Chapter 54 (Part 2)

118 4 0
                                    

Chapter 54
(Part 2)

"HAPPY BIRTHDAY, LOVELY!" at muling umikot ang tingin ko sa kanilang lahat ng sabay-sabay nilang sabihin sa akin 'yon at pagkatapos ay pumalakpak sila. Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko pa rin alam kung totoo ba ang lahat ng nangyayaring 'to.

"Happy Birthday, Anak!" At nalipat lang muli ang tingin ko kina Mama at Papa nang biglang banggitin ni Mama 'yon ngayong nasa harap ko na talaga sila.

"Blow your candle na and make a wish!" Ani naman ni Papa, saka nito inilahad sa harap ko ang hawak nitong cake habang nakangiti pa rin.

Nagpalipat-lipat lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa, baka kasi namamalik-mata lang ako at mamaya ay mawala lang din sila kaagad sa paningin ko. Kaya naghintay ako ng ilang segundo pero wala, eh. Ganoon pa rin sila, walang nagbabago.

Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, kaagad na akong napayuko at napahagulgol na dahil sa kakaibang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Lord! Kung panaginip lang ito, gisingin niyo na po ako, o. Ayoko na po kasing umasa pa na mangyayari pa talaga ang ganitong tagpo sa buhay ko.

Ilang sandali ay naramdaman ko na may isang kamay nang humahagod sa likod ko para patahanin ako. Kaya muli akong natalima at nag-angat ng tingin sa kanila, sumalubong naman sa akin ang nakangiting mukha ni Kuya at nina Papa. God! They're real! This is real!

"'Wag ka nang umiyak, li'l sis! Birthday na birthday mo, o! Akala ko ba ayaw mong pumapangit? Kaya tumahan ka na d'yan dahil malakas makapangit 'yan!" Ani ni Kuya sa akin malaunan sabay tawa naman ng mga tao sa paligid namin.

Ako naman, parang wala pa rin. Hindi ko kasi alam ang tamang reaksiyon na gagawin ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayari ito ngayon.

Muling nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo habang patuloy pa rin ang pag-iyak at paghikbi ko sa harapan nila.

"T-Totoo ba talaga 'to? H-Hindi lang ba ako nananaginip?" Humihikbing tanong ko sa kanila. Muli akong yumuko at pumikit ng mariin. "P-Please, g-gisingin niyo na ako kung panaginip lang 'to. A-Ayoko na... ayoko na kasing umaasa. P-Please..." halos pabulong na pakiusap ko sa kawalan.

Ngayon naman ay naramdaman ko na hinawakan ng mga kamay ng isa sa kanila ang magkabilang mukha ko, at saka nito iniangat ang tingin ko sa kanila. Hanggang sa ang mukha naman ni Mama ang bumungad sa akin. Siya pala.

"No, anak. You're not dreaming. Kami talaga 'tong kaharap mo ngayon. Alam kong mahihirapan ka talagang paniwalaan na gawin namin ito para sa 'yo ngayon, pero na-realize na kasi namin ang malaking kamalian at pagkukulang na nagawa namin sa 'yo ng Papa mo. And we are very sorry sa lahat ng mga pagkukulang namin sa 'yo. I'm so sorry, Lovely." Seryosong ani ni Mama na ngayo'y mukhang maluluha na rin. At saka nito pinahirapan ang mga luhang patuloy na lumalandas sa mga pisngi ko.

"Totoo ang sinabi ng Mama mo, Anak. Sorry talaga sa lahat ng pagkukulang na nagawa namin sa inyong magkapatid. Sa kawalan ng pansin namin sa inyo, lalo na sa 'yo, I'm sorry. Sa napakaraming taon na nagawa namin 'yon sa 'yo, sorry talaga, Anak." Ani naman ni Papa na seryoso na rin talaga.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Sa maraming taon na pambabalewala na naiparamdam namin sa 'yo ng Papa mo, kung lagi ka na lang naming napapagalitan sa halos lahat ng nagawa mo, at kung hindi man namin naiparamdam ng buo sa 'yo ang pagmamahal na inaasahan mo mula sa amin... sorry talaga, Anak.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon