Chapter 34
THE story behind the music video is about reminiscing a past love. So, the characters have to play as a sweet and romantic lovers. The role as a romantic couple will going to play by, of course, Phil Williams and Lovely Lopez. It is about a love story between the two childhood friends that got separated for a long time, so their love story stop by there. But the guy tend to find the girl again to see if how she was after a long time. Until one day, they met again. They decided to be together like what they are before to give each other a chance to prove that the love they felt for each other never changed after a long time. So, at the end... bla bla bla!
Nagpasya na akong itiklop na lang kaagad ang hawak kong script na naglalaman ng mga scenes na mangyayari sa music video nang tamarin na akong basahin ito. Ang pabebe naman pala! Psh, love story!
Okay, partida! Hindi na lang akong magtatawa sa kabaduyan na a-actingan ko sa music videong ito dahil sa real life naman... wala pa ring forever!
A week after noong contract signing, sinimulan na namin ang pagso-shoot ng music video para sa latest song na ire-release ni Phil next month. At heto nga, nasa set ako ngayon. Actually, kahapon pa kami nag-start. Kaso hindi pa ganoon ka seryoso dahil umpisa pa nga lang naman, nagawa pa rin naman namin ng maayos ang lahat.
And the most embarassing moment was happened to me yesterday! And it was the awkward feeling that I felt whenever I went closer to Phil! Buti na nga lang at nai-ayos ko ang sarili ko at nagawa naming i-shoot ng maayos ang beginning nung music video.
Eh, paano nga ba kasing hindi? Sa tuwing mapapatingin ako sa kaniya at kung magkakatinginan kaming dalawa, bigla ko na lang naaalala iyong scenario na nangyari sa amin noong una naming pagkikita! Tapos bigla pa siyang ngingiti sa akin, na ewan ko ba kung tunay o para lang asarin ako!
Hindi kasi naging maayos ang pakikitungo ko sa kaniya mula noong una naming pagkikita hanggang ngayon kahit pa ang totoo ay tinulungan pa nga niya ako. Kaya noong makilala ko na nang tuluyan kung sino nga ba si Phil Williams at ng malaman ko na siya iyon, ay grabe talaga gulat ko! Pero hindi naman ako nagpahalat na ganoon ang naramdaman ko that time ng makita ko siya. Tapos ngayon, heto, makakasama ko pa siya sa pagso-shoot ng music video niyang ito, mag-a-act pa kami as lovers! How is that, right? Just great!
Sandali kong pinagmasdan ang pagiging abala ng mga taong umaasikaso rito ngayon sa set, mukhang mamaya pa kami ulit mag-reresume. Break kasi. Kaya napagpasyahan ko na lang na buklatin ulit iyong folder na naglalaman ng script na binabasa ko kanina para hindi ako mainip. Ayoko naman kasing magbabad sa kakakutinting ng phone ko gayong kaka-post ko lang naman sa IG account ko.
Nilagpasan ko na lang iyong lines na puro love story achuchu ang nakasulat, doon ako nag-focus sa mangyayari sa ibang scene.
Scene 10: The characters will going to meet each other again while the rain is pouring. They have to look happy like they are really in love. And then, they will kiss each other romantically under the rain.
Aish! Eh, common na sa romantic movies ito, eh——
Wait——What? Bigla tuloy akong napahinto sa pagbabasa dahil sa linyang iyon.
And then, they will kiss each other romantically under the rain.
Kiss?! So, may kissing scene pala kami? Teka, parang hindi yata ako na-inform about dito, ah? Seriously, magki-kiss kami?!
Eh, ano naman, Lovely? Big deal ba ang kiss sa 'yo? Para namang hindi ka expert d'yan!
Hmm, oo nga 'no? Medyo napa-OA lang talaga ako ng react.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...