Chapter 33
"LOVELY, Hija, gumising ka na! May bisita ka sa baba, hinihintay ka!"
Bigla na lang akong naalimpungatan ng marinig ko ang boses na iyon ni Manang Fel mula sa labas ng kwarto ko.
May bisita ako?
Tuluyan na akong napadilat at napakunot ang aking noo. Kaagad din akong napaisip.
Sino naman ang magiging bisita ko ngayon ng ganito kaaga?
Dahil ayaw ko namang paisipin pa ang sarili ko tungkol sa kung sino man ang bisita ko kuno ngayon, tuluyan na lang akong bumangon. Humarap muna ako sa salamin upang ayusin man lang ng konti ang hitsura ko, at saka ako tuluyan nang lumabas ng kwarto.
"O, mabuti naman at gumising ka na. Pasensiya ka na kung nadistorbo ko ang tulog mo, ha? 'Yong bisita mo kasi, naghihintay sa baba." Bungad sa akin ni Manang Fel paglabas ko ng kwarto ko.
"Okay lang po, Manang." I said, then I gave her a smile. "Sino po ba ang bisita ko?"
"Tignan mo na lang sa baba, Hija." Tugon na lang nito sa akin at inunahan na ako sa pagbaba. Nagkibit balikat na lamang ako at bumaba na nga rin ako para puntahan na 'yong bisita ko raw.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan pababa nang makita ko na kaagad kung sino ang mga taong nasa sala ngayon.
Kaagad namang napataas ang isa kong kilay nang makilala ko ang isa sa kanila, na mukhang ito yata ang sinasabi ni Manang Fel na bisita ko.
Aish! Akala ko kung sino, si Icee lang pala! Si Kristoff ang kasama nito ngayon sa sala at busy sila sa pag-uusap, or pagkukwentuhan yata, na ewan ko kung tungkol saan.
At paano naman kaya nalaman ng babaeng ito ang address ng bahay namin? Hindi ko kasi matandaan na nasabi ko sa kaniya dati ang address namin kahit manager ko pa siya. Wala lang, ayoko lang.
"Hey, what are you doing here, ha?" Kaagad na tanong ko kay Icee nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.
Pareho namang nalipat kaagad ang pansin nila sa akin dahil sa pagsasalita kong iyon. "Oh, Good Morning, Lovely! Buti naman nagising ka kaagad?" Masayang bati pa niya sa akin.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niyang iyon. Nagawi ang tingin ko kay Kristoff, na nakatingin din sa akin ngayon. Pero kaagad naman akong nag-iwas ng tingin dito.
"Sige, maiwan ko muna kayo." Ilang sandali ay paalam naman na ni Kristoff sa amin. Tumayo na ito at iniwan na nga kami ni Icee dito sa sala.
Sandali ko lamang siyang sinundan ng tingin na mukhang papunta siya sa kitchen, at saka ko naman ibinalik ulit ang tingin ko kay Icee. Pinaningkitan ko siya ng mata while my arms are crossed.
"What are you doing here and how did you know our place, ha?" Tanong ko ulit sa kaniya.
Hindi naman niya kaagad sinagot ang tanong ko. Ibinaling lamang niya ang pansin sa tasa ng kape na nasa harap niya at saka humigop doon. "'Wag mo nga akong tanungin ng ganyan. Parang hindi mo ako manager, ah?" Nakangusong turan niya sa akin pagkatapos.
Inismiran ko na lamang siya dahil sa inakto niyang iyon at naupo na lang din ako sa sofa.
"Nagpunta lang ako rito kasi... wala lang! Gusto ko lang. Ni minsan kasi hindi mo ako niyayang dumalaw man lang dito sa bahay niyo kahit sandali, eh. Gusto ko rin kasing maka-kwentuhan man lang kahit papaano 'yong asawa mo. Kapag nagkikita kasi kami sa iilang events na ina-attendan ko, hindi ko nagagawang makipag-chikahan man lang sa mga kilalang businessman like him. Saka, crush ko pa naman 'yang si Kristoff!" Patuloy niya.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...