Chapter 35 (Part 1)

129 5 0
                                    

Chapter 35
(Part 1)

[FROM: Kuyang Panget
Hey! Good Morning, my beautiful sis! Papa wants to inform you about sa party mamayang gabi here sa mansion. Kayo raw dalawa ni Kristoff, kailangan nandoon. Wag kang eeskapo, kundi lagot ka!]

I rolled my eyes when I read that message from my brother. Psh, party? Para saan na naman iyon?
Hay nako! Kailangan ko pa ba talagang pumunta roon? Panigurado, maririndi at maiirita lang ako kapag um-attend ako roon, eh. Mapapaligiran lang ako ng mga taong napaka-plastik ng pagkatao at puro pagmamataas lang ang alam!

Tinatamad na tumayo na lang ako at basta ko na lang inihagis iyong phone ko sa couch nitong kwarto ko. Dumiretso na muna ako sa banyo ko.

Actually, kanina pa ako gising, eh. Kanina pa ako nakatunganga lang habang nakaupo sa couch dito sa loob ng kwarto ko at nakatanaw sa labas habang papataas ang araw. Maaga akong nagising, eh. Then, iyon! Bigla ko na lang naramdaman ang katamaran. Or baka dahil epekto lang ito ng pagod ko kahapon?

Pagod na physically and mentally.

Yes, pati isip ko kahapon pagod. Dahil hanggang sa makauwi ako, patuloy akong ginugulo n'ong bigla na lang bumagabag sa isip ko. At dahil iyon sa kiss namin ni Phil!

Grabe iyon! Para akong praning kakaisip sa isang bagay na hindi ko naman mahagilap sa isip ko iyong isang alaalang bigla ko na lang naalala kay Phil. Paanong mangyayari na pamilyar siya sa akin, eh kakakilala ko pa lang naman sa kaniya?

Pero kahit anong panggugulo n'on sa isip ko kahapon, pinilit ko na lang na ipagsawalang bahala iyon. Mabuti na lang naging maayos naman iyong acting ko hanggang sa makatapos kami.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko sa loob ng banyo sa loob ng ilang minuto, lumabas na kaagad ako. Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa baba.

"O, Good Morning, Hija!" Bungad na bati sa akin ni Manang Fel nang makapasok ako sa dining. I just gave her a smile. "Maupo ka na, kumain ka na rin." Ani nito at iminuwestra sa akin ang isang bakanteng upuan.

Napagawi ang tingin ko kay Kristoff na kasalukuyan nang kumakain. As usual, lagi naman siyang nauuna sa akin sa paggising sa umaga. He looked at me, pero hindi ko na masiyado pang pinansin iyon. Tahimik na lang akong naupo sa katapat niyang upuan. Ilang sandali lang din ay naipaghain na rin ako ni Manang at nagsimula na rin akong kumain.

"May party raw sa mansion niyo mamaya. Sabi ng Papa mo kailangan daw nating pumunta roon mamaya." Ilang sandali ay salita niya.

Bahagya naman akong napahinto sa pagkain pero hindi na ako nag-angat pa ng tingin sa kaniya. "Yeah. Kuya already texted me about that a while ago." I simply replied.

Napansin ko na napatango-tango siya. "Ganoon ba? So, pupunta ka talaga? Nabanggit kasi sa akin ng kuya mo na madalang ka lang daw um-attend sa ganoong party sa inyo dahil sa totoong lang, ayaw mo talaga."

Tuluyan na akong napahinto sa pagkain at napatingin na rin ako sa kaniya. "Sinabi sa iyo ni Kuya iyon?" I asked. He nodded. I looked away from him, I decided to sipped on my coffee na lang. Saka ako nagpakawala ng isang buntong hininga. "Well, wala rin naman akong magagawa kahit ayaw ko mang pumunta sa party kuno nila na iyon, eh. Alam ko na gagawa sila ng paraan para mapilit ako. Since, matagal na nga rin naman mula noong huling dumalo ako sa mga party na pakana nila... okay, sasama ako." I said.

"Okay, magsabay na lang tayo papunta sa mansion niyo."

"Okay." Tanging tugon ko na lang sa kaniya at itinuon ko na lang ulit ang pansin ko sa pagkain.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon