Chapter 43
HALOS hindi na ko nakagalaw rito sa kinatatayuan ko ngayon. Nakapako na lang ang mga mata ko kay Phil habang naguguluhan pa rin.
Nananatili pa rin siyang nakangiti sa akin kahit na todo kunot na ang noo ko habang nakatitig din sa kaniya.
"Ate Ganda! Ate Ganda!" Rinig kong pagtawag na sa akin ni Lia, kaya nalipat ang tingin ko sa batang 'yon na ngayon ay papalapit na sa akin at ngiting-ngiti. Galing siya sa tabi ni Phil. "Mabuti po nandito kayo ngayon!" Ani nito.
Hindi pa man din ako nakakasagot ay tumakbo ulit ito pabalik kay Phil. Akala ko kung ano ang gagawin nito. Nakita ko na hinawakan nito sa kamay si Phil at hinila palapit sa akin. Nakangiti namang nagpa-ubaya si Phil dito hanggang sa nasa harap ko na sila pareho.
Magkatitigan pa rin kami, pero hindi napapalitan ang kaniya-kaniya naming expression sa mukha. Punong-puno ng tanong at pagtatakha ang isip ko tungkol sa kaniya ngayon.
"Ate Ganda, ito po si Kuya Gwapo ko. At Kuya Gwapo, siya naman po ang Ate Ganda ko. Dininig na po kaagad 'yong pray ko na sana maipakilala ko na kayo sa isa't isa! At ito na po 'yon. Ang galing!" Namamanghang turan naman ni Lia malaunan. Kaya nalipat na naman ang pansin namin sa kaniya.
Nakangiting yumuko rito si Phil at hinaplos ang buhok nito. "Me, too, Lia. Ipinagdasal ko rin na dumating ang araw na 'to." Ani niya at nag-angat siya ulit ng tingin sa akin. "Ang makahanap ng tamang tiyempo para magkita at magkaharap ulit kami pagkaraan ng maraming taon." Patuloy niya.
Mas lalo akong nawalan ng mga salitang dapat sabihin. Natameme na ako. Lintek, dumodoble yata ang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa kaba. Ano bang sinasabi niya?
"What... what do you mean? Ipinagdasal mo na magkaharap tayo ULIT? I don't..." Naguguluhang salita ko na sa kaniya. At ng maapuhap ko sa isip ko ang isang ideya na nabuo sa utak ko, napaayos ako ng tayo at mas napatitig ako sa kaniya. "Don't tell me na totoo 'tong naiisip ko ngayon? 'Wag mo sabihin sa akin na ikaw si..."
Kaagad naman siyang tumango-tango habang nakangiti pa rin. Tumango siya? It means...
"Yes, ako nga. Ang kaibigan ni Ale na si Pepe." Diretsahang sagot na niya sa akin.
What the——!! Siya talaga? Si Phil... siya si Pepe?
Mas lalong nangunot ang noo ko. Dahil sa pagpapakilala niya sa akin ngayon, nagbalik lang 'yong galit at mga hinanakit ko sa kaniya.
Sinamaan ko siya ng tingin at saka ako napailing-iling. Nakita ko na unti-unting nawawala ang ngiti niya dahil sa pagkadismaya na ipinapakita ko sa kaniya ngayon. Eh, bakit ba kasi siya ngiti nang ngiti? Akala ba niya natutuwa ako na nandito na siya ulit? Pwes, hindi!
Agad-agad ko siyang tinalikuran at mabilisan akong naglakad paalis. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ni Phil at ni Lia pero hindi ko 'yon pinansin. Ang gusto ko lang ngayon, makaalis muna sa lugar na ito. Ayoko siyang makita.
Kaagad kong hinagilap ang kinapaparadahan ng kotse ko. Pero nang bubuksan ko na sana ito para makasakay na ako kaagad, may bigla namang humawak sa braso ko kaya ako napatigil.
"Bakit ka aalis kaagad? Kadarating mo lang, ah?" Tanong pa niya sa akin.
Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Kaya nga ako aalis, eh. Dahil nandito ka." Sa inis ko, napaayos ako ng tayo at mataman ko pa siyang tinitigan. "Wow, hindi ko akalain na ikaw pala si Pepe? Kilala mo na pala ako bago pa tayo magkita? So, ano 'yon? 'Yong pagtulong mo sa akin noong lasing ko, 'yong pagpilit mo na makasundo ako, at 'yong sadyang pagkuha mo sa akin sa music video project mo, ano 'yon? Plano mo lang ba lahat ng 'yon para lang madali kang mapalapit sa akin? Tapos sinadya mong hindi magpakilala sa akin kung sino ka talaga. Bakit? Dahil alam mong may kasalanan ka sa akin, ganoon ba?" Sita ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomansAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...