Chapter 29

148 5 0
                                    

Chapter 29

"ATE Lovely, can we take a selfie again? Blurd 'yong una, eh. Please?" Kristoff's younger sister said.

Kahit na medyo hindi na ako komportable sa tagpo naming 'to, tumango na lang ako para pagbigyan nga ulit ito. Kaya nagkuntodo dikit ulit siya sa 'kin at nakipag-selfie. Napilitan naman akong ngumiti na lang ulit.

Nagulat talaga ako sa kapatid na 'to ni Kristoff kanina—na Krisha pala ang pangalan. Kaya pala gan'on na lang ang reaction nito kanina nang makita ako at kaya niyakap-yakap pa ko, dahil she's my ultimate fan! daw

Hindi ko nga alam kung mapa-flutter ba ako o ano, eh. Hindi naman na ako nagugulat kung meron man akong makasalamuha o makita na katulad niya na iniidolo ako, sanay na ko roon at expected ko na 'yon. Nagulat lang talaga ako dahil kung kausap-kausapin ako nito ay para bang kilalang-kilala na niya ako. Ang daldal niya at ang jolly!

Mula noong bago siya pumasok dito sa bahay namin, habang kumakain kami kanina at hanggang ngayon na magkakaharap kami sa sala, dinadaldal niya ako! Iiwanan ko na nga lang sana sila rito at tutungo na lang sana ako sa kwarto ko, but she forced me to join them here sa sala. She just keeps on telling me that she's my ultimate fan and ngayon lang daw niya ako na-meet in person kaya ganito siya kasaya.

Noong kasal daw kasi namin ay wala siya. Which is hindi ko naman alam 'yon dahil wala naman akong paki sa mga taong nagsidalo noong araw na 'yon. Hindi na kasi ako nag-abala pa kung nandoon ba ang mga kamag-anak nina Kristoff o kamag-anak ng pamilya namin o wala.

Bakit ko pa kailangan alamin? Eh, ang tanging nais ko lang naman noong araw na 'yon ay matapos na kaagad ang seremonyang sila lang ang nasiyahan.

"Ayan! Wait, ipo-post ko lang sa IG ko. Lalagyan ko ng caption na 'My, oh so gorgeous, Sister-in-law'!" Ani nito na ikinukumpas pa ang nga kamay sa ere habang sinasabi 'yon. Ngunit bigla na lang natigilan ito nang para bang biglang may naalala. "Oh my! Hindi nga pala pwede, 'no? Hindi nga pala alam ng public." Dagdag nito na napa-pout pa.

Tipid na tumango naman si Kristoff sa kapatid. Kanina pa siya ganyan. Mataman lang na nakamasid sa mga galaw ng kapatid at halatang hindi siya nasisiyahan sa presensya nito ngayon dito sa bahay namin.

"Eh di, ibang dahilan na lang ang ica-caption ko. Ang gusto ko lang naman ay ang mainggit ng bongga sa 'kin ang classmates ko, eh!" Patuloy nito. Ngiting-ngiti pa ito habang busyng-busy na nakatutok sa cellphone.

"Sagutin mo na nga ako, Krisha. Bakit ka ba talaga nandito, ha? Naiinis na ko, ah! Kanina pa ako tanong nang tanong sa 'yo." Salita na ni Kristoff na halatang inis na nga base sa tono nito. Kanina pa nga naman kasi siya tanong nang tanong dito, pero hindi naman siya pinapansin ng kapatid dahil nakatutok lamang ang atensyon nito sa 'kin mula pa kanina.

Tila nakinig naman na ito at nag-angat na nga ng tingin kay Kristoff. Ibinaba na muna nito ang hawak na cellphone sa coffee table at umayos na ng upo. "Chillax, Kuya, okay? Sige, I will tell you na!" Nakangising sagot nito na para bang pinagkakatuwaan lamang ang pagkainis ng kuya nito sa kanya. Pinagmamasdan ko na lang sila.

"Sige na, just tell me. 'Wag ka nang dumaldal, pwede?" Kristoff said na napapahilot pa sa noo dahil naiirita na siguro talaga siya sa kapatid.

Then, Krisha pouted. "Ayokong umuwi ng bahay ngayon. Naiinis ako kina Papa! Kaya nagpunta ako rito." Ani nito.

Pareho naman kaming napatingin ni Kristoff dito. So, naglayas ito sa bahay nila dahil lang sa naiinis ito sa parents nila? Medyo napa-smirk naman ako dahil d'on. Whoah! Ibang klaseng bata 'to, ah?

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon