Chapter 67

126 5 0
                                    

Chapter 67

LOVELY

NAPAMULAT lang ako ng mga mata nang maramdaman kong hinalikan ako ni Kristoff sa noo, nasa gilid ko na pala siya at bihis na bihis na. Hinihilot-hilot niya rin ang noo ko.

"Aalis na ko, loves. Are you sure pwede na kitang iwan ng ganyan?" Ani niya na may himig-pag-aalala pa rin.

I slowly nodded at him. "Okay lang ako, loves. Nahihilo lang naman ako, mawawala rin 'to mamaya." Paninigurado ko sa kaniya. Ilang araw na rin kasi akong ganito, madalas akong nahihilo sa umaga pero medyo mawawala rin naman talaga siya. Ayoko namang magpa-check up agad dahil hilo pa lang naman 'to.

Mag-iisang linggo na rin ang nakalilipas mula n'ong bumalik kami ni Kristoff dito sa Pilipinas, talagang three weeks nga lang ang itinatagal namin doon at talagang sinulit niya nga ang moment na kaming dalawa lang ang magkasama roon. Nag-libot kami nang nag-libot sa magagandang puntahan sa New York, nag-date, at mas pinaka-sinulit niya ay ang palagi niyang inuungot sa akin na "honeymoon". Siyempre, bahagi na nga ng pagsosolo namin 'yon, hindi ko rin naman kasi kayang i-resist ang hotness ng asawa ko.

Biglang napakunot ang noo ko nang may bigla na lang akong nalanghap na amoy na hindi kaaya-aya sa ilong ko. Napatitig ako sa kaniya nang mamataan ko na parang sa kaniya nanggagaling 'yon. "Loves, amoy mo ba 'yon?" Naiiritang tanong ko sa kaniya.

"Ha? Ano bang amoy ang tinutukoy mo, loves?" Inamoy pa niya ang sarili niya. "Ang bango ko nga, eh. 'Yong perfume na bigay mo ang gamit ko." Proud na sagot pa niya sa akin sabay lapit sa mukha ko ng leeg niya.

Kaagad naman akong napaatras ng mas maamoy ko na sa kaniya nga nanggagaling 'yon, napatakip na rin ako ng ilong. "Bakit ang sakit naman sa ilong n'yan? Sigurado ka, 'yan 'yon?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Oo! Lately, gustong-gusto mo akong inaamoy kapag ginagamit ko ito. Tapos ngayon, bahong-baho ka naman? Anong nangyayari sa 'yo, loves?" Nagtatakhang tanong niya rin sa akin. Napatitig lang naman ako sa kaniya. Bakit nga ba?

Nang akmang lalapit na ulit siya sa akin, saka ko naman maramdaman ang biglaang pag-ikot ng sikmura ko. Kaya dali-dali akong bumangon sa kama at patakbong nagtungo sa CR. Shit! Naduduwal naman ako ngayon!

"Loves, okay ka lang ba talaga? Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? Bakit nagsusuka ka naman ngayon?" Nag-aalalang tanong na naman niya sa akin na sinundan pala ako agad dito. Hinagod-hagod pa niya ang likod ko. Nagmumog na muna ako bago ko siya harapin.

"No, o-okay lang ako. Baka... baka bigla lang talagang sumama ang tiyan ko kaya ganito. Ang dami ko rin kasing nakain kagabi, di ba?" Sabi ko na lang sa kaniya, pero napapaisip na rin ako.

"Sumama ang tiyan mo? Bakit ngayon lang kung kagabi pa ang huli mong kain? Saka, sabay tayong kumain kagabi. Kung sa pagkain na kinain natin ang may problema, sana ako rin nagkakaganyan!" Ani niya pa. "No, hindi na natin dapat i-sa walang bahala 'yan." Patuloy niya sabay balik ulit sa kwarto namin. Sinundan ko naman siya agad.

"Anong gagawin mo?" I asked.

"Tatawagan ko muna ang Kuya mo, sasabihin ko sa kaniya na siya na muna ang um-aattend ng meeting dahil hindi muna ako papasok today. We need to go to the hospital, kailangan mong magpa-check up." At kinuha na nga niya ang phone niya sa ibabaw ng bed side table. Pero agad ko naman siyang nilapitan at inagaw ko sa kaniya ang phone niya para hindi niya mai-tuloy 'yon. Napatitig naman siya sa akin after kong gawin 'yon.

"I said, I'm fine! Simpleng hilo lang at minsan lang naduwal, hospital at check-up na agad, loves? Mawawala nga rin sabi agad 'to, eh!" Kontra ko sa kaniya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon