A/N: Ito iyong mga pangyayari kung ano nga ba ang nangyari sa past ni Lovely kung bakit naging ganoon siya. Pero hindi ko lang sa isang SP ilalagay ang lahat, hiwa-hiwalay siya. :))
——
Special Chapter ♡1
Twelve years ago...
Matapos kong isuot ang eyeglasses ko na may makakapal na lens, naupo ako sa dulo ng kama ko at humarap sa salamin. Pinakatitigan ko ang repleksiyon ng hitsura ko sa harap ng salamin ng walang kangiti-ngiti.
Ilang sandali na lang, matatapos na ang buhay ko sa elementary. Tutuntong naman ako sa pangalawang level ng buhay pag-aaral ko. Pero alam ko naman na kahit papunta na ako sa panibagong baitang, wala pa rin namang magbabago sa pagiging estudyante ko sa school. Alam kong mananatili pa rin kung sino at ano ako sa mga taong nakakasalamuha ko sa labas at makakasamuha ko pa.
Nakakalungkot, pero sanay na ko sa ganito. Lagi ko ba naman iyong nararanasan sa buhay ko, eh. Kaya hindi na magiging bago sa akin iyon.
Mamaya pararangalan ako bilang isa sa mga estudyante na nakakuha ng pinakamataas na rank sa batch namin ngayon. Yes, I am the valedictorian, at marami pa akong awards na makukuha. Siguro kung iyong iba ang nakakuha nito sa akin, masaya na sila, lalo na ang pamilya nila. Achievement iyon ng anak nila, eh.
Pero ako? Hindi ko alam kung achievement ba itong maituturing sa buhay ko. Alam ko na dapat masaya ako sa araw na ito, pero hindi ko naman magawa.
Sa edad kong ito, wala na akong malamang gawin kundi ituon lamang ang sarili ko sa pag-aaral at ang tanging mga kaibigan ko lang ay mga libro. Oo, loner ako kumbaga.
Napapikit ako at napabuntong hininga. Ano ba, Lovely? Ang drama mo!
Napamulat ulit ako ng marinig kong may biglang kumatok sa pinto nitong kwarto ko. Napatingin lang ako roon. Hanggang sa bumukas iyon at lumitaw si Manang Rosy.
"O, ano ka ba namang bata ka? Bakit hindi ka pa rin nagpapaayos, ha? Anong oras na!" Ani nito sa akin at saka ako nilapitan.
Pilit akong ngumiti rito at saka umiling. "No need, Manang. Komportable na po ako sa ganitong ayos. Okay na po ako." I said.
Kanina pinuntahan ako rito ng mga inutusan nina Mama para ayusan ako, pero tumanggi ako. Ayoko kasi. Para sa akin, hindi ko na kailangan na magpaganda pa. Ayos na ko sa ganitong hitsura.
"Hayy, ikaw talagang bata ka!" Tugon sa akin nito at tinapik pa ako sa braso. "O siya, kung ganoon, bumaba ka na nang makaalis na tayo nina Mang Atoy mo." Dagdag nito.
Ngumiti na lamang ulit ako ng pilit at tumango rito. Saka ako nito iniwan ulit dito sa kwarto ko.
Sina Manang Rosy lang ang sasama sa akin sa graduation ko ngayon. Wala kasi sina Mama at Papa, nasa New York sila ngayon para sa business namin. At ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maging masaya ngayon.Noong malaman kong ako ang valedictorian ngayon sa batch namin, ang saya ko. Na-excite pa nga akong umuwi ng maaga that day para masabi ko na kaagad sa kanila ang about dito. Pero naabutan ko sila na busyng-busy na naman kaya kay Kuya at kina Manang Rosy ko na lang muna sinabi ang tungkol doon.
Pero noong isang araw, pinilit na ako ni Kuya na sabihin ko na kina Mama at Papa ang tungkol doon. Pinalakas pa nga niya ang loob ko, eh. Madalang lang kasi akong makiharap sa parents namin. Kaya kahit na nahihiya akong mangdistorbo kina Mama, sinabi ko na rin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...