Chapter 25
"TSH, at bakit? Ang ine-expect mo ba talaga ay ang napangasawa mo ay isang mabait, mahinhin, at malambing na babae? Huh! Well, you're wrong, very wrong, Mr. Suarez. Dahil hinding-hindi ako gan'ong klaseng tao. Kung umaasa ka na babaguhin ko ang ugaling meron ako para hindi ka na mainis ng ganyan sa akin, well sorry. Dahil hinding-hindi ko gagawin 'yon! Ito ang ugali ng babaeng pinakasalan mo. So, ikaw ang bahalang mag-adjust sa ugali ko kung gusto mo!"
"Haist! Ano ba? Ano ba? ANO BA?! Arghhh!" Nasabi ko na lang sa sarili ko at inis na napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil pang-ilang beses nang nag-rereplay sa utak ko 'yon.
'Yong sa halip na dapat tulog na tulog ako ngayon dahil nga sa sobrang kalasingan ko kagabi, pero heto ako ngayon. Gising na gising pa rin!
Siguro two hours lang ako nakatulog kagabi mula n'ong pumasok ako rito sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Tapos, ayun! Bigla na lang akong nagising. At heto nga, hanggang ngayon ay gising pa rin ako.
Tinignan ko kung anong oras na ba sa orasan na nasa bed side table ko. And gosh! Alas-cinco y media pa lang ng umaga?!
Kasi naman, eh! Nagising ako kasi kahit sa panaginip ko, MAY NAMUMWISIT SA AKIN NA KONSENSYA DAHIL SA SINABI KONG 'YON KAY KRISTOFF KAGABI! At ayun nga, hanggang ngayon, ginugulo pa rin ng letseng 'yon ang isip ko!
Ang alam ko, lasing na lasing ako kagabi, eh. Kaya dapat wala lang sa akin 'yong sinabi ko sa kanya na 'yon. Pero bakit tumatak na naman sa isip ko 'yon?! Nawala nga 'yong bwisit na ngiti niya sa isip ko, 'yon naman ang pumalit! Saka nagsasasabi naman ako ng totoo, ah! Kaya, bakit ako nagkakaganito?!
Ginulo ko na lang ulit ang buhok ko. Huhuhu, hindi ko na talaga alam kung ano na ba ang nangyayari sa akin! HINDI KO ALAM! T______T
Tutal hindi naman na ako makabalik ulit sa pagtulog kahit anong pilit ko, naisipan ko na lang na bumangon na. Sandali kong inayos ang buhok ko saka ako lumabas na ng kwarto ko.
Mukhang ako palang yata ang gising, nakapatay pa rin kasi ang mga ilaw pagbaba ko, eh. Tulog pa sina Manang. Dumiretso naman na ako sa kitchen, binuksan ko ang ilaw doon at saka ako lumapit sa ref para kumuha ng tubig. Pagkakuha ko ng tubig, naupo naman ako sa dining.
Pagkainom ko ng tubig, sandali akong napatanga at kaagad na napapikit nang maramdaman ko na ang pananakit ng ulo ko. Argh! Heto na, hangover attacks! Psh. Inis na napahilot na lang ako sa sentido ko.
"Ay, gising ka na pala, Hija?" Napaangat naman ulit ang tingin ko nang marinig ko ang salitang 'yon. And I saw Manang Fel standing near the entrance while staring at me. Mukhang nagulat yata ito nang mabungaran ako rito. Pinilit ko na lamang na ngitian ito at napahilot ako ulit sa sentido ko.
Naramdaman ko na lumakad ito ngunit hindi ko alam kung saan patungo. At ilang sandali lang, napadilat na lang ako ulit nang biglang may inilapag ito sa harap ko. It's a cup of honey tea. "Inumin mo 'yan, makakatulong 'yan para mawala ang pananakit ng ulo mo. Alam ko na lasing na lasing ka kagabi nang umuwi kayo ni Sir Kristoff kagabi, kaya hindi nakapagtataka na makaramdam ka n'yan ngayon." Anito.
BINABASA MO ANG
Missing Piece
RomanceAng pagkakataon nga naman! Kung sino pa 'yong taong "kinabibwisitan" mo noong una pa lang kayong magkita, ay siya pa pala 'yong taong magiging dahilan upang ibalik mo 'yong itinapon mo nang nakaraan dahil sa kawalan na ng puso mo para magmahal at ma...