Chapter 35
(Part 2)"LET ME GO! Kuya, ano ba?!" Pagpupumiglas ko kay Kuya nang mapagtanto ko na nasa sala na kami ngayon ng mansion at malayo na sa mga tao. Nagawa ko namang bawiin ang pagkakahila niya sa braso ko kaya napahinto na kami.
"Ano bang pumasok sa isip mo at nag-eskandalo ka ng ganoon doon, ha? Hindi mo ba alam na pinagbubulungan ka na ng mga bisita natin? Ano ka ba naman?!" Inis na sita niya ulit sa akin.
"Bakit ako ang sinisisi mo? Bakit hindi mo tanungin iyong gagong lalaki na iyon na bigla na lang akong hinipuan, ha?! Anong gusto mong gawin ko, Kuya? Hayaan na lang? Fuck, no!" Galit na giit ko naman sa kaniya.
"Eh, di sana sinabi mo na lang sa akin kaysa naman gumawa ka pa ng ganoong eksena! Lagot ka na naman kina Papa, eh!"
Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Ano kamo? Dapat sinabi ko muna sa iyo? Dapat nagsumbong muna ako sa iyo? Huh! Ano ako? Bata?! At saka busyng-busy ka roon sa kausap niyo, nakakahiya namang mangdistorbo sa inyo! Saka bagay lang sa gagong iyon ang eskandalong ginawa ko! He's an asshole, fucker--"
"STOP CURSING!" Pagpapahinto niya ulit sa akin at saka ako binigyan ng masamang tingin. "Iba ka na talaga! Kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan, ha?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Sarcastic na napatawa naman ako dahil sa tanong niyang iyon. "Tinatanong mo kung kailan pa? Huh! Ma--"
"LOVELY!"
And this time, ibang galit na boses naman ang nakapagpahinto sa akin ngayon. Nakita ko ang galit na si Papa kasama si Mama at papalapit na rin sila sa amin ngayon. Napaiwas ako ng tingin. Oh, yes! In-expect ko nang mangyayari ito.
"What did you do, ha? Bakit ka nag-eskandalo ng ganoon doon?! At bakit iyong anak pa ni Mr. Valenzuela ang ginanoon mo?! Look what you've done, pinag-uusapan ka tuloy ngayon ng mga bisita natin! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Ano ka ba naman?!" Galit na galit na sita nga nito sa akin nang tuluyan na kaming malapitan.
Bigla akong napaangat ulit ng tingin dito ng nakakunot ang aking noo. Saka ako napangisi na lang. "Tsh, kahihiyan? At talagang iyong kahihiyan niyo pa ang mas inalala niyo, ha? WOW! Eh, paano naman daw iyong kahihiyan ko sa ginawa ng gagong lalaking iyon?! Binastos niya ako, hinipuan niya ako! Ako iyong minanyak ng taong iyon. Bakit ako pa ang lumalabas na masama rito?!" Inis na sumbat ko sa kanila.
"Sana ipinaalam mo na lang sa amin kaysa gumawa ka pa ng ganoong eskandalo!"
Naiiritang napakamot na akong sa batok ko. "Dapat ipinaalam ko muna sa inyo? FUCK! Bibigyan niyo kaya ako ng atensiyon kung sakaling iyon nga ang ginawa ko? Baka nga kung iyon ang ginawa ko, baka ang sabihin niyo lang sa akin, 'Hayaan mo na, palagpasin mo na lang. Importanteng bisita natin sila.' O, di kaya, 'Kalimutan mo na lang, wala namang nawala sa iyo.'! Tama ako, di ba? Kasi mas mahalaga ang ibang tao sa inyo kaysa sa akin na anak niyo!" Tuloy-tuloy na sumbat ko sa kanila. Feeling ko, may isang damdamin akong biglang naramdaman sa dibdib ko na para bang bigla itong kumonekta sa mga mata ko. Kaya ngayon pakiramdam ko, parang may isang bagay na gustong umahon mula rito dahil sa emosyong iyon pero pinipigilan ko lang.
Nakita ko iyong gulat sa hitsura nila marahil dahil sa mga salitang sinabi ko. Idagdag pa iyong murang binitawan ko. Nagulat siguro sila dahil ngayon lang naman kasi nila ako narinig na magbitaw ng ganoong klaseng salita.
"Lovely!" Saway naman sa akin ni Kuya.
Kaya napalingon ako sa kaniya dahil doon pero ibinalik ko naman ulit ang tingin ko sa mga magulang namin. "Totoo naman, di ba? Mas iintindihin niyo ang ibang tao kaysa sa akin na ANAK niyo! Mas iintindihin niyo ang reputasyon niyo kaysa sa nararamdaman ko! Katulad na lang ng ipinaparamdam niyo sa akin ngayon. Kasi kahit kailan, wala akong halaga sa inyo! Wala lang ako para sa inyo! At wala kayong kwenta dahil doon!" Dagdag ko pa.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...