Chapter 10

188 6 0
                                    

Chapter 10

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Haist! Sinong loko ang naghawi ng kurtina rito sa kwarto ko?!

Kunot-noong sinasangga ko ang sinag nito sa mukha ko. Nakakainis naman, eh! Ang sarap-sarap kaya ng tulog ko!

Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko habang unti-unti akong bumabangon at naupo sa kama.

"Oh My——Gosh! Ang sakit ng ulo ko! Argh!" Automatic na daing ko sa sarili ko nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Kaya napahilot agad ako sa sentido ko. Grabe, akala mo binibiyak ang ulo ko sa sakit! "Damn you, Hangover!" Dagdag ko pa. Ngayon ko pinagsisisihan ang pag-inom ko kagabi.

Marahan kong idinilat ang mga mata ko para hagilapin kung nasaan ang cellphone ko. I saw it placed on the bed side table. Aabutin ko na sana ito kaya lang bigla akong napahinto.

May napansin ako. Kaya iginala ko ang paningin ko sa loob ng kwartong ito. Napakunot ang noo ko. Teka, parang may nag-iba sa kwarto ko, ah?

"Oh My——Shit!" Nanlalaki ang mga mata na react ko bigla. Alam kong walang magbabago sa kwarto ko dahil wala naman akong pinapabago do'n. Saka ko narealize... Gosh! Hindi ko kwarto 'to?! Oh My! N—Nasaan ako?!

Kaagad kong tinignan ang sarili ko sa ilalim ng kumot, nakadamit pa naman ako. Pinakiramdaman at kinapa-kapa ko naman ang sarili ko, wala namang kakaiba. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba na bahid ng... ano ng... basta, gets niyo na 'yon! Kaya, I sighed because of relief.

Pilit kong inaalala ang nangyari sa'kin kagabi. Ang natatandaan ko lang, uminom ako mag-isa kagabi. Oo, may lumapit sa'kin na lalaki pero hindi ko nakilala. Tapos may umalalay sa'kin. Tapos... Ang tanong, sino ang lalaking 'yon? Sa kanya kaya 'tong kwartong 'to? Bakit——

At natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto nitong kwarto.

"Oh, buti naman gising ka na?" Nakangiting tanong ng isang lalaki na biglang dumungaw pagbukas ng pinto.

Napakunot ang noo ko at naniningkit ang mga mata ko nang tignan ko ito. "Who are you?!" I asked. Kaso, nasobrahan yata ako sa react. Napahilot ulit ako sa noo ko dahil naramdaman ko na naman ang sakit. This is shit!

"Let's go outside, nag-ready ako ng drinks pampawala ng hangover mo." Salita ulit nito.

Kunot-noo pa rin ako ng tignan ko ulit 'to. Bakit ba siya ngiti nang ngiti?! Natutuwa ba siya na nakikita akong nagsa-suffer dahil sa hangover?! Saka, nakaka-bothered kasi 'yong ngiti niya, eh. Singkit pa siya kaya nakikisabay 'yong mata niya kapag ngumingiti siya. 'Yong eye smile niya, eh... Ang cute! Lol.

Lumapit ito sa'kin at biglang naglahad ng kamay sa harap ko. "What's that for?" Naiinis na tanong ko rito.

"I'll help you to get up, aalalayan ulit kita. Mukhang nahihirapan ka pa, eh." Sagot nito.

Hindi ako sumagot, I just stared at him while my brows are still creased. I simply scanned him from head to toe for a minute. Napansin kong nangisi ito ng bahagya at napapailing, dahil siguro sa iginawi ko. Eh, bakit ba? Hindi ko siya kilala, eh!

Hindi ko tinanggap ang pagkakalahad ng kamay niya sa'kin. "No need, I can manage myself." At pinilit ko na lang tumayo mag-isa. Nauna na akong lumabas sa kanya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon