Chapter 74
NANG magkamalay ako ay isang puting kisame ang agad na bumungad sa paningin ko. Sa palagay ko, nasa ospital na ako ngayon dahil magaan na ulit ang pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari roon kanina dahil nawalan na nga ako ng malay. Napakaraming nangyari sa loob lang ng araw na 'to, lahat ang bigat at ni minsan ay hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganoon sa buhay ko.
Nalipat ang pansin ko nang marinig ko ang biglaang pagbukas ng pintuan. Doon lang lumibot ang paningin ko sa paligid, nasa isang hospital room nga ako ngayon.
"L-Lovely?"
Nang makita ko kung sino ang pumasok, bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. 'Yong pagtama ng baril... 'Yong pagdurugo ko... Kaya bumalik ulit sa akin ang sobrang takot at kaba na naramdaman ko kanina.
"K-Kristoff..." Bigkas ko na rin sa pangalan niya.
Biglang sumilay ang isang ngiti sa labi niya nang makita niya akong magsalita, para bang hindi siya makapaniwala na makita ako ngayon na gising na. Agad niya rin akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "L-Loves, thanks God! F-Finally, you're awake!" Masayang turan pa niya. Nang bumitaw siya ng yakap sa akin ay hinawakan niya ang magkabila kong mukha at sinipat niya ako na puno ng pag-aalala. "A-Ano nang nararamdaman mo ngayon? May masakit pa ba sa 'yo? K-Kumusta ang pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong pa niya sa akin malaunan.
Pero sa halip na sagutin ko ang mga tanong niya ay tumulo na lang ang mga luha ko, mas lalo naman siyang nag-alala sa akin. "K-Kristoff, 'yong baby natin... K-Kumusta ang baby natin?" Balik-tanong ko sa kaniya na puno rin ng pag-aalala. Nang makita ko ang matinding pagdurugo ko kanina, sobra akong natakot at nanghina. Sobra-sobra akong nag-aalala kaya mas lalo akong nawalan ng lakas.
Nginitian niya ako pero hindi tulad ng kanina, kaya napatitig ako sa mukha niya at hinintay ko ang sasabihin niya. Hinaplos niya ang ulo ko, saka niya hinalikan ang noo ko. "Don't worry, 'wag ka nang matakot. Ligtas ang baby natin, hindi siya nawala, loves." He said habang patuloy ang paghagod niya sa ulo ko.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Ligtas ang baby namin, magkakaanak pa rin kami. Pero hindi ganoon ka-lubusan ang pagluwag ng pakiramdam ko dahil may isa pa akong inaalala. "L-Loves, si Phil? K-Kumusta si Phil? Nasaan siya ngayon? N-Nakita ko... Nakita ko na tinamaan siya ng baril. N-Nasaan siya?" Sunod-sunod na tanong ko ulit sa kaniya.
Oo, si Phil ang sumalo ng bala na para sana sa akin. Siya ang tumulak sa akin para ma-iligtas ako. Kitang-kita ko kung paano niya iniharang ang sarili niya sa akin para hindi ako tamaan ng bala, nakita ko rin kung paano siya nawalan ng malay nang mga oras na 'yon. Sobra akong nabigla sa pagsulpot niya roon kanina, lahat 'yon hindi ko inaasahan. Hindi ko akalain na gagawin niya 'yon para sa akin.
Hindi sinagot ni Kristoff ang mga tanong ko about kay Phil, nanatili lang siyang nakatahimik at nakatitig sa akin. Sinalubong ko naman ang mga titig niya at hinihintay ko ang isasagot niya, pero parang wala siyang balak na sagutin ako. Halata ang pag-aalinlangan sa kaniya kaya mas lalo akong kinabahan. "Kristoff... ano? K-Kumusta si Phil? Nasaan siya?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"A-Ah, loves——" At hindi ko na hinintay pa ang nais niyang sabihin dahil agad-agad na akong bumangon sa kinahihigaan ko. Pakiramdam ko kasi sa tono ng pananalita niya, merong hindi magandang nangyari kay Phil. Ayokong itatak sa isip ko ang isang posibilidad na ikinakatakot ko na maaari niyang isagot dahil hindi pwedeng mangyari 'yon, dapat ligtas din si Phil tulad ko. Kaya bumaba nga agad ako sa hospital bed ko at dali-daling lumabas.
"Lovely, sandali lang! Bumalik ka roon sa kwarto mo, hindi ka pa pwedeng magkikikilos ng ganyan——"
"Nasaan ang kwarto ni Phil? Saan siya dinala? Gusto ko siyang makita!" Pagpupumilit ko pa sa kaniya habang patuloy lang ako sa paghagilap ng kwarto ni Phil kahit hindi ko naman talaga alam kung saan 'yon. Nakasunod lang sa likod siya sa likod at panay ang pagpigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakikinggan.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...