Chapter 47

132 4 0
                                    

Chapter 47

KRISTOFF

"HEY, brother-in-law! May tanong pala ako sa 'yo! Kanina ko pa ito gustong itanong sa 'yo, eh."

Napaangat naman ulit ako ng tingin kay Leonard ng magsalita ulit ito. Magkaharap pa rin kasi kami hanggang ngayon pero nandito na kami ngayon sa conference room ng company na pinuntahan namin ngayon.

Kailangan kasi naming makausap at ma-meet ang CEO ng company na ito na gustong makipag-business deal sa amin at dito gusto ng tao na 'yon na makipagkita sa amin. Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng company na ito kaya wala rin akong ideya sa CEO na kikitain namin ngayon dahil hindi rin naman ibinigay ng sekretarya nito ang pangalan ng amo niya.

"Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya.

Umayos siya ng upo at saka tumitig pa sa akin na parang nangingilatis. "May nangyayari na bang kakaiba sa pagitan niyo ng kapatid ko ngayon, ha?" Mapanuring tanong nga niya sa akin.

Bigla naman akong napangiti sa klase ng tanong niyang 'yon. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at saka napailing habang nakangiti pa rin. Naalala ko na naman tuloy si Lovely. Rumerehistro na naman tuloy siya sa isip ko, lalo na ang maamo at nakangiti niyang mukha. Yes, I must admit. Sa nakakaraang ilang linggo, iba na talaga ang epekto sa akin ni Lovely. Tulad na lang nito, nagagawa talaga niya akong mapangiti kahit naiisip ko lang siya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para mapigilan ko ang masiyadong pagngiti at baka iba pa ng isipin sa akin ngayon nitong kapatid niya. "Hmm? Let's just say na… me and your sister are now okay." Wika ko.

"Okay sa way na…?" Dagdag pa niya na parang may gusto talaga siyang malaman.

Napangisi na ako. "Okay na kami sa way na hindi na kami katulad ng dati! Hindi na siya ganoon ka-sungit sa akin. Nagagawa ko na ring makakwentuhan siya at makausap ng matino. 'Yon!" I answered.

Mabuti na lang at sa ilang linggo na lumipas, nakasundo ko na rin itong si Leonard. Nagsimula noong isama ko si Lovely sa Batangas. Yes, hindi nila inabala si Lovely while she was with me there tulad na lang din ng ipinakiusap ko sa kanila, but halos araw-araw naman niya akong kino-contact noon if how was she that time.

Doon ko rin napag-alaman na ganoon niya pahalagahan ang kapatid niya, na hindi totoo ang inakala ni Lovely rito na hinayaan na lang siya basta ng mga ito. Mukhang mayroon nga lang silang mga hindi pagkakaunawaan at kailangan lang nila ng masinsinang usapan para magkalinawan.

"Kaya ba ganoon na lang kayo mag-batian at mag-ngitian sa harap ko kanina?" Tanong na naman niya na ngayo'y naniningkit na talaga ang mga mata niya sa akin. Nakasanayan ko na rin pala ang kakulitan nito, na malayo kay Lovely.

Naguguluhang napatango naman ako. "Oo, ganoon na nga."

Bigla naman siyang napahampas sa table matapos kong sabihin 'yon. Nagulat pa ako sa iginawi niyang 'yon. "Sabihin mo, in love na ba sa 'yo ang kapatid ko? Ikaw? In love ka na ba sa kapatid ko, ha?!" Diretsahang tanong niya sa akin.

Natigilan ako at saka napatitig kay Leonard matapos niyang itanong sa akin 'yon.

In love?

Napangisi na lang ulit ako. "You know what, brother-in-law? The important is, me and your sister are now okay. Hanggang doon muna tayo." Sagot ko na lang sa kaniya sabay tapik sa balikat niya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon