Chapter 21

153 4 0
                                    

Chapter 21

"ANO ba 'yan? Ang bilis naman lumipas ng oras." Bulong ko sa sarili ko sabay pakawala ng malalim na hininga.

Magdadalawang oras na yata akong nandito sa terrace ng kwarto ko. Sinadya kong gumising ng maaga para makapag-isip ng mabuti. Gumising ako na medyo madilim pa ang paligid and I felt the morning breeze. Paanong hindi? Eh, 5:00 am palang n'on, eh. Pero pinili ko talaga na gumising ng ganoon kaaga dahil nakakarelax pa ang paligid para makapag-isip ako ng mabuti. Pero heto ngayon, tumataas na ang araw at painit na nang painit. Hayy, hindi naman na bago 'to sa climate ng Pilipinas.

Napahalumbaba ako. "Ano ba? Ano ba ang dapat kong gawin at ibigay?" Bulong ko ulit sa sarili ko at saka ako nag-isip ulit.

Kung bakit ba kasi ang hina ko sa bagay na ganito? Ang hina ko sa pag-iisip ng mga bagay na dapat iregalo sa taong may birthday o ano mang okasyon! Oo, regalo!

Alam ko na madali lang bumili ng isang bagay, tapos i-wrap mo lang, and that's it! Pero 'yon na nga, eh. Ano ang dapat kong bilhin o ihanda para mapasaya mo 'yong isang tao sa bagay na ibibigay mo? 'Yon ang mahirap. Ang hirap mag-isip.

Ano nga ba ang nga gusto ni Mother Superior? Aish! Kailangan ko pa namang gandahan, dahil kailangan kong makabawi sa ilang taon ko na hindi pagdalaw doon sa orphanage. Dapat ngayong birthday niya, makabawi ako!

Naiinis pa ako sa sarili ko dahil muntik ko na namang makalimutan kahapon ang araw na 'to, na birthday na ni Mother Superior ngayon. Naiinis talaga ako sa sarili ko dahil ilang taon ko palang kinalimutan kung ano'ng meron sa araw na 'to. Kung hindi pa siguro ako ikinasal, na sobrang kinaisan ko na mangyari, at kung hindi pa pumasok sa isip ko si Mother Superior noong araw na 'yon para paglabasan ko ng kadramahan ko, hindi ko ulit maiisip ang orphanage na 'yon na sobrang mahalaga sa buhay ko para puntahan man lang.

"Hmm? Tanungin ko kaya sina Manang?" Bigla kong naisip. Tutal, halos magkakaedad lang naman sila nina Mother Superior, eh. Baka... hindi naman naiiba ang gusto ng mga kaidaran nila, di ba? Oo, tama! Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto at pinuntahan sina Manang sa baba.

"Good Morning, Manang! Nand'yan po pala kayo?" Bati ko kaagad dito ng makita ko ito sa garden na nagdidilig.

Napalingin ito sa akin at napangiti. "Magandang umaga din sa'yo, Hija!" Balik bati nito sa akin.

"Ahmm, Manang, may gusto lang po sana akong itanong sa inyo."

"Ganoon ba? Osige, ano 'yon?"

Bumwelo muna ako saglit, napaisip. "Ahmm, para sa inyo po, ano po ang mainam na regalo sa isang tao? 'Yong tipong magugustuhan niya po talaga, 'yong... matutuwa po siya? Lalo na po sa age niyo na 'yan? Nahihirapan po kasi akong mag-isip ng kung ano bang bagay ang bilhin ko para ipangregalo, eh." I asked.

"Hmm?" React nito na mukhang napaisip din. "Ano bang bagay ang alam mo na hilig niyang bilhin o gamitin? Siguro, 'yong bagay na 'yon ang mainam mong bilhin para sa kanya. O kaya naman, mag-isip ka ng kakaiba. Kakaiba na mapapakinabangan at magugustuhan niya. Lalo na sa panahon ngayon, marami nang makabago. At iba nga sa mga kakilala ko na ka-edaran ko rin, gustong nakikiuso." Anito na napapangiti.

"Ah..." Hmm? Ano nga ba ang mga gusto ni Mother Superior? Para namang wala akong natatandaan na bagay na gustong-gusto niyang——

"Pero alam mo ba? Kung ako ang tatanungin? Hindi ko na kailangan pa ng kahit na anong regalo kung birthday ko, hindi naman mahalaga sa akin kung may regalo siya o wala, eh." Natigil ako sa pag-iisip at napatingin ako kay Manang Fel nang sabihin niya 'yon. Tumigil din ito sa pagdidilig at tumingin din sa akin. "Alam mo ba kung ano lang ang mahalaga? 'Yong presensiya mo sa araw na 'yon, lalo na kung mahalaga ka o mahalaga sa'yo ang taong 'yon. Sapat na nand'on ka sa mahalagang araw na 'yon sa buhay niya. 'Yong simpleng pagbati o ang maalala mo lang ang kaarawan niya ay mahalaga na nga, eh. O hindi kaya, kung wala ka mang maibigay na regalo pero gusto mo talaga siyang mapasaya, tumulong ka sa kanya at magbigay ng oras. 'Yon, okay na 'yon!" Nakangiting suhestiyon nito at ipinagpatuloy na ulit ang pagdidilig.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon