Chapter 42
ANG aga kong naayos ang ilang gamit ko na dinala rito ni Kristoff para sa akin. Naupo na lang muna ulit ako sa kama ko pagkatapos.
Ngayong araw na kasi ang balik namin sa Manila, last day na namin 'yong kahapon. Enjoy na enjoy naman at sulit, lalo na kagabi.
Pero kagabi rin, honestly, hindi ako nakatulog ng maayos at kaya ang aga ko tuloy nagising ngayon. Kaya nga napagpasyahan ko na lang na mag-ayos ng gamit ng maaga.
Isa lang naman ang dahilan. Hindi mawala-wala sa isip ko 'yong halikan namin ni Kristoff sa gitna ng dance floor kagabi! Tapos, after n'on, nag-act na lang ako na para bang wala lang sa akin 'yon. Pero sa totoo lang, HINDI! Mabuti na lang talaga hindi niya nahalata na masiyado akong naapektuhan dahil sa nangyari na 'yon between us.
Shitness 'yon, oo! Nagpa-replay-replay pa nga sa utak ko 'yon, eh. Kasabay rin n'on 'yong mga salitang sinabi niya sa akin na nagpapaulit-ulit naman sa pandinig ko. Na hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa utak ko kung bakit niya kailangan sabihin sa akin 'yon.
"please... let me guide and fix you while you are here by my side. I am willing to protect you and bring back your old and true side."
Parang ewan 'yon. Ano kaya ang sumapi sa kaniya at nasabi niya 'yon kagabi? Psh. Gusto ko sanang i-sa walang bahala na lang 'yon, eh. Pero bawat minuto naman siyang sumisingit sa isip ko, nakakainis!
Napahiga na lang ulit ako at napapikit habang nakahimas sa ulo ko. Feeling ko, mababaliw na talaga ako sa nangyayari sa sarili ko ngayon. Sa mga bagong tao na pumasok sa buhay ko ngayon, sila lang ang gumawa sa akin ng ganito. Dahil lang sa isang simpleng halik nila, bigla akong nagkakaganito? Ang shit lang, eh! Hinding-hindi ako ganito!
Bigla naman akong napadilat ulit at napabalikwas agad ng bangon nang may biglang kumatok sa pinto.
Si Kristoff kaya 'yan?
Aish! Si Kristoff agad? Purkit may kumatok, dapat siya na agad?
Eh, malay mo! Eh, di ba, pauwi na kayo ngayon? Malay mo, gusto ka niyang paalalahanan para gumayak na. Ganern!
Pero paano ko naman kaya siya haharapin ng maayos kung maisip ko pa lang 'yong nangyari kagabi, eh, naiilang na ako?!
Eh, di act like nothing happen na lang ang peg mo! Doon ka naman magaling, di ba?
Napaisip ako. Hmm? Oo nga 'no?
Pero teka! Damdamin ko ang kalaban ko, takte! Magawa ko pa rin kayang mai-sa walang bahala ito this time? Aish!
Naalarma ulit ako at napatingin sa gawi ng pinto ng may kumatok ulit doon. Napapikit na lang ako at nagpakawala ng isang buntong hininga para ma-compose ang sarili ko.
Kaya mo 'yan, Lovely! Haler! Si Kristoff lang 'yan, ano ba?!
Napatango-tango na lang ako sa sarili ko. Tama, tama! Kaya tumayo na ako mula sa higaan at lumapit na sa pinto para pagbuksan 'yon.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto hanggang sa bumungad na sa akin 'yong taong kumakatok dito.
Nawala naman 'yong kabog ng dibdib ko at 'yong kabang iniisip ko kanina nang makita kong hindi naman pala si Kristoff ang kumakatok. Napaayos pa ako ng tayo.
Ayan, assume pa more! Purkit ba kasi may kumatok, dapat, si Kristoff agad? 'Wag ganoon! Tsk, tsk.
Aish, shut up! Oo na! Tsh. Eh, malay ko ba kasi, ha? Kainis.
"Good Morning, Ma'am Lovely!" Nakangiting bati sa akin ni Claire. Nakaka-good vibes talagang tignan ang ngiti ng babaeng 'to, kaya napangiti rin kaagad ako. "Pinapatawag na po kayo ni Nanay sa baba, mag-umagahan na raw po kayo. Pinasabi raw po kasi ni Sir Kristoff kanina na kailangan naming agahan sa pagluluto para sa inyo dahil maaga raw po ang alis niyo." Ani nito.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...