Chapter 32

139 6 0
                                    

Chapter 32

KAHIT gaano kasarap ang mga pagkain na nakahain ngayon sa harap namin at kahit grabe na ang pagtatakam ko sa mga ito, hindi ko naman magawang maibaling sa mga pagkaing 'to ang focus at pansin ko. Dahil naaagaw ng mga taong kasalo ko sa mesa ngayon ang pansin ko.

Oo, kumakain pa rin naman ako. Pero pwera sa hindi ako makakain ng sobra-sobra ngayon dahil nahihiya akong ipakita sa kanila ang ganoong side ko, mula pa kasi kanina ay mataman ko lang silang pinagmamasdan at pinakikiramdaman.

Tuloy ang kwentuhan nila habang kumakain kami, halatang masaya sila. Ilang beses nilang isinisingit ang pagtatanong sa akin pero tipid na sagot at ngiti lang ang naisasagot ko sa kanila.

Isa lang ang dahilan, dahil nahihiya na na-aawkwardan ako sa kanila. Pero gayunpaman, kahit na ganito ang feeling ko sa kanila, ang sarap talaga nilang pagmasdan.

'Yong masaya at paiba-iba ang topic ng usapan nila at masaya ang kwentuhan nila, nakakainggit talaga. Eh, ganito naman kasi talaga ang tunay na PAMILYA, di ba? Sa mansion kasi mananawa kang makasama ang mga tao roon, dahil iisa lang ang topic ng pinag-uusapan nila.

Nagawi ang pansin ko kina Kristel at sa asawa nito na Jim pala ang pangalan. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala sila naka-attend noon sa kasal namin dahil kinailangan ni Kristel na magpatingin noon sa doctor dahil muntik na raw magdelikado ang pagbubuntis niya.

Ganoon din nga si Krisha, wala nga rin siya roon that time dahil on vacation siya, hindi na raw niya nagawang makauwi that time dahil nataon pa na na-delayed ang biyahe niya noong araw na 'yon. Kaya ayun, nang una ko silang makita at makilala, hindi ko talaga ine-expect ang lahat.

Ayon din sa kanilang mag-asawa, mag-iisang taon pa lang pala silang kasal. Tapos ngayon, magkakaanak na sila. Habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw nilang mag-asawa ngayon habang kumakain kami, kuntodo asikaso si Jim kay Kristel. Mahahalata mo talaga sa aura nila na in love na in love talaga sila sa isa't isa.

'Yan ang tunay na simbolo ng totoong mag-asawa. Ganyan ang karapat-dapat na relasyon ng dalawang tao na mauwi sa kasalan.

Pasimple na lang akong napayuko dahil sa mga naiisip ko.

Ano ba, Lovely! Bakit ba ang bitter mo?!

"You know what, Lovely? Nagtatakha talaga ako kung paanong nakuha ni Krisha ang pansin mo? Eh, ang kulit at ang daldal ng babaeng 'yan, eh! Ine-expect ko pa naman ay kabaligtaran sa nangyari." Ilang sandali lang ay tanong sa akin ni Kristel.

"Ano ba, Ate! Mabait naman kasi ako 'no!" Nakangusong depensa naman ni Krisha sa sarili niya.

"Oo, 'yong tipo ng pagiging mabait mo ay 'yong talagang napapasakit mo ang ulo nina Mama at Papa!" Ani ni Kristel. At natawa na lang kaming lahat dahil doon lalo pa nang mas lalong napabusangot si Krisha. "Pero alam mo, Lovely? Idol na idol ka talaga niyan. Dakilang stalker mo rin 'yan sa lahat ng social media accounts mo. Iba rin ang kabaliwan niyan sa 'yo, eh. Kaya rin siya ganyan sa 'yo dahil ngayon kasi nakakasama ka na niya."

Hindi ko naman napigilan na hindi mapangiti dahil sa sinabi nito. "Well, thank you kung ganoon." I said. "Ahmm, actually... kahit ganoon naman ang ugali niya, makulit at mabait, na-enjoy ko naman 'yon. Dahil pa nga roon kaya ako mas naging close sa kaniya, eh. Ang dali kasi niyang pakisamahan." Sagot ko naman sa tanong nito.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon