Chapter 9

181 4 0
                                    

Chapter 9

"KUYA." Tawag-pansin ko kay Kuya pagpasok ko sa loob ng Mansion. Naabutan ko siya sa living room, nakaupo sa sofa.

Napalingon naman siya agad sa'kin. Napangiti pa nang makita niya ako saka siya tumayo. "Buti naman nagkusa ka nang pumunta rito mag-isa? Akala ko kailangan pa kitang ipasundo o sunduin, eh." He said.

Nagtuloy ako ng pasok sa loob at naupo rin ako sa sofa malapit sa kanya. "Ayoko lang pumunta ka pa sa unit ko, istorbo ka, eh." Sarcastic na sagot ko sa kanya.

Natawa pa siya habang naiiling at naupo ulit. "Nakakayanan mo na talagang tarayan ako ngayon, ha? Dati lang, grabe ka makangiti kapag nakita mo akong nandito na sa bahay. Tapos——"

"Tapos na ang mga 'yon, Kuya. Sabi mo nga, dati. Dati pa 'yon, hindi ngayon. Maraming taon na ang lumipas, so, kailangan ng kalimutan." I said to cut him off from telling those words. Inumpisahan na naman niya ang pagbabalik ng mga bagay na matagal ko nang binago.

He's still smiling at me. Umayos siya ng upo sa sofa pero naka-focus pa rin ang tingin niya sa'kin. "You know, li'l sis——"

"I said, stop calling me 'li'l'! You see? I'm not little anymore! So, please." Pagpuputol ko ulit sa pagsasalita niya. Nakakainis, nagsisimula na naman tuloy akong mairita dahil sa mga sinasabi niya!

"Eh, di Lovely! Okay ka na?" He asked. Hindi ko na lang siya pinansin, nilayo ko ang tingin ko sa kanya. "Kung ikaw kailangan mong kalimutan 'yong mga bagay na 'yon, bahala ka. Pero ako? As your Kuya, hindi ko kalilimutan ang mga bagay na 'yon. 'Yon lang kasi ang iniisip ko kapag nami-miss ko ang bunso kong kapatid na maganda. Ikaw kasi, bitter ka lang ngayon kaya ka ganyan, eh." He continued.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya pagkasabi niya no'n. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Kainis 'to! Bitter daw ako? Psh. Okay na sana, eh, dahil sinabihan niya ako ng maganda. Kaso, dinugtungan pa ng bitter daw kasi ako. Bwisit, eh!

Pero na uulit sa isip ko yung sinabi niya na 'yon lang daw kasi ang iniisip niya kapag nami-miss niya ko. I admit that deep inside, naapektuhan ako sa sinabi niyang 'yon, ah. Okay, nakaka-flutter.

Pero ako kasi kabaligtaran ang iniisip ko noon no'ng umalis siya at iwan niya ko rito sa Mansion. Ang lagi kong iniisip, bakit iniwan niya ko mag-isa rito kahit alam niya na siya lang ang tanging kakampi ko sa bahay na 'to? Kahit alam niyang siya lang ang comforter ko sa bahay na 'to. Kahit alam niya na tanging siya lang ang nakakakita ng existence ko sa bahay na 'to... noon. Iniisip ko na siguro, nagsawa na rin siya sa'kin kaya siya umalis ng hindi man lang niya ako sinabihan. Isang araw, pag-uwi ko rito sa bahay... wala na siya. Mas naramdaman ko tuloy na mag-isa nga lang talaga siguro ako rito. Loner.

Napapikit ako dahil sa pagbabalik na naman ng mga bagay na 'yon sa isip ko. I took a deep sigh. Stop thinking about it again, Lovely. Nalagpasan ko na 'yon, ayoko ng ibalik. Kasi naman 'tong lalaking 'to! Bakit ba ang hilig niyang mag-reminisce pa?! Nakakainis!

"Hindi pa ba pwedeng mag-start na tayong mag-dinner? Ako na lang naman ang hinintay, di ba?" Pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Pababa na rin sina Mama, malamang nasabihan na 'yon ng maid nang makita kang dumating na." He answered. Napatayo naman na siya mula sa pagkaka-upo sa sofa at napatingin sa gawi ng hagdan. "Oh, ayan na." He said.

Dahil nakatalikod ako mula do'n, nilingon ko kung sino ang tinutukoy niya. Sina Mama at Papa pala, pababa na nga ang mga ito ng hagdan. I just stared at them and wait for them na natuluyang makababa.

"Mabuti hindi ka na nagpapilit pa na pumunta rito. Akala ko, magmamatigas ka this time." Said Papa nang tuluyan na silang makababa at nasa harap na namin sila ngayon. He was wearing a grin while saying that.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon