Chapter 44
NAGISING ako dahil sa isang katok na nagmula sa pintuan nitong kwarto ko. Napamulat kaagad ako ng mata dahil doon.
Nag-unat-unat muna ako bago ako tuluyang bumangon mula sa kama at magtungo sa pinto para pagbuksan ang kung sino man na kumakatok na 'yon.
"Manang Fel?" Wika ko ng mabungaran ko ito pagbukas ko ng pinto ko.
"Pasensiya na, Hija, kung nadistorbo ko man ang tulog mo, ha? Eh, kasi may tao d'yan ngayon sa sala. Ikaw ang hinahanap." Ani nito sa akin.
Napakunot ang noo ko. "May iba pong tao? Hinahanap ako? Bakit daw po?" Sunod-sunod na tanong ko naman dito.
Nagkibit-balikat kaagad ito. "Hindi ko alam, eh. Hindi ko rin naman nalaman ang pangalan. Pero, parang pamilyar din siya amin. Hindi ko lang maapuhap sa isip ko 'yong pangalan. Babain mo na lang ng makita mo siya."
Sino naman ang bibisita sa akin ngayon ng ganito kaaga?
Imposible namang si Icee? Hindi pa nga ako kino-contact n'ong babaeng 'yon hanggang ngayon, eh. Ano 'yon? Nagpunta na naman siya rito ng walang pasabi? Psh.
"Sige po, Manang Fel. Bababa na po ako." Salita ko na lang dito.
"O sige, Hija." 'Yon na lang ang sinabi nito. Tinalikuran na nga ako nito at bumaba na ulit. Ako naman, nagtatakhang pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ko.
Sa banyo ko ako dumiretso. Naghilamos lang ako at nag-toothbrush sandali. After ko roon, lumabas na rin ako ng kwarto ko para babain na 'yong sinasabi ni Manang Fel.
Nasa iilang baitang pa lang ako ng hagdan pababa, nakikita ko na kung sino 'yong mga tao ngayon sa sala. Si Kristoff lang ang naliwanagan sa paningin ko dahil nakaupo siya ngayon paharap sa direksyon ko. Seryosong nakatitig siya sa kaharap niya ngayong lalaki, na mukhang 'yon yata ang tinutukoy ni Manang Fel na bisita ko raw dahil silang dalawa lang naman ang naroon ngayon.
Napahinto ako n'ong nandoon na ako sa harap nila mismo. Nauna akong nagtapon ng tingin kay Kristoff, nagtatakha pa rin ako. Nang mapansin na niya ako, nag-angat siya kaagad ng tingin sa akin.
"Ah, gising ka na pala. Ito kasi, may——"
"Oh! Good Morning, Al——I mean, Lovely." Singit namang bati sa akin n'ong lalaking kaharap niya.
Doon na ako naglipat ng tingin dito, para na rin makilala ko na ito. Pero ganoon na lang kaagad nawala ang pagkakakunot ng noo ko at napalitan 'yon ng pagkainis nang makikilala ko na kung sino ito. Nakangiti pa ito sa akin.
"Phil? Ano'ng ginagawa mo rito? Paano mong..." Nagtatakha at may himig-pagkairitang tanong ko na rito.
"May napagtanungan lang ako. Gusto lang kasi kitang makita kaya sinadya na kita rito." Ani nito na talagang confident pang sumagot. Hindi ba niya maramdaman na ayoko ko siyang makita?!
Sasagot pa sana ulit ako nang mapansin ko na nandito pa nga rin pala si Kristoff sa harap namin, halatang naguguluhan siya sa kung sino ba ang lalaking ito at kung bakit ganito ako makipag-usap dito. Wala naman akong balak na ipakilala sila sa isa't isa, lalo na 'tong Phil na 'to. Kung sino man siya sa buhay ko. Kaya tinapunan ko ulit siya ng tingin ngunit makahulugan na ngayon.
"A-Ah, maiwan ko na muna kayo rito." Paalam naman niya malaunan na para bang na-gets niya agad ang nais kong iparating. Kaya tumayo na kaagad siya at lumakad paalis.
Nang makita kong nakapasok na si Kristoff sa dining room, ibinalik ko ang tingin ko kay Phil. Still, masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Hindi pa nga rin ako nauupo dahil gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi siya welcome rito. Nag-cross arms pa ako sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...