Chapter 26

132 5 0
                                    

Chapter 26

"IS THAT IT? 'Yan lang ba 'yong kailangan mong sabihin sa 'kin? Wala naman na tayong kailangan gawin ngayon, di ba?" Sunod-sunod na tayong ko kay Icee. Pero panay ang sulyap ko sa phone ko. Chine-check ko kasi 'yong time.

"Yes, wala naman na for today." Sagot nito. "Pero teka nga, ha? Bakit ka ba nagmamadali? May lakad ka ba?" Curious na sita naman sa 'kin nito malaunan.

Nag-angat naman ako ng tingin dito. "Yes, may lakad ako. At importante ang lakad ko ngayon." I said. Then, napatingin ulit ako sa phone ko. It's already 10:35 AM.

"Uy! Date ba 'yan?" Tanong ulit nito sa 'kin. At nakita ko na nakangiti pa ito na parang ewan sa 'kin ngayon. Ano raw?!

So, sinamaan ko siya ng tingin dahil d'on. "Date? Psh. Mas may sense ang pupuntahan ko 'no?" At mataray na sagot ko rito.

"Ay! Grabe siya, oh!" She react. At nag-pout pa ito. "Akala ko, may date na kayo ng husband mong si Kristoff, eh."

Sarcastic naman akong napatawa dahil sa sinabi nito. "Ang layo ng itinatakbo ng utak mo, Icee!" I said. At napapailing-iling na lang ako.

"Hey, why not? Mag-asawa kayo. Siya ang asawa mo. Kaya sino ineexpect  mo na isipin ko para maka-date mo?" Patuloy nito.

"Mag-asawa lang kami sa PAPEL!" Pagtatama ko naman dito. Feeling ko, mas lalo ko lang inuubos ang oras ko sa pakikipag-usap ngayon kay Icee. So, naisip ko na lang na tumayo na at sinukbit ko na sa arms ko ang hand bag ko ng maayos. "I have to go. Bye, Manager!" Dire-diretso na paalam ko na rito para hindi na nito maipagpatuloy ang sinasabi. Tinungo ko na nga ang pintuan at tuluyan na akong umalis doon.

Pagsakay na pagsakay ko sa kotse ko, pinaandar ko na kaagad ito paalis. At ngayon, may una akong destination. Sa Mall. Kailangan kong bumili ng gift.

Because, today is Lia's birthday. 'Yong bata sa orphanage. Mula nang sabihin sa 'kin ni Mother Superior ang araw ng birthday ni Lia, inabangan ko na talaga na dumating ang araw na 'to. Wala lang, natutuwa lang talaga ako sa kanya, eh. Lalo na at alam ko na hinihintay rin nito ang muling pagkikita namin. Ewan ko ba kasi, nakuha na kaagad ng bata na 'yon ang loob ko. Actually, lahat naman ng batang nand'on, eh.

Mabuti at kahit ganitong oras na, nakisama naman ang daloy ng trapiko. Dahil hindi rin naman nagtagal, nakarating na ako sa Mall.

Kaagad kong hinanapan ng space sa parking lot doon ang kotse ko. And after I parked my car, dali-dali na akong bumaba at pumasok sa loob ng Mall.

I smiled dahil hindi rin naman ako natagalan sa paghanap ng shop na talagang pupuntahan ko rito. Kaya nag-diretso na ako roon.

——

KRISTOFF

"ITO TIKMAN MO, My. Ang sarap nito! Say 'ah' dali!"

"O sige, Dy. Subo mo sa 'kin!" At ayun nga, nagsubuan na naman ang dalawang lovey dovey sa harapan ko! Sina Troy at Elise. Kanina pa sila sa ganyan sa harap ko, eh.

Ewan ko ba kasi sa kanila at naisipan pa nila akong isama rito. At hindi ko rin naman malaman kung bakit naisipan ko rin na sumama pa sa kanila. Nagmumukha pa akong third wheel sa kanila ngayon, tsk! Inilayo ko na lang ang pansin ko sa kanila at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

Narito kami sa Mall ngayon. At dito sa isang Pinoy Style restaurant sa loob ng Mall nila naisipan na kumain kami. Kaninang pagdating ko sa company namin, pagyayaya kaagad ng lokong 'to ang bungad sa 'kin. Yes, hindi ako sa company ng mga Lopez pumasok ngayon. May kailangan kasi akong asikasuhin ngayon sa company namin, 'yon din kasi ang ipinaalala sa 'kin ni Papa mula pa kahapon.

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon