.
May bigla akong naalala sa sinabi nito sakin kagabi. Kahit ayoko na sanang maalala pa.
"Gusto lang kitang sitahin ngayon, Miss. Pasalamat na rin pala ako ro'n sa ginawa mong yo'n a while ago dahil mukhang naapektuhan naman ng dahil do'n ang ex ko."
Ah, I remembered that he mentioned 'ex ko' last night sa sinabi niya sakin. So, that girl that he was arguing with a while ago, is his ex that he mentioned last night? Eh, kaya naman pala ang sungit, eh! Nagkalabuan pala sila ni girlfriend!
Hay, buhay nga naman parang life! Eh, bakit ba kasi kailangan pang problemahin 'yong mga ganyan? Mano kasing kapag ayaw na no'ng isa, eh di ayaw na!
Buti na lang talaga ako wala akong paki sa mga ganyan-ganyan. Ayokong ma-commit sa isang relationship, flings are enough. Ang saya kayang bihagin ng mga lalaking malalandi!
"What are you looking at, huh, Miss?! Did you enjoy the show that you witnessed?!" biglang sita sakin nito na nakakunot pa ang noo at halatang inis na inis. Napansin na pala ko.
At aba, tama ba ang tono na narinig ko galing sa lalaking 'to? Did he really yell at me? Huh! Loko talaga 'to, ah!
I crossed my arms and my brows are automatically arched because of him. Hinarap ko na siya. Wala akong pakialam kung magmukha akong mataray sa kanya!
"Excuse me? Ako ba ang sinasabihan mo, ha?" mataray na sita ko rin sa kanya. Huh! Akala niya papapekto ako sa kasungitan niya? No!
"Bakit? May iba pa bang tao rito ngayon? May nakikita ka ba?!" balik-tanong nito.
Medyo natigilan ako dahil do'n. Pasimple akong luminga sa paligid, oo nga 'no? So, ako nga? Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Kung yung LQ niyo no'ng babaeng 'yon ang tinutukoy mo, well, may dapat ba akong enjoyin do'n? FYI, Mr. Whoever-you-are, Hindi ko ugaling pag-aksayahan ng pansin ang mga walang kasense-sense na bagay!" sagot ko. Akala mo, ha!
Naningkit ang mga mata nito. "Are you telling me that I am a non sense person?" masungit na sita nito sakin.
Napameywang ako. Sarkasmo akong napangisi dahil sa sinabi niya. "Did I? Oh! yon ba ang pagkakaintindi mo? Na ikaw ang tinutukoy kong 'non sense'? Well, kung yon ang pagkakaintindi mo, di ko na kasalanan yon." I said.
Hindi ito sumagot. Instead, lumapit ito ng paunti-unti sakin habang nakatitig na parang ewan sa mukha ko. Siguro, humanga na yan sa kagandahan ko. Siguro na-realize na niya na isang dyosa pala yong pinagsalitaan niya ng kung ano-ano kagabi at nagsisisi na yan. Well, dapat lang-
"Ah, ikaw yong babaeng humalik sakin last night!" biglang salita niya habang tinuturo-turo pa ko. "Yong babaeng akala mo——"
Napahinto ito sa pagsasalita nang may biglang nag-ring na phone. Alam kong hindi sakin yon dahil hindi gano'n ang ringtone ko. Malamang kanya, dahil kinuha niya ang cellphone niya from his pocket and answered the call.
"Hello, Jess.. Okay, sige, pabalik na rin naman ako diyan.. Basta pakisabing I'll be there in 10 minutes." pagkausap nito sa tumawag sa kanya. He put again his phone inside his pocket at ibinalik ang tingin sakin. Yong tingin na para akong kinikilatis. Then, he just grinned at me and walked away.
"Hoy! Ano'ng babaeng akala mo ano?! Hey!" inis na sigaw ko dito. Pero ang loko, hindi man lang huminto sa paglalakad at nagkibit balikat lang hanggang sa tuluyan nang makasakay ito ng elevator.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...