Chapter 11
"WHY are you here?!" Tanong ko sa kinaiinisan kong tao na hindi ko alam kung bakit nandito ngayon. Naniningkit pa rin ang mga mata ko na nakatitig dito.
Hindi ito sumagot. Instead, nag-iwas lang ito ng tingin. Napakunot ang noo ko dahil sa iginawi niyang 'yon.
Sina Mama, Papa, Kuya at ang mag-asawang kasama nito ay nagpalipat-lipat lang ang tingin sa'ming dalawa. Siguro naguguluhan sila dahil sa inaakto namin ngayon.
"Wait. Magkakilala na kayo?" Nakangiting tanong naman na ni Kuya.
Automatic na nalipat ang tingin ko kay Kuya nang sabihin niya 'yon. Then, I answered him, "No!" Pero nagsabay na naman kaming dalawa sa pagsagot no'n. Kaya naglipat ulit ako ng isang masamang tingin sa kanya dahil do'n. At aba, sinasamaan niya rin ako ng tingin ngayon!
I heard Kuya chuckled. "Mukhang hindi nga." He commented. Nag-iwas na ako ng tingin sa lalaking 'yon at napairap na lang ng marinig kong sabihin ni Kuya 'yon.
"Okay, enough. Lovely, please act properly. They are our guest." Sita naman na sa'kin ni Papa. Napasunod na lang ako rito dahil sa tono ng boses na ibinigay sa'kin nito.
"I'm sorry." Walang gana na panghihingi ko naman ng dispensa. Pero hindi ako nakatingin sa mga ito, na bisita raw, nang sabihin ko 'yon.
"Okay. Sabi niyo, hindi niyo pa nakilala ang isa't isa, right? Well, ipakikilala ko kayo sa isa't isa. Pero maupo na muna tayo, Kumpadre!" Papa said.
Nagsisunod naman sila kay Papa para nga maupo. Ako, nagpahuli ako bago sumunod sa kanila. I secretly rolled my eyes bago ako tuluyang na upo sa tabi ni Kuya.
"Ipakilala na muna natin sila sa isa't isa. Hijo, this is my daughter, Lovely." Umpisa na nga ni Papa. "And, Lovely, this is Kristoff Suarez. Your fiancee." Dagdag nito.
Kaagad na nag-angat ako ng tingin kay Papa when he said that. Napatayo ulit ako. "What?! 'Yan? 'Yang lalaking 'yan? Seryoso ba kayo, Papa?!" Shocked na react ko at dinuro-duro ko pa ito. Si Mr. Sungit na wagas makapangaral ang pakakasalan ko?! At siya pala 'yong Kristoff Suarez? Na mula nung umuwi ulit ako rito sa Pilipinas, eh madalas ko nang naririnig ang pangalan na 'yon. Pero wala akong pakialam! Huh! No way!
Nagkatinginan sila sa bawat isa, siguro nawe-weirdohan na sila sa'kin kaya gano'n. Paanong hindi ako magre-react ng ganito? Sabihin ba naman nila na 'yang lalaking 'yan, si Mr. Sungit na wagas makapangaral, ang fiancee ko?! 'Yang taong kinaiinisan ko ang mapapangasawa ko? Talaga nga naman, oh! Saka, bakit ganyan lang ang reaction ng lalaking 'yan? Nakatahimik siya at nag-iwas ng tingin sa'kin. Alam na ba niya agad na ako ang ipakakasal sa kanya?
"Mamaya na natin ipagpatuloy ang kwentuhan, Kumare... Kumpadre. Let's eat first. Or, sabayan natin ng kwentuhan ang pagkain natin!" Anyaya naman na ni Mama.
Tumayo na si Papa. "Mabuti pa nga. Come on, magsikain na tayo." Nakangiting sang-ayon naman nito.
Nagsitayo na nga rin kami, pero pinili kong magpahuli sa kanila papunta do'n. Tititigan ko sana ulit ng masama si Kristoff... daw ang pangalan. Kaso, parang wala lang na dinaanan lang ako nito. Na parang wala lang ako sa harap niya. Aba't--!
Sa table, si Papa ang naupo sa center. Sa right side naupo ang family nila Kristoff. At kami naman nina Mama at Kuya, sa left side. Tsh, katapat ko pa si fiancee ko. Don't forget to insert sarcasm there.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...