Chapter 53

128 6 1
                                    

Chapter 53

(HELLO, Lovely? Nasaan ka ba? Kanina pa kita tinatawagan simula nang mawala kayo ni Kristoff doon sa presscon, pero hindi ka naman sumasagot?!) Ani ni Icee pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag niya.

"Nandito ako sa harap ng pinto ng unit mo. Pagbuksan mo ko." Walang ganang sagot ko sa kaniya. Totoo naman, nandito nga ako sa harap ng unit niya kanina pa. Iniisip ko pa nga kung tama ba na sa kaniya ako lumapit ngayon. Wala kasi akong maisip na ibang pwedeng malapitan. Ayoko naman sa mansion, hindi pa kami okay ng mga tao roon.

(Ano?!) React niya. (Kanina ka pa ba d'yan? Okay, t-teka lang, ha?)

At hindi nga nagtagal ay pinagbuksan na nga niya ako ng pinto. "Ano ka ba? Ano bang nangyari sa 'yo, ha?" Nag-aalalang tanong niya na naman sa akin.

Hindi ko siya sinagot, binulsa ko na muna ang phone ko at nagdiretso pasok na lang ako sa loob ng unit niya. Pakiramdam ko, ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Kaya kaagad kong hinagilap ang sala niya at kaagad na rin akong naupo sa couch doon para ma-relax ang sarili ko.

"Wow! First time 'to, ah? 'Yong ganito, 'yong bigla kang pupunta sa bahay ko na para bang ang bigat-bigat ng problema mo. Anong nakain mo ngayon?" Nakangising sita niya sa akin, at the same time, naguguluhan.

Saglit ko siyang tinapunan ng tingin pero malaunan ay napasandal na lang ako sa headrest ng couch niya at napahilot sa noo ko. "Wala na akong maisip na ibang pwede kong puntahan, eh. Pero sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo akong narito ngayon, Manager. Pwede naman akong umalis din kaagad." Wika ko sa kaniya.

"Ah, sus! Ngayon pa ba kita ipagtatabuyan? Eh, ngayon ko nga lang naranasan 'to sa 'yo." Naramdaman ko na naupo na siya sa katapat kong couch. "So, now tell me. Ano ngang nangyari sa inyo kanina? Saan kayo nagpunta at bigla na lang kayong nawala after ng pag-amin ni Kristoff sa media about sa pagpapakasal niyo?" Ani niya pa.

Hindi sana ako ulit mag-aangat ng tingin sa kaniya, nang bigla ko namang narinig ang balita sa TV na nakakuha ng atensiyon ko. Kaya bigla na akong natutok doon.

"Matapos ang ginawang paglalahad ng isang sikat na young businessman dito sa bansa na si Mr. Kristoff Suarez, sa di-umanong pagiging mag-asawa nila ng sikat na supermodel na si Lovely Lopez, hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang impormasyon ang media patungkol sa buong detalye ng issue na 'yon. Masasabi na lahat ay talagang nagulat dahil sa balitang 'yon dahil hindi inaasahan ng lahat ang bagay na 'yon.

Ngayon ay kalat na kalat na rin sa social media internationally ang tungkol sa issue na 'yon, lalo na sa pagkakaalam ngayon ng lahat na kasal na pala ang sikat na supermodel. Ang tanong, ano nga kaya ang totoong kwento sa pagpapakasal ng dalawa gayong wala namang naging balita na nag-date o nagkakilala man lang ang dalawa dati?"

Naputol lang ang pagtutok ko sa balitang 'yon ng bigla nang patayin ni Icee ang TV. "So, ngayon napanood mo na kung gaano ka mas lalong sumikat ngayon dahil sa issue na 'yon? 'Yan ang pino-problema mo, di ba? Hayaan mo, mas doble ang dating ng problemang 'yan sa akin pero susubukan kong gawan ng paraan na mawala ang issueng 'yan. 'Wag ka na munang mag-o-open ng kahit na anong social media accounts ngayon dahil magugulantang ka lang sa kanila." Ani niya.

"Alam ko, inaasahan ko na rin naman na ganyan talaga ang mangyayari once na maisiwalat na ang balitang 'yon, lalo na sa media." I took a sigh. "Pero hindi ko lang akalain na kung kailan ako hindi handa, saka darating sa akin ang ganito. Nakisabay pa sa personal issues ko, My God!" Tila nahihirapang saad ko sa kaniya. Tsk!

"Pero isantabi mo muna 'yang about sa issue na 'yan. Siguro naman si Kristoff hindi na siya naaapektuhan sa pagputakte sa inyo ng media ngayon dahil first of all, siya ang may gustong isiwalat 'yon sa kanila." Ani ni Icee. "Ngayon, pwede bang ipaalam mo na sa akin kung ano na ang nangyayari sa inyo ngayon? Bakit daw naisipan ni Kristoff na aminin na ang totoo sa lahat?" Dagdag pa niya malaunan.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon