Chapter 61

147 4 2
                                    

Chapter 61

PAG-GISING ko ay hindi ako kaagad bumangon, pinili kong titigan muna ang mukha niya habang natutulog. Napangiti ako. Ang gwapo talaga, tsk!

Inalala ko 'yong nangyari sa amin kagabi. We finally did it. Not once, but twice! Madaling araw na nga 'yon, eh. Kaya hindi na namin nagawang makapag-bihis pa.

Lumingon ako sa bedside table para tignan kung anong oras na. Alas otso y media na pala, at heto kami, nakahilata pa rin. Masiyadong napasarap sa tulog dahil sa sarap ng gabi namin kagabi. Bahagya tuloy akong napangisi sa naisip kong 'yon.

Ilang sandali pa ay naisip ko na ring bumangon, ako na lang ang magluluto this morning dahil mukhang nasa dream world pa itong taong 'to sa sarap ng tulog. Siyempre, ayoko namang mangdistorbo lalo na kung ganito ka-gwapo ang hitsura ng natutulog kong asawa.

Dahan-dahan ko nang tinanggal ang braso niya na nakayakap pa sa bewang ko para hindi ko siya magising at para makabangon na nga ako. Pero n'ong pag-galaw ko naman, agad din akong napahinto nang maramdaman ko ang kirot sa down there ko, first kasi kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Kaya dahan-dahan na lang din akong bumangon at umalis sa kama.

Hinagilap ko agad ang mga damit ko na nakakalat pa rin sa sahig, pinulot ko na ang mga 'yon at dahan-dahan din akong pumasok sa loob ng banyo para maligo.

Mabilisan lang ang ginawa kong pagligo, pagkatapos magbihis ay lumabas na ulit ako ng CR. Paglabas ko, tulog pa rin siya. Kaya nagdiretso labas na lang ako ng kwarto namin.

Agad akong nagtungo sa kusina para nga makapagluto na. Siguro 'yong usual breakfast na lang ang iluluto ko para mabilis. Kaya naghanap na nga ako sa ref ng mailuluto.

Habang kasalukuyan na nga akong nagluluto ay bigla kong naramdaman ang pagyakap mula sa likuran ko. Bahagya akong nagulat dahil doon kaya bahagya akong natigilan sa ginagawa ko. Pero ilang sandali ay napangiti na lang din ako. Gising na pala siya.

Mas isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko at saka bumulong. "I'm sorry about last night, loves." Ani niya.

Muli naman akong natigilan at nawala rin ang ngiti ko nang sabihin niya 'yon. Pinatay ko muna ang kalan bago ako humarap sa kaniya. "Sorry about what? Sa nangyari sa atin kagabi? Nakonsensiya ka ba dahil ikaw ang nakauna sa akin, ganoon?" Nagtatampong sita ko sa kaniya. 'Yon kasi agad ang pumasok sa isip ko, eh. Bigla ko kasing naalala 'yong hitsura at pagkagulat niya ng malaman niya 'yon kagabi.

Malaunan ay nginisihan niya ako. Natatawang kinalabit pa niya ang ilong. "Silly! Hindi 'yan ang ipinag-so-sorry ko, loves! Masaya pa nga ako na malaman na ako pa rin pala ang una." He smiled. Then after a while, he held my hand. "Ang gusto kong ipag-sorry sa 'yo ay 'yong inasal ko kagabi, 'yong pagiging harsh ko sa 'yo. Pinangunahan lang talaga ako ng sobrang galit ng makita ko 'yong picture na 'yon, idagdag mo pa 'yong sobra akong nag-aalala sa 'yo dahil gabi na pero wala ka pa rin, hindi rin kita matawagan." He explained. Ngayon, dumako naman ang mga mata niya sa braso ko. Napasimangot agad siya ng makita niya na may pasa ako roon, ngayon ko lang din 'yon napansin. "Tsk, nasaktan pa tuloy kita." Ani niya.

Bahagya akong napangiti at napahaplos sa pasa ko. "Sus, wala lang naman 'to! Saka hindi rin naman kita masisisi kung ganoon nga ang maramdaman mo ng makita mo 'yon." Wika ko.
He stared at my face, nagtataka. "Pero bakit nga ba kayo nakaganoon? Saka sakto, eh. Naabutan ko talaga kayo ni Phil sa hotel na 'yon tulad na lang ng iti-next sa akin n'ong unknown number. Ano ba talaga ang nangyari? I'm sorry dahil hindi kita nagawang pakinggan kagabi." Naguguluhang tanong na niya.

Napatitig ako sa kaniya saka ko ipinaliwanag na nga ang nangyari sa amin ni Phil kagabi. Mula roon sa pag-inom namin at biglaan naming pagkawala ng malay, hanggang doon sa paggising namin ay nakita na lang namin na nasa ganoon na kaming tagpo.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon