Chapter 54 (Part 1)

122 6 1
                                    

Chapter 54
(Part 2)

TATLONG araw lang akong nag-stay sa unit ni Icee. Actually, nagpalamig lang talaga ako at nagpahinga para man lang makatakas ng ilang sandali sa kaguluhang nangyayari sa buhay ko ngayon. At the same time, para makapag-isip din ako ng maayos.

Kasali na rin pala roon ang pagpapalamig ko sa media, hindi ko na lang kasi sila pinapansin, alam ko naman kasi na lilipas din ang mga walang sawang kaka-intriga nila sa buhay ng mga sikat!

After three days, bumalik na rin ako rito sa bahay namin. Okay na ko, klaro na sa akin ang lahat. Salamat kay Icee na ngayon ko lang nalaman, na bukod pala sa pagiging baliw na manager ko, may maitutulong din pala siya sa akin na malaking bagay kahit papaano. Kaya sa loob ng tatlong araw, napag-isipan ko na ang mga kailangan kong gawin. Buo na ang desisyon ko ngayon.

Pero nang makabalik ako sa bahay, wala naman akong nadatnan. Lalo na 'yong taong pinakaimportanteng dapat kong maka-usap, hindi ko naabutan. At ngayon nga, isang linggo na rin ang nakakaraan na ganoon ang tagpo namin dito sa bahay. Kaya napapaisip na naman tuloy ako; mukhang mali na naman ako ng desisyon, ah?

Pagdating ko rito, sina Manang Fel lang ang sumalubong sa akin. Actually, siya kaagad ang unang hinanap ko noong araw na bumalik ako rito, pero wala siya.

Sa sumunod pang mga araw, mas lumala na, hindi ko na kasi talaga siya naaabutan. Sa tuwing gigising ako sa umaga, nakaalis na siya. Sa gabi naman, gagabihin na ako ng tulog kakahintay sa kaniya, pero wala pa rin siya.

Ang pinakamalala pa nga sa ginawa ko ay 'yong buong gabi ko siyang hinintay hanggang sa mag-umaga, pero hindi naman siya umuwi. Sinubukan ko pa siyang tawagan kagabi kahit nag-aalinlangan ako, pero hindi niya naman ko sinasagot. Ilang beses akong nagbaka-sakali, pero wala talaga, eh.

Nagawa ko pa ngang tanungin sina Manang Fel kung dito pa ba nakatira si Kristoff. Ang sabi naman nila: oo raw, hindi ko lang daw talaga natitiyempuhan. Natawa tuloy ako dahil doon. Wow! Ang galing naman? Kailangan talaga na halos isang linggo ko siyang hindi matiyempuhan? Na pati pagtawag ko ay wala siyang sagot? Psh.

Hanggang sa sumuko na ako, hanggang sa magsawa na akong magpaulit-ulit, magbaka-sakali at maghintay sa kaniya. Kaya hinayaan ko na lang siya. Pero inis na inis talaga ako! Napakalabo talaga ng lalaking 'yon! Pabago-bago! Kaya naisip ko: Gagong 'yon! Sinayang pa ang panahon ko para mag-isip ng maayos!

Gising na ako para sa araw na ito. Actually, kanina pa. Sadyang tinatamad lang talaga ulit akong bumangon ngayon, lalo na sa kung anong okasyon ang meron ngayon sa buhay ko.

Well, today is my birthday. Akala niyo, kinalimutan ko na 'no? Psh. Sana nga ganoon na lang, eh. Pero sadyang tatak na yata sa atin na talagang maaalala at maaaala mo talaga ang araw kung kailan ka ipinanganak ng mga magulang mo kahit hindi ka naman naging importante sa mga ito.

Katulad ng mga taong lumipas, alam kong wala namang mahalagang bagay ang maaaring mangyayari sa akin sa araw na ito, eh. Ang birthday ay isang karaniwang araw na lang para sa akin. Kaya sa araw na ito, gagawin ko na lang ang nakasanayan ko, palilipasin ko na lang ang araw na ito. Palilipasin ko na lang ang panibagong taon na nadagdag sa buhay ko. Psh, wala namang problema dahil sanay na ko!

Nag-inat-inat ako mula sa pagkakahiga sa kama. Saka ko kinapa ang cellphone ko sa bed side table ng tamad na tamad.

Before I finally open my phone, may kaagad na bumungad sa akin na isang kapirasong papel na nakaipit sa case nito ang umagaw ng buong atensiyon ko. Kinuha ko ito mula roon at binasa. Ah, ito pala 'yong concert ticket ni Phil. Oo nga pala, ngayong gabi na nga rin pala 'yon.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon