Chapter 71

132 6 1
                                    

Chapter 71

NANG magising ako ay agad kong binalingan ng tingin si Kristoff na nasa tabi ko at ang sarap-sarap ng tulog. Nakakainis, heto na naman po ako.

Nagbiling-baligtad ako at muling pumikit para sana subukang matulog ulit, pero wala talaga, pahirapan na naman ako sa pagbalik sa pagtulog. Kaya yumakap na lang ako kay Kristoff ng mahigpit.

"Loves..." Pag-gising ko na sa kaniya, pero nanatili pa rin siyang tulog. So, I did it again. "Loves..." this time, medyo niyugyog ko na siya sa dibdib kaya napaungol na siya.

"Bakit, loves...? Madaling araw pa lang, loves. Matulog ka na lang ulit." Sabi niya sa akin pero nanatili pa rin siyang nakapikit. Umayos pa siya ng higa at saka yumakap ng mahigpit sa bewang ko.

"Eh, hindi na naman ako makatulog, eh." Ungot ko na sa kaniya saka ko nilaro ang daliri ko sa dibdib niya. Ang hirap ng ganito.

Ilang araw na rin akong ganito, bigla na lang akong magigising sa madaling araw kahit gusto ko pa sanang matulog. Pero kapag umaga naman, antok na antok ako na halos pagtulog na lang ang gawin ko. 'Yong morning sickness ko, patuloy pa rin na umaatake tuwing umaga. Ilang linggo pa lang akong buntis pero ang dami na agad nagbago sa akin. Mabuti na lang nandito lang lagi si Kristoff sa tabi ko at laging nakaalalay sa akin.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya, nakapikit pa rin siya at mukhang bumalik kaagad siya sa tulog. Sa bagay, hindi ko naman siya masisisi kung ganyan kasarap ang tulog niya ngayon. Sobrang pagod kasi siya kagabi n'ong umuwi siya ng bahay, idagdag mo pa na hindi ko rin siya pinatulog ng maaga kagabi dahil gusto ko hintayin niya akong antukin pero masiyado naman nang gabi ng mangyari 'yon.

Actually, nitong nag-daang linggo, medyo naaawa na rin ako sa kaniya, eh. Alam ko naman na masiyado na siyang nahihirapan sa kakasunod sa mga gusto ko, minsan natatarayan at nasusungitan ko pa siya, pero wala naman akong magawa dahil nga sa naglilihi ako. Kapag humuhupa naman na ang mood swings ko, nagso-sorry rin naman ako kaagad sa kaniya. Pero mas lalo lang akong nai-in love sa bawat sagot niya sa akin dahil kapag nagso-sorry ako sa kaniya, sinasabi niya sa akin  na okay lang naman daw 'yon kahit sungit-sungitan ko siya or alipinin ko siya, hindi raw naman niya kasi magagawang magalit sa akin dahil love na love niya raw ako. Nakaka-touch, di ba? Ang swerte ko lang talaga sa taong 'to.

Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at naisipan ko nang bumangon na lang. Pero tatayo pa lang sana ako nang bigla naman niya akong pigilan sa braso, nang lingunin ko siya ulit ay gising naman na siya pero pupungay-pungay pa rin ang kaniyang mga mata.

"Where are going, hmm...?" He asked.

"Sa baba, magluluto na lang ako." Sagot ko.

Nangunot agad ang noo niya. "Magluluto? Eh, ang aga-aga pa, loves." Dumukwang siya sa bedside table sa tabi niya at saka niya tinignan ang cellphone niya roon. "3:30 AM pa lang, o. Saka, bakit ikaw ang magluluto? Ako na d'yan sa bagay na 'yan, di ba? Come, mahiga ka na lang ulit dito sa tabi ko." Giit niya sa akin. Wala naman na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya, mapilit din kasi 'yan, eh. Kapag ganitong mga bagay ang gagawin ko, hindi niya ako hinahayaang manalo.

Mula kasi n'ong makalabas siya ng hospital at nang malaman niya na buntis ako, mas lalong nadagdagan ang pagiging over protective niya sa akin, 'yong tipo na ayaw na niya talaga akong ihiwalay sa tabi niya at halos ayaw na rin niya akong pakilusin. Siya na talaga ang nagluluto sa umaga at gabi, ayaw na kasi niya talaga akong hayaan na gawin ang mga bagay na 'yon. Sinisigurado pa niya talaga na naibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko, matiyaga pa nga niya akong ipinagtitimpla ng gatas sa gabi bago matulog, eh. Lahat kasi ng ibinilin ni Doc sa amin noong una naming pa-check up sa doktor ng magkasama about sa pagbubuntis ko ay talagang tinandaan niya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon