Chapter 19
"HINDI ko in-expect na si Jessica Tan pala ang tinutukoy nila na makakasama mo sa pagco-cover ng magazine nila. I mean, sa isang rising fashion model ka isinama. But, tama nga naman sila. Jessica is really a good fashion model, marami na nga raw talaga ang kumukuha sa kanya." Said Icee.
Nasa isang exclusive restaurant kami ngayon. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng contract signing kanina, umalis kami kaagad dahil nagdahilan siya na hindi namin kailangang magtagal pa doon. At heto nga, dito niya ako niyaya para mag-lunch.
I sipped in to my red tea and I nod my head. It means, I agree of what she have said. "Mukha nga. Giliw na giliw rin sina Mr. Dela Vega sa kanya, eh." I said.
"Mahusay naman kasi talaga yon si Jessica, idagdag mo pa na ang bait niya. Yung manager lang talaga niya ang hindi." Salita niya ulit, pero parang may halong pagkairita sa last sentence na sinabi niya.
And I looked at her because of that. "Why? Anong meron sa inyo nung manager niya na yon at nasasabi mo yan, ha? Mukhang bitter ang tono mo, eh." Nangingiting tanong ko sa kanya.
She rolled her eyes first. "Hindi naman ako bitter sa babaeng yon, 'no? Sadyang naiinis pa rin talaga ako sa kanya hanggang ngayon." Giit niya. Then, she started to eat her food.
"Eh, bakit nga?" Pangungulit ko naman.
Huminto siya sa pagkain at tumingin ulit sa'kin. "Okay. Ikukwento ko sa'yo kung bakit." Uminom muna siya sa iced tea niya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Malaki kasi ang pagkaka-insecure sakin ng babaeng yon mula pa noon! Nakikipagkompetensya siya sakin noon, at inagawan pa niya ako ng boyfriend!" Himutok niya na mukha talagang kinaiinisan ang manager ni Jessica.
Bahagya naman akong natawa at napapailing sa kanya dahil do'n. "Ah, kaya naman pala. Hanggang ngayon ba naman bitter ka do'n sa tao? Move on, Manager!" Komento ko sa kanya.
"Hoy! Matagal na kong moved on, 'no! Napakatagal na no'n, college pa ko. Kahit pa hanggang ngayon ay maging sila, I DON'T CARE! Magsama sila 'no! Saka, may bago ako ngayon, eh." React niya. Na bigla namang parang kinilig-kilig nang sabihin niya ang last sentence ulit niyang sinabi.
Napakunot naman ang noo ko. Inspired pala ngayon ang loka? "Oh. So, kaya pala napapansin ko na madalas mo nang kalikutin 'yang cellphone mo? Pangiti-ngiti ka pa na parang aso, eh!" Mapang-asar na komento ko sa kanya. Mas natawa pa ako dahil napanguso siya sa sinabi ko.
"Mukhang aso talaga? Psh," Inirapan niya ko. Pero kaagad niyang ibinalik ang kinikilig expression niya. And honestly, she looks eng-eng because of that. "Ayoko munang sabihin sa'yo kung sino." Dagdag pa niya.
I rolled my eyes. As if naman may paki ako sa lalaki niya. "Whatever, Icee!" React ko na lang. At inumpisahan ko na ring kainin ang food na in-order ko.
"By the way, mabalik tayo kay Jessica. Ayos lang ba talaga sa'yo na makasama mo siya sa pagco-cover ng magazine? Eh di ba, ex siya ni Kristoff?" Biglang salita ulit niya. Kaya napataas naman ulit ang tingin ko sa kanya.
Itatanong ko sana sa kanya na 'How did you know?' Kaso saka ko napagtanto na 'Oo nga pala, ano pa ba ang naitatago sa media ngayon? Knowing na sikat na businessman si Kristoff, at sumisikat na fashion model si Jessica.'
"Okay lang naman sakin. Saka, ano naman sakin kung EX siya ni Kristoff? Paki ko ba! Trabaho naman ang pagsasamahan namin. So, go!" Giit ko sa kanya.
Napatango-tango siya. "Sa bagay, oo nga naman. Wala ka nga palang paki kahit na EX yon ng asawa mo." She said. And I shot her a death glare because of that, sa pagsasabi niya ng katagang 'asawa'--Argh! "Oo na, hindi na. Hindi ko na babanggitin na--" Pinanlakihan ko naman siya ng mata this time to warn her through 'sige, ituloy mo!' look. "Okay. Tatahimik na talaga ako." Pagsunod naman niya. Buti naman pala at nadadala siya sa ganong tingin. HAHA! Parang hindi ko siya manager, eh 'no?
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...