Chapter 14

156 4 0
                                    

Chapter 14

"MS. Lovely, mas gaganda po kayo sa espesyal na araw niyo na 'to kung ngingiti kayo!" Cheerful na sabi pa sa'kin nang baklang nagme-make up sa'kin ngayon.

I glared at him——her——Ah, whatever! Basta bakla siya. "Alam mo kanina ka pa, eh! Ang pakialamero mo, alam mo 'yon? Psh, lumayo ka nga muna sa'kin, please?!" Naiinis na pagtataboy ko rito. Tutal, tapos na rin naman na nila akong ayusan ng bongga!

Nakayukong iniwanan na nga ako nito.

Nakakabwisit! Halata na ngang wala ako sa mood, pangingitiin pa ko? Akala mo ta——Argh!

I breathe in and breathe out twice to calm myself. Don't stress yourself, Lovely. Lilipas din ang araw na 'to. Matatapos na rin ang lahat.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Sinasabi nila na this is the most important event in woman's life, dahil sa mismong araw raw kasi na 'to nagkaaroon ng isang kakaibang ligaya ang isang babae, lalo na raw kapag suot na nito ang puting wedding dress niya.

Pero ako? Oo, alam ko na napakaganda ko ngayon habang suot ko na itong wedding dress ko. Pero ito nga ang dahilan ng pagiging malungkot ko ngayon, eh. Kasi nga... hindi ako masaya. Wala akong maramdaman na special sa araw na 'to. Wala.

Tsh, Paano nga bang magkakaro'n? Eh, arranged marriage lang naman kasi 'to. Oo, sila siguro na nagplano ng kasal na 'to sa'min masaya. Pero kami mismong ikakasal? Hinding-hindi. Pero wala na kaming magagawa, eh. Heto na, eh. Wala na kaming chance na tumanggi, wala na kaming chance na umatras. Kasi, wala na rin naman kaming choice. Ang saklap!

Kaya kapag natapos lang talaga 'tong araw na 'to? Makakahinga na ako ng maluwag dahil wala na akong iisipin pa na nakaka-stress.

Haist! Hindi rin pala. Dahil ang mga susunod na araw pagkatapos nito, magsisimula naman ang panibagong kai-stressan ko! Hay, buhay!

Napapikit na lang ako at bahagyang napayuko habang nakatukod ang mga braso ko sa gilid ng table na nasa harap ko ngayon. Nakakainis talaga, ayoko ng ganito!

Narinig ko na bumukas na naman ang pinto. Meaning, may pumasok.

"Wag mo ngang ternuhan ng simangot 'yang napakagandang wedding dress na suot mo ngayon!" Biglang salita nito.

Kaya napaangat ulit ang ulo ko, at mula sa salamin, tinignan ko kung sino ba ang taong 'yon. And there, I saw Icee standing near the door while smiling.

"Ano bang paki niyo? Kitang wala nga sa mood 'yung tao, oh. Tapos, pangingitiin niyo? Hay, nako!" Mataray na reklamo ko nga sa kanya sabay irap.

Natawa pa ito sabay napapailing while her arms are crossed. Saka niya ko nilapitan.

"Napakaganda mo, Lovely. Kaya dapat, hindi ka sumisimangot ng ganyan! Hindi kasi bagay, at ayoko mang sabihin 'to dahil alam kong ayaw mong nasasabihan ka ng ganito pero... ang panget mo kapag nakasimangot ng ganyan, eh!" She said while still laughing at me. Inirapan ko na lang siya ng wagas. Ilang sandali lang naman, huminto na siya sa pagngisi. "I-feel mo na lang 'tong araw na 'to, wag ka nang malungkot. Tutal pagkatapos naman nito, balik ka na ulit sa dati. Kaso, may asawa ka na nga lang. Saka, di ba? You always said na 'hindi dapat ikaw ang namomroblema, sila dapat ang namomroblema sa'yo'. Eh, ano 'yang hitsura mo ngayon? Saka, after din naman nito, wala ka nang poproblemahin!" Dagdag pa niya.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon