Chapter 52
(Part 2)LOVELY
INIS akong bumaba ng sasakyan ni Kristoff nang makarating na kami sa bahay. Pinangunahan ko na siya, at dali-dali na rin akong pumasok sa loob ng bahay namin ng halos magdikit na yata ang mga kilay ko dahil sa pagkakakunot.
Nararamdaman ko na nakasunod lang siya sa akin. At nang tuluyan na kaming makarating sa sala, huminto na ako at inis na hinarap ko na siya. Napahinto rin naman siya at napatitig ulit sa akin paglingon ko.
"Why did you do that? Bakit bigla-bigla ka na lang gumawa ng ganoong eksena? Inisip mo ba ang maaaring mangyari after n'on?!" Inis na sita ko na sa kaniya. My goodness! Mas lalo lang niyang dinagdagan ang problema ko dahil sa ginawa niya kanina, eh! Aish!
"What? 'Yon bang pag-amin ko sa totoong estado natin kanina ang tinutukoy mo?" Balik-tanong niya sa akin na para bang hindi siya aware sa ikinaiinis ko ngayon. Ang seryoso lang kasi ng hitsura niya.
"Oo, 'yon nga! Bakit mo inamin sa media na kasal na tayo?!" Gigil na patuloy ko.
He gave a serious stare, then saka siya nagpamewang sa harap ko. "What's the problem with that? Nagsabi lang naman ako ng totoo, ah? Bakit? Dahil ba sa naudlot ko ang plano mong pag-oo na lang sa issue na may relasyon kayo ni Phil para malihis ka sa pagsasabi ng katotohanan? Balak mo pa rin bang i-deny tayo sa lahat?" Ani niya na mukhang naiinis na rin.
Hindi ko napigilang mapakunot-noo sa kaniya. "Tinatanong mo ako kung anong problema sa ginawa mong 'yon? Gosh! Puputaktihin lang naman tayo ng media dahil sa issue na 'yon! At 'yon ang ayokong mangyari sa una pa lang! At ano ang sinasabi mong balak kong i-deny? Wala akong balak na sagutin sa kahit ano mang paratang nila sa amin! Sasagot na sana ako na magkaibigan lang kami ni Phil pero bigla ka namang um-extra!" Bwelta ko sa kaniya.
Sarcastic niya akong nginisihan. "Really? Tell me, Lovely. Kaibigan mo nga lang ba talaga ang kababatang mong 'yon? O baka sa pag-aayos niyo ay pati isang understanding na rin ang nabuo sa inyo?" Akusa na naman niya sa akin pagdating kay Phil.
"Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo, Kristoff? Bakit ba lagi mo na lang akong inaakusahan na may relasyon kami ni Phil? Ano ba talaga ang problema mo?!" Naguguluhan nang tanong ko ulit sa kaniya. Heto na naman kami!
Marahas siyang napakamot sa ulo niya na para bang napupuno na naman siya sa nangyayari sa amin ngayon. Then, sinamaan na naman niya ako ng tingin. "Tinatanong mo kung ano ang problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko, Lovely!" Ani niya na mas lalong nagpagulo sa akin. Ako? At ano ang nagawa ko sa kaniya para problemahin niya ako? "Bakit ka ba ganyan? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito para lang intindihin ang tunay na nararamdaman mo?!" Dagdag pa niya.
Natigilan ako dahil sa mga pinagsasasabi niya, hindi ko talaga siya maintindihan. "A-Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko ulit sa kaniya.
But he didn't answer me. He just look away from at saka lumapit sa sofa at kaagad na naupo roon. Ilang sandali ay napahilamos pa siya sa mukha niya na para bang nahihirapan siya. Saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "Sinabi ko na sa lahat ang totoo dahil ayoko nang manatiling lihim pa ang tungkol sa atin, lalo pa ngayon na may panghahawakan na ko para panindigan na talaga kung anong meron tayo." Ani niya na napakaseryoso.
Napatunganga na ako sa kaniya, bigla na rin kasing binundol na ng kaba ang dibdib ko ngayon dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko pa rin makuha ang nais niyang iparating pero para bang may gumuguhit na kaagad sa isip ko na isang ideya, pero pilit ko pa rin 'yong iwinawaksi sa isip ko dahil imposible 'yon.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...